CHAPTER 11

65.9K 2.2K 3.1K
                                    


"You're twenty minutes late, Sue." yun agad ang salubong sakin ni Helaena pagdating ko sa parking lot ng La Greta kinaumagahan.

"Sorry po, ma'am. Medyo na-stuck lang ako sa traffic." nahihiyang paumanhin ko habang nakakamot sa batok.

"Get in the car." nauna na siyang sumakay sa kotse na agad kong sinundan. Pareho kaming nasa back sit umupo.

"Uhm, ma'am?" maya't-mayang tawag ko sa atensyon niya.

"Hmm?"

"Ilang araw ho tayo sa Palawan?" magalang kong tanong.

"Two days." tipid na sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana.

Hays buti na lang pala at nagdala ako ng extra na damit. Akala ko kasi half day lang kami doon.

Pagdating namin sa NAIA airport, deretso agad kaming pumasok para mag check-in. Nasa departure area na kami at naghihintay ng flight announcement nang mapansin kong paulit-ulit ini-ignore ni Helaena ang tawag mula sa cellphone niya. Gusto ko sana siyang tanongin kung okay lang ba siya pero sa huli ay pinili kong manahimik nalang.

After ma-announce ang flight number namin ay sabay kaming tumayo at naglakad patungong boarding gate hanggang sa makapasok kami sa loob ng eroplano.

Helaena is obviously not in the good mood today, lalo na nung may lumapit samin na flight attendant at panay ang tanong sakin kung may kailangan ba daw ako, the girl was kinda flirty to me though. Hindi naka-takas sa paningin ko ang matalim na tingin ni ma'am dito at marahil napansin yun ng flight attendant kaya hindi na ito lumapit pa.

"Okay ka lang ba?" hindi makatiis na tanong ko sakanya.

"Ewan ko sayo." Inis na sagot niya sakin.

Confused akong napatitig sa mukha niya, but she didn't say anything. Isinuot niya lang ang kanyang sunglasses at tumingin sa labas ng bintana. Nagtataka man ay tumahimik nalang ako.

The plane already ascended to the sky and we were both silent during the flight. Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman ko ang pag-hilig ng ulo ni Halaena sa balikat ko. I turned my gaze down to check on her, and that's when I realized she had fallen asleep. Parang may kilig na gumapang sa dibdib ko habang ginawa niya 'yon.

Makalipas ang isa't kalahating oras ay sa wakas lumapag na yung eroplano sa Puerto Princesa Airport. Nag-hesitate akong gisingin si Helaena kasi mukhang comfortable siya sa posisyon niya sa pagtulog. Rinig ko pa yung mahinang hilik niya bagay na ikinangiti ko. I find it very cute.

"Ma'am," marahan kong tinapik ang kamay niya para gisingin. "Nandito na tayo."

"Hmmm.." she made a groaning sound, then she unintentionally wrap her arms around my body, para akong nakuryente sa ginawa niya.

"M-ma'am, gising na po." Nauutal at natatarantang sabi ko.

"I'm still sleepy..." Inaantok na hayag niya habang nakayakap parin sakin, she even snuggle her nose on my neck.

Shet naman oh, aware ba siya sa ginagawa niya? Baka awayin pako neto pag-gising e, para pa naman itong dragon kung magalit. Alam ko yun kasi sa ilang linggong pananarabaho ko sa La Greta, na witness ko yung pagiging hitler niya.

"H-helaena." muli kong tinapik ang kamay niya. "Gising ka na, tayo na lang dalawa sa loob oh."

Ilang sandali pa'y gumising na nga si Helaena. Kinusot-kusot niya ang mga mata niya at napasinghap ng malakas after niyang makita ang posisyon naming dalawa. Mabilis siyang humiwalay sakin at inayos ang kanyang sarili.

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon