CHAPTER 23

70.7K 1.9K 1.2K
                                    

A/N: Unedited, sorry for the typos and wrong grammars.


Theia



"Hindi ko talaga alam kung bakit ka nag-aaksaya ng oras at panahon dyan sa batang yan, Theia."

Nag-angat ako ng tingin kay Jacqui na siyang nagsalita. Nasa loob kami ng isang café ngayon at katatapos lang namin makipag-negosasyon sa isang kliyente.

"Can you please shut up, Jaqui? You're interrupting me here." inis na suway ko habang nag-oonline shopping ng gamit para kay Sue.

"Seriously, Theia. Ako 'tong nastress sa mga pinang-gagawa mo. That kid is obviously not into you, quit it already."

I shook my head, not taking her seriously. "I'm not just doing this because I like Sue, Jacq. I'm doing this because she's my stepsister too. Anak sya ng asawa ni Mama at close kami ni Tito Simon. I'm doing these things on behalf of him since Sue doesn't want to talk to him or accept anything from him."

Sarkasmong tumawa si Jacqui at ngumisi. "Kailan mo ba aaminin sa sarili mo na yung nararamdaman mo kay Sue is purely a sister's love?"

"Hindi mo hawak ang feelings ko."

"Yun naman talaga ang totoo eh. Na divert mo lang yung love at attention kay Sue since hindi mo nakuha yun kay—"

"Jacq, isa." banta ko sa kanya.

"Truth hurts ba?"

Pinukolan ko siya ng matalim na tingin. "Don't start."

"Oh really, boss." tumawa si Jacqui ng nakakaloko at kapagkuwan ay sumipol. "Gusto mong ikwento ko pa? Parang ang sarap mong asarin ngayon e."

"Kapag nagsalita ka pa dyan, itatapon ko sayo 'tong laptop. I swear Jacqueline, hindi ako nagbibiro."

But Jacqui didn't listen. Bagkos nagsimula lang siyang mag-kwento. "Once upon a time, may isang babaeng inlove sa high school friend niyang babae rin. Pero si friend ay straight tapos—"

"Tumahimik ka nga!" mahina pero matigas na pigil ko.

"Tapos si high school friend may crush na lalaking nag-ngangalang Dylan." patuloy ni Jacqui. God i want to wring her neck!

"Jacqui." I gave her a warning look.

"Pero dahil natatakot kang baka masira ang friendship nyo ni high school friend, you rather keep your feelings to yourself and just support her instead." pagtatapos ni Jacqui sabay ngiti.

"That's enough," tumayo na'ko at dinampot ang laptop at purse ko saka iniwan si Jacqui na tawang-tawa lang. Pumasok ako ng kotse at bumalik sa Estér at nag-concentrate sa trabaho.

Madami akong aasikasuhin ngayon dahil wala si mama, ako ang tatapos sa mga trabahong iniwan nito. I'm supposed to be at home right now, lying on my bed because it's Friday. Day off ko dapat. Pero dahil nasa cebu si mama at tito simon ay walang ibang pwedeng gagawa sa trabaho nito kundi ako lang. I feel so stressed and overworked at the moment. The plan for this week is quite busy including an evening banquet with one of our key corporate clients.

I spend the whole afternoon doing paperworks at hindi ko namamalayan yung oras. Napatigil lang ako nang may tumawag sakin.

"Psst, Theia." hindi ko na kailangan lumingon dahil kilala ko na kung sino yun. Anyways, nasa opisina ko pala ang bwesit.

"What is this time, Jacqui?"

Umupo si Jacqui sa visitor's chair at relax na umupo doon. "I apologize for what I did in the café earlier."

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now