CHAPTER 34

71K 2K 685
                                    

Finale - Part 2

Helaena


Hindi ako mapakali sa sopresang tinutukoy ni Sue noong isang gabi. Halos hindi ako makatulog dahil dito.

Omg, is she finally going to propose to me? Sabado na ngayon, today is the day! Ayoko sanang mag-assume pero pakiramdam ko ay eto ang posibleng mangyari. Ngunit ayoko ring umasa dahil baka ibang supresa ang ibig niyang sabihin, I don't want to disappoint myself. I know she's not ready for this whole marriage thing yet because she's still young and currently at the peak of her career. Ayoko siyang madaliin at pilitin sa isang bagay na hindi pa siya handa.

All I wanted is an assurance that we will be together till the end. Oo nasa anim na taon na kaming relasyon pero hindi pa ito sapat sa akin. I've been in this situation with my ex before and i just don't want history to repeat itself. Baka kasi mauwi pa sa hiwalayan ang haba ng relasyon namin and I don't want that to happened.

Willing naman akong maghintay kung kailan siya handa, pero hindi ko lang talaga maiwasang mainip. Gosh i'm already 35, turning 36 few months from now, wala na ako sa kalendaryo. Gusto ko na siyang asawahin lalo na't madaming nagkaka-gusto sa kanya na mostly ay mga kaedad niya pa, minsan mas bata pa nga. This is one of the few things that makes me so insecure about.

What if one day, Sue will fall out of love on me? What if she'll find someone younger and choose to marry her instead? Natatakot akong mangyari 'yon. I love her too much and the thought of us breaking up will surely be the end of me. Hindi ko yata kakayanin kapag nangyari 'yon.

Perhaps i'm overthinking again.
Marahil ito na yung sinasabi nilang sign of aging.

Anyways, nasa La Greta ako ngayon at kasalukuyan nakikinig sa meeting pero hindi ako maka-concentrate dahil lumilipad 'tong isip ko dahil wala si Sue sa kanyang puwesto.

Where is she by the way? She should be here right now. Siya na kasi ngayon ang Creative Director ng La Greta and honestly, she's the best. Simula ng ibigay ko sa kanya ang posisyon ay mas naging maganda pa ang takbo ng kompanya. All thanks to her brilliant mind.

Nag-paalam ako saglit at lumabas ng conference room para puntahan si Sue sa office suit niya.

"Good afternoon, madam." bati ng ilang empleyadong nakasalubong ko sa hallway. I just answered them with a simple nod. Binati din ako ng mga staff pagpasok ko sa Fashion & Designing department, I just smiled at them as a response.

"Is Sue on her office?" tanong ko sa isang empleyado.

"Yes madam." sagot nito na tila kinikilig pa, alam kasi ng buong La Greta ang relasyon namin ni kitten. We never hide it though.

Mabilis kong tinungo ang office ni Sue saka pumasok. I saw her standing near the opened glass window talking someone thru the phone. Hindi niya ako napansin dahil nakatalikod siya.

Dahan-danan akong lumapit sa kinaroroonan niya pero agad ding natigilan nang marinig siyang nagsalita.

"Okay i'll see you later, Lavender." sabi ni Sue sa sino mang kausap niya sa cellphone.

Lavender? Who the heck is that? Umaandar agad ang pagiging selosa ko.

"I won't be late. Pupunta agad ako dyan pagkatapos ko dito." dagdag pa niya na mas lalong ikinaselos ko. Whoever that woman is, she better not try to flirt with my baby.

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें