Chapter 15

5.8K 253 58
                                    

"Hala!" Sigaw ko at dali-daling umupo. Nasa langit na ata ako.

Pero mas ikinagulat ko nang mapansin kong may kasama akong napaupo.

"Why? What's wrong?!" Nag-aalalang tanong niya, at pa-pikit pikit pa ang mga mata.

Napahiga nalang ulit ako at pumikit tapos nagsalita ng...

"Panaginip lang 'to." Ng paulit-ulit. 

May kumurot sa magkabilang pisngi ko kaya napamulat ulit ako ng mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Maksimillian. Hindi ako nananaginip, totoong nandito siya.

"Good morning." Bati niya.

Bigla akong umupo dahil sa gulat pero pinagsisisihan kong ginawa ko 'yon. Parehas kaming napadaing sa sakit dahil nauntog ang noo ko sa noo niya.

"Fuck!"

"Putangina!"

Malulutong na mura namin. Kinapa ko ang sugat ko sa noo, mabuti nalang at hindi nagdugo. Shit.

Nagising ako dahil sa nangyari, hindi pala talaga panaginip na nandito siya sa kwarto kasama ko.

"Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw ko.

"You're in my room."

"Ano ang ginagawa ko rito?!" Tanong ko.

"Damn. That freaking hurt. Okay lang ba noo mo? Why did you even do that?" Parehas naming hinihimas ang noo naming nagka-umpugan.

"Bakit kasi ikaw ang bumungad?! Akala ko engkanto."

"Ah gets ko na, hindi ka lang sanay na gwapo ang bumubungad sayo tuwing umaga."

Napaka-kapal ng mukha.

"Hindi ka gwapo, kundi gago."

"Whatever you say, Mawi."

Biglang nakuha ng atensyon ko ang view sa likod niya.

Sa harapan ng kama ay ang sinasabi niyang thick glass wall tapos nakikita ang malinaw na pool at may disenyong steering wheel ng barko o yung tinatawag na helm.

Ang ganda!

Puti at dark blue ang theme ng buong kwarto na bumabagay sa wall niya na parang isang malaking aquarium.

Napakalawak. Manly tignan pero ang komportable pa rin sa kahit na sinong mapapadpad dito. May makaki ring tunay na anchir na nakadisplay. Damn.

"You liked it?" Tanong niya.

"So bakit nga ako nandito?" Humarap ako sa kanya.

"You were sick. Alangan namang pabayaan kita sa taas. Problema ko pa kapag may nangyaring masama sayo."

Bumuntong hininga nalang ako.

"Are you feeling better now? Ang taas ng lagnat mo kagabi, you were shaking really bad."

Medyo gumaan nga ang pakiramdam ko ngayon kumpara kahapon at kagabi.

Tumango ako.

"I guess it's really effective ang yakapsule huh?" Narinig kong sabi niya.

"Anong sinabi mo?"

"Yakapsule? You know I gave you a long warm hug last night."

"Tangina?!" Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Lalagnatin ata ulit ako dahil sa ginawa niya. Dahil sa sinabi niya.

"You're welcome."

"Bakit mo ginawa 'yon?"

Pinagnanasahan ba ako ng gagong 'to? May ginawa pa ba siyang kataran--

Mafia Boss 4: Captured By HimWhere stories live. Discover now