CHAPTER 35 - EPILOGUE

96.5K 2.5K 949
                                    

A/N: First of all i would like to say thank you for supporting Sweet Surrender. I know my story isn't that perfect but i'm happy that you guys are still reading it. The reason why ayokong pahabain at gawing complicated ang story na'to is because ayokong bigyan ng stress yung readers saka gusto ko good vibes lang tayo. Peace!

••••🏳️‍🌈••••


I stopped on my track after stepping into the rooftop deck of the hotel. I'm both amazed and mesmerized while looking the entire place. Halos kitang-kita ang kabuoan ng malalaking building mula sa kinatatayuan ko. Dito ako dinala ni Sue matapos niya akong sundoin kanina sa mansyon at pakiramdam ko ay nasa isang paraiso ako sa mga sandaling ito.


My eyes dropped down on the table near by. My heart pounded with excitement. Pakiramdam ko ay hindi lang basta romantic dinner date ang mangyayari sa gabing ito.


"Nagustohan mo ba, bunny?" tanong sakin ni Sue matapos niya akong akbayan.


"It's beautiful, kitten." masayang sagot ko.
Mula sa sulok ng rooftop ay may nakita akong babae nasa tingin ko'y pasimuno sa pag-set up sa lugar. She must be Lavender. I looked at Sue and smiled at her softly. "Thank you for bringing me here, baby."


My girl answered me by kissing my nose. Dinala niya ako sa mesa at hinila ang silya para sakin. My heart softens with her sweet gesture. Umupo rin siya sa kabilang side ng mesa.


"Happy 6th anniversary, bunny." puno ng pagmamahal na sabi niya. She held my hands and kissed them both with tenderness.


"Happy Anniversary, baby." i replied wholeheartedly.


"Thank you for everything, babe. Hindi ko na kailangan i-explain yun isa-isa, alam mo na kasi 'yon e."


Mahina akong natawa. "You're always welcome, baby."


Huminga si Sue ng malalim, kapagkuwan ay seryoso akong tinignan. "Ang dami ko pa sanang speech pero ayoko ng patagalin 'to." muli siyang tumayo saka humarap sakin. She knelt down in one knee rason para bumilis ang pagtibok ng puso ko.


"Oh god, oh god, oh god." i shove my face on my palm. Mangyayari na ba ang inaasam ko? Eto na ba 'yon? I've been dreaming for this moment to happen!


"Babe, makinig ka muna sakin."


Agad naman akong pumormal pero hindi ko na maitago ang anticipations ko. I'm so desperate! "Just say it already."


Sue's face shown amusement. Ilang sandali pa'y may kinuha siya mula sa kanyang bulsa. Oh gosh, this is it!


Handa na akong tumili sa saya, ngunit natunaw lahat ng excitement ko nang makitang hindi velvet box ang inilabas niya kundi isang necklace.


"Tada!" aniya sabay pakita sa bitbit niya.


I feel depressed and sad. Shocks, umaasa pa naman ako.


"Do you love it?" malawak ang ngiti ni Sue nang isinuot niya ang necklace sa akin. "It looks good on you."


I can't hide my emotions anymore. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak dahil sa lungkot.


Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now