Chapter 29

6.2K 266 72
                                    

Bumuntong hininga si Mrs. Olivier. "Why not?" Tanong nito.

Nagkibit balikat lang ako. Feeling close din nitong si Kyana eh 'no?

"Is it because of your age gap? Ilang taon ka na ba Marian?"

Sana nga ang issue ko lang ay ang age gap namin na sampung taon. Mas madali 'yon, mas pwede 'yon. Kaso hindi eh.

"Twenty-two."

Hindi siya nagulat sa sinabi ko. Mukha ba talaga akong bata katulad ng sinasabi ni Maksimillian? Lokong 'yon.

"At hindi naman po tungkol sa age gap."

Inaya niya ako sa loob ng isang boutique, kung saan may mga gowns. Meron palang ganito sa loob ng cruise. Para talagang mall.

"Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin?" Tanong niya ulit.

Ngumiti nalang ako.

"Okay. I won't force you." Itinapat niya sa akin ang isang kulay puting gown na may makinang na mga design. Napakunot naman ang noo ko.

"Did Zam Kinsley tell you?"

"Ang alin?" Ibinalik niya sa rack ang gown at humugot na naman ng isa tapos parang tinitignan kung ano ang babagay sa akin. Ano bang pinag-gagagawa niya?

May lumapit din na isang babae, baka sales lady.

"He didn't tell you? Every first night in a cruise ship lalo na sa cruise niya there's this what they call formal or elegant night. Actually depende kung ilang beses ang elegant night sa haba ng voyage. And that's one of the highlights here. We have to dress up and look really beautiful. At ngayong gabi na 'yon. Nagtataka nga ako bakit hindi ka niya sinabihan, panigurado alam niya naman ang tungkol dito." Mahabang eksplinasyon niya.

"But don't worry. You're with me, ako bahala sayo." Dagdag niya at nginitian ako.

"Wait lang Mrs. Olivier. Baka naman po hindi kami aattend?" Wala naman kaaong nabanggit si Maksimillian sa akin.

"Marian pwede ba 'yon? No, you guys should be there." Ngumuso siya. "Tsaka huwag mo sabi ako tawaging Mrs. Olivier, ang pormal. Kyana nalang kahit mas matanda ako sayo." Ngumiti ito.

Actually kung titignan bata pa nga ito eh, ang ganda niya, ang kinis, ang bait bait pa. Matangkad din. Bagay na bagay nga sila ni Dr. Olivier.

Ngayong lang kami nagkakilala pero ang bait niya sa akin.

"Ah eh..." Hindi ko mabanggit ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam na may ganoong ganap dito sa cruise. Tapos kailangan ba talagang magsuot ng evening gown? Wala akong pambili. Tsaka ang mamahal ng mga gown! At hindi pa ako nakakasuot ng gown sa buong buhay ko!

Tuwing prom, or kung anong formal events kasi sa school dati ay hindi ako pumupunta. Hindi ko kasi gusto ang mga ganon, feeling ko boring lang or ako lang ang ganon? Basta, hindi talaga para sa akin ang mga ganong ganap. Mas gusto ko nalang makipag-karerahan ng sasakyan kesa umattend sa mga ganon na may sayawan keme.

"Bakit? Anong problema?" Tanong niya sa akin.

Sasagot na sana ako na wala naman akong pambili pero natigil ako nang may tumawag sa phone niya. Sinenyasan niya akong saglit lang at sinagot ang tawag ng asawa ata.

"Yes. She's still with me. Why?"

Napatingin siya sa akin at bumulong ng Zam. So si Maksimillian pala ang kausap.

"Oh is that it? Sige. We'll be back before you know it. Huwag niyo nalang muna kami hanapin. We have to prepare!"

"Ang damot Zam Kinsley ha? Hindi ko naman nanakawin si Marian sayo. Basta... Bye."

Mafia Boss 4: Captured By HimWhere stories live. Discover now