CHAPTER 5

67K 2.2K 3.3K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars




Sue


Isang hindi inaasahang bisita ang sumalubong sa akin pagbalik ko sa dorm.

"I miss you." malambing na sabi ni Theia after niya akong sugurin ng mahigpit na yakap dahilan para matumba kami pareho sa sahig.

"Kailan ka pa nakabalik galing Japan?" puno ng pagtatakang tanong ko. Anak si Theia ng asawa ni Papa na mas matanda ng pitong taon keysa sakin, nakaugalian na nitong bumibisita sa dorm tuwing sabado para kumustahin ako.

"Just a few hours ago." sagot niya bago kami sabay tumayo. "The business conference ended smoothly and I have no reason to stay there any longer, so i decided to go home."

"Ganon ba?"

"Yup. Aside from that, I have more important things to deal with." dagdag niya saka matamis na ngumiti. Mayaman si Theia, ito ang tagapag-mana ng malaking negosyong itinayo ng Mommy nito. "Where have you been by the way? Kanina pa kita tinatawagan sa phone mo ah."

"Galing ako sa resto-bar."

"You change shift?"

Umiling ako. "May nakalimutan kasi akong kunin kagabi kaya binalikan ko."

"Oh okay." aniya saka pinasadahan ng tingin ang buong dorm ko. "Your place is getting worst than it already is, Sue. Bakit ba ayaw mong tanggapin ang offer ko?"

"Okay pa naman ah." tinignan ko rin ang kabuoan ng dorm. "Di pa kasi ako naglilinis kaya mukhang makalat."

Theia heaved a sigh. "Baby, it's not okay. Tignan mo nga ang ceiling konti-konti na lang babagsak na yan, and look at the floor, it's not even strong enough to hold four people."

Napakamot ako sa ulo ko. "Eto lang kaya ko e."

Theia glared at me. "I offered you money but you won't even take it, I also offered you a decent place to stay but you keep on refusing it."

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko naman kailangan yan e, saka kaya ko na ang sarili ko."

Theia rolled her eyes. "Ayaw mo ring tanggapin ang offer ko bilang part-time assistant ko. What am I going to do with you, Sue? Ayaw mo rin na sabihin ko kay Tito Simon ang sitwasyon mo."

May kung anong pumitik sa dibdib ko pagkarinig sa pangalan ni Papa.

Pinag-halong inis, galit at tampo ang nararamdaman ko para sa ama. Hindi lang isang beses itong nagtangkang kausapin ako para ayusin ang relasyon namin pero mas pinili kong magpakalayo dito dahil ayokong maging sagabal sa buhay nito. Hindi pa ako handang makipag-ayos sa ngayon.

"Salamat, Theia. Pero hindi ko kailangan ng anumang tulong." pagkasabi 'non ay tumalikod na ako para linisin ang kwarto ko.

"I just want the best for you, Sue." aniya habang sinusundan ako. "I want you to live comfortably."

Humarap ako sa kanya. "I am comfortable." Napa-english tuloy ako ng wala sa oras. "Look, Theia. I genuinely appreciate your kindness but like what I said, kaya ko na ang sarili ko."

She crossed her arms. "Give me a valid reason."

Bumuga ako ng hangin. "Kasi masyado ka ng maraming naitulong sakin at sobra na akong nahihiya." pag-amin ko. Totoo yun, daig pa itong sugar mommy ko dahil halos lahat ng gamit dito sa dorm sa kanya galing. Mula sa ref, tv, cabinet, kama at iba pa. Ilang beses ko na itong pinigilan pero ayaw nitong mag-pa-awat, lagi tuloy akong tinutudyo ng mga kaibigan ko dahil akala nila may relasyon kami.

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن