CHAPTER 3

68.4K 2.1K 673
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars



Sue



"Sue, tigdalawang order ng Mojito at Martini daw." sabi ng waiter na si Jeremy paglapit nito sa counter. "Lagyan mo daw ng extra twist, timpla mo daw ang gusto nila."

"Okay sige." agad kong kinuha ang baso at nag simulang mag-mix.

"Sue, shift mo pala ngayon?" tanong ng isa pang waiter na si Hans habang nagpupunas ng wine glass sa gilid ng mesa.

"Hindi pero naki-usap sakin si Aidan na ako muna ang papalit sa kanya ngayon. Masama raw kasi pakiramdam niya e." ang tinutukoy ko ay yung kasamahan kong Bartender na dapat sanay shift nito ngayon.

"Mag-aalas dose na. Umuwi ka na kaya?" lumapit sakin si Hans at inagaw ang hawak kong baso. "Malalim na ang gabi, kami na bahala dito."

"Okay lang, Hans. Kaya ko pa naman." magalang na sagot ko.

"I insist, ako na dyan. Kanina ka pa riyan eh baka magkasakit ka pa niyan." concern na sabi niya.

"Sus, kunyare lang yan Sue. Crush ka kasi niyan eh." kantyaw na hirit ni Jeremy.

"Tumahimik ka nga!" singhal dito ni Hans. "Sue, seryoso ako. Ako na bahala. Hindi mo naman shift ngayon. Umuwi ka na habang may masasakyan ka pa pauwi."

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Sure ka?"

"Oo." mabilis niyang sagot.

"Okay sige, pero tatapusin ko muna 'tong order tas uuwi agad ako."

"Good, saka huwag mong kalimutan yung cake na ginawa ko ha? Para talaga yun sayo."

"Yieeeeeee." Hirit ulit ni Jeremy. "Lakas maka porma, Hans ah!"

Inis na binato ni Hans ng basahan si Jeremy pero mabilis na nakailag si Jeremy. Natawa nalang ako habang nakinig sa awayan ng dalawa.

Sa totoo lang kanina ko pa gustong umuwi para makapag-pahinga na. Halos buong araw akong busy at bugbog na sa pagod ang katawan ko.

May pasok ako kanina sa paaralan mula alas syete hanggang ala-una ng hapon at pagkatapos 'non ay dumeretso agad ako dito sa part time job ko bilang bartender mula alas-dos hanggang alas-diyes ng gabi. Literal na buong araw akong walang pahinga lalo na't absent yung kasama ko at ako ang pumalit sa shift niya.

Isa akong college student sa isang pampublikong  unibersidad. Third year na ako sa kursong Accountancy. Ngayon lang ulit ako nakabalik sa pag-aaral makalipas ng halos dalawang taong pag-tigil at malaki ang pasasalamat ko dahil isa ako sa mapalad na mga estudyanteng nabigyan ng scholarship ng gobyerno.

"Rem, eto na yung order oh." tawag ko kay Jeremy pagkatapos kong ma-mix ang order na Mojito at Martini with a twist.

"Wow, Sue ang galing mo talaga. Itsura pa lang nakakatakam na, kaya ka madaming suki e." komento nito habang tinitignan ang mga baso.

"Ibigay mo na yan." aliw na sabi ko saka hinubad ang suot na apron at humarap kay Hans. "Hans, sigurado ka bang ikaw na bahala dito?"

"Oo, Sue ako na. Umuwi ka na."

"Salamat ha? Ang bait mo talaga kahit kailan."

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Hans. "W-walang anuman. Uhm gusto mo ihatid na kita dyan sa waiting shed?" 

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora