CHAPTER 7

62.5K 2.2K 1.6K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars





Sue


Parehong bagsak ang mga balikat ko pagbalik sa dorm. Pinaghalong inis at disappointment ang naramdaman ko kay Helaena sa mga sandaling 'to. Ako na nga yung nagmamagandang loob, ako pa tuloy ang nagmukhang masama.

After kasi ng eksena kanina ay pinagalitan ako ng manager namin, sabi pa nito isang importanteng tao daw si Helaena dahil bukod sa mayamang negosyante siya ay kaibigan din daw siya ng amo namin. Kahit anong paliwanag ko sa manager namin ay ayaw nitong maniwala sakin, binigyan pa ako nito ng dalawang buwang suspension bilang parusa.

I should've known, masama ang ugali ng babaeng 'yon. Kahit pa aware akong lasing siya at wala sa sarili ay naiinis parin ako sakanya. Ilang beses na kaya akong naka-encounter ng lasing pero hindi naman nila ako iniinsulto o minumura. Hay naku mayayaman nga naman, sa umpisa lang mukhang mabait pero yun pala hindi.

Pasalampak akong umupo sa lumang couch saka pagod na hinilot ang ulo ko.

"Where have you been?"

Napa-angat ako ng tingin sa boses na 'yon ni Theia, hindi ko namalayang nandito pala ito. May susi kasi ito sa dorm kaya malaya itong maka-labas pasok.

"Sa bar." sagot ko sa walang ganang tono.

"Why do I have a hard time believing that?" may pagdududang tanong niya.

"Wala ako sa mood ngayon, Theia. Please lang, huwag mo muna akong kulitin."

Theia made a face. "Diba day off mo ngayon? Bakit nasa bar ka? Are you hiding something from me?" parang girlfriend na kastigo niya. "Or have you been dating someone behind my back? Who is she?"

"Paranoid ka na naman, daig mo pang girlfriend na selosa."

Theia rolled her eyes at pagkatapos lumapit sakin at malambing na umupo sa lap ko habang parehong nakapalibot ang mga braso sa aking batok.

"I have every right to get jealous, Suzaine. You know that I like you so much and I hate the idea of you going out with someone else and not me."

Bumuga ako ng hangin saka buong lakas siyang binuhat paalis sa kandungan ko at pagkatapos tumayo at nagtungo sa kusina.

"What's up with you, ba't parang galit ka?" nakasunod siya sakin at bahagyang nakakunot-nuo. "Is there something you want to say, go on i'll listen."

"Wala, pagod lang ako." tugon ko.

"Sue, I'm asking you as a friend this time. Come on, spill it. I'm all ears."

Napabuntong-hininga ulit ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang nangyari pero ayokong maka-tanggap ng anumang tulong mula sa kanya. Dalawang buwan akong walang kikitain dahil nga suspended ako at hindi sapat ang perang naiwan sakin dahil sa dami ng bayarin sa school, rental ng dorm, at iba pang personal na gastusin. Hindi ko naman inaasahan na agad-agad akong mawalan ng trabaho e, hindi ako naka-pag ipon.

"Okay lang ako, Theia. Napagod lang talaga ako dahil sa dami ng customers kanina. Pinalitan ko kasi saglit yung katrabaho namin kasi may emergency.....yun lang."

"As you say so." aniya bago kinuha ang isang kulay brown na paper-bag at inabot yun sa akin. "I bought this for you, I hope you like it."

Binuksan ko ang paper-bag na bigay niya para tignan ang laman. Rubber shoes yun at mukhang mamahalin pa. Ibabalik ko sana ito sa kanya pero naunahan niya akong magsalita.

"Luma na shoes mo, Sue. Huwag ka ng magreklamo pa."

Napakamot ako sa pisngi ko. "Kaya ka laging nagpagkamalang sugar mommy ng mga kaibigan ko sa school eh."

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now