Chapter 31

5.1K 222 29
                                    

Ilang beses ko nang natanong ang sarili ko. Paano ko ba siya mapapasaya? Paano ko ba ipaparamdam na mahal ko siya ngunit ayokong umasa siya sa huli? Paano ko ba sasabihin ang lahat? Natatakot ako. Nakakatakot.

Ilang mga programs pa ang nasaksihan namin. Nag-inuman na rin kami ni Kyana at marami pang napag kwentuhan. Ang asawa niya at si Maksimillian ay nakabantay lang sa aming dalawa, kasama din nila sina Green at Cabrera.

Hindi naman ako masyadong uminom. Alam ko namang bawal ako kapag napasobra. Ayokong atakehin ako ng sakit ng ulo sa isang napakagandang gabing ito.

Napatingin ako sa kanan ko nang may maramdaman akong nakatitig sa akin.

Doon nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Trevor, I mean si Nikolay. Balbas sarado na ito ngunit hindi ako pwedeng magkamali na siya nga si Nikolay. Anong ginagawa niya rito?

Bigla akong kinabahan. Galit na galit ako sa kanya dahil sa utos niyang pagpatay sa amin ng mga pamilya ko. At takot na takot din dahil nandito siya. May binabalak ba ulit siyang masama?

Napatingin ako sa gawi nila Maksimillian sa hindi kalayuan at magkausap silang dalawa ni Zyrone.

"Marian, are you okay?" Hinawakan ako sa kamay ni Kyana.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Napagod lang siguro ako."

"Ay hala sige, pwede ka naman nang magpahinga. Tawagin na natin sila."

Tumingin ulit ako sa kinalalagyan ni Nikolay ngunit wala na siya doon. Hindi lang siguro ako namalik-mata. Totoong nandoon siya kanina.

Hindi ko napansin na nakalapit na pala kami kina Maksimillian. Agad naman siyang tumayo at ipinulupot ang braso sa bewang ko.

"Tired?" Agad niyang tanong.

Tumango ako. Nagpaalam na kami kila Kyana at tumungo na sa suite. Pero bago pa man kami makapasok sa loob ay may tumawag sa kanya.

Sinagot niya iyon habang papasok kami sa loob. Napatigil siya kaya napatingin ako sa kanya.

"What the hell are you talking about!?"

Napaigtad ako dahil sa sigaw niya. Napatingin naman siya sa akin and he mouthed sorry. Bago siya sumenyas na saglit lang. Lumabas ulit siya sa kwarto. Umupo nalang ako sa kama.

Mukhang alam ko na kung bakit siya nagkakaganon.

Nikolay.

Dahil nandito sa cruise ship niya si Nikolay, ang taong matagal niya ng hinahanap.

Bigla akong kinabahan. Ano na ang mangayayari ngayon? Paano kung mapahamak siya? Paano kung may malaki ngang problema dahil kay Nikolay? At madamay ang nga tao na nasa ship? Paano kung nagtanim siya ng bomba sa loob?

Umiling ako at inalis ang mga naiisip ko.

Bumalik siya sa loob at agad akong tumayo. Nakita ko agad sa mukha niya ang galit. Pero nang magtama ang mga mata namin ay kumalma ito.

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako ng mahigpit.

"I'll be back."

Humiwalay ako sa yakap niya.

"Nakita ko siya, si Nikolay."

Bumuntong hininga siya, kapansin-pansin ang galit sa kanyang mukha pero pinipigilan niya lang na sumabog sa harap ko.

"My men saw him too and they tried to catch him. But he was gone."

"Wala ba siyang ginawang masama dito sa loob ng barko mo?"

Mafia Boss 4: Captured By HimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora