CHAPTER 25

74.7K 2.1K 2.1K
                                    



"Sue, pautang nga. Mukhang bigtime ka na ngayon ah."

"Oo nga, may pa iPhone 12pro max ka pa oh."

Eto ang panunukso sakin ng mga kaibigan kong sina Gail at Yen habang nasa loob kami ng school cafeteria. Balik eskwela na at start na ng 2nd semester ng taon. Kanina pa nila ako tinutukso sa loob ng classroom hanggang dito sa caf.

"Mukhang lumelevel up yung sponsorship ni mommy theia sayo ah." ani Gail na sinabayan pa ng tawa.

"Kayo na ba, Sue?" naiintrigang tanong ni Yen. "May pa kotse ka narin kasi e."

"Walang kami," agad kong sagot sa dalawa.

"Ah so sugar mommy mo parin siya hanggang ngayon."

"Tumigil ka nga. Hindi galing sa kanya ang mga 'to noh. May bago na kasi akong trabaho ngayon."

"Nag-resign ka na sa bar?"

"Hindi, pero na suspend ako. Tapos hindi nako bumalik."

"E kung ganon saan ka na nagtatrabaho ngayon?"

"Sa La Greta Corporation." nakangiting sagot ko.

"Sa La Greta!?" halos sabay na bulalas nila.

"Yup, mahigit dalawang buwan na rin." dagdag ko pa bago kumagat ng sandwich.

"Hoy paano ka nakapasok sa kompanyang 'yon?" tanong ni Yen. "Ang hirap kaya i-apply 'don."

"Oo nga. Kaya naman pala bigtime ka na ngayon e." segunda ni Gail.

"Dinaan ko lang sa charms." pa kindat na sagot ko.

"Pero diba kalaban ng kompanya ng mommy theia mo yung La Greta?"

"Oo, pero okay lang naman sa kanya. Kaibigan niya kasi yung boss ko."

"Ano ba trabaho mo 'don?"

"Secretary ng boss ko." At kitten niya ako!

"Sana all. Sino ba boss mo?"

"Helaena Wiles." si Bunny.

Napanganga si Yen. "Huy, boss din yan ng pinsan ko. Sa La Greta din kasi yun nagtatrabaho e."

"Sino ba pinsan mo?" ako naman ang nag-tanong.

"Si ate Aira. Nasa Accounting Department."

Medyo nagulat ako. "Pinsan mo pala si Aira? Close na kami 'non e."

"Oo, pinsan ko yun sa mother side." aniya kapagkuwan ay ngumisi ng nakakaloko. "Nakita ko na rin sa personal si Helaena ng minsan akong isinama ni ate Aira sa christmas party ng La Greta."

"Bakit, ano ba hitsura niya?" curious na tanong ni Gail.

"Maganda. As in, sobrang ganda. Parang dyosa. Na crush at first sight nga ako e."

"Hmmmm," ngumisi rin si Gail at pagkatapos tumingin sa akin. "I smell something fishy."

"Adik ka." sabi ko.

"Baka naman siya na bago mong sugar mommy yieeeee."

"Tumigil ka nga, ang ingay mo." suway ko.

"Asus guilty siya oh." tukso pa nito.

"Paano na yan, Sue? Ibigay mo na lang sakin si Theia. Kailangan ko ng sponsor eh." biro ni Yen.

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now