CHAPTER 27

78.4K 2.1K 1K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars



Sue



"Sige na, Mags. Pumayag ka na." pangungulit ko kay Maggie habang tinatahak namin ang daan papunta sa school library.


"Sabi ng ayoko e." napipikong sagot niya sabay irap sa akin. Kanina ko pa kasi siya kinukulit tungkol dito.


"Malaki ang pa sweldo ng Estér, malaking tulong na rin 'yon para sayo, sige na." dagdag ko pa saka siya inakbayan. "Promise, ako ang bahala sayo. Kung gusto mo samahan pa kita."


"Bahala ka dyan, Sue. Basta ayoko." final niyang saad sabay baklas sa braso ko. Nauna na siyang pumasok sa library at pumunta sa book shelves.


"Mabait naman si Theia e." pagsusumamo ko habang sinusundan siya.


"Salamat, Sue. Pero wala akong paki kung mabait siya o hindi. Basta ayokong mag-trabaho sa kompanyang 'yon, period."


"Ganon ba kalaki ang kasalanan ng kapatid ko sayo?" hindi ko maiwasang ma-intriga.


"Wala ka ng paki 'don."


Curious man ay hindi na ako nagtanong pa.
Si Theia nalang kukulitin ko kapag nagkita ulit kami.


"Sueeeyyy." tawag ng pamilyar na boses sakin.
Mahina akong napamura at huli na para makaiwas dahil nasa harapan ko na si Pearl, ang Miss Campus ng taon na malaki ang crush sa akin.


"O ano?" rude at masungit kong tanong.


"Na-miss kita suey. Na miss mo ba ako?" kumapit ito sa braso ko at sumandal doon.


"Na-miss ka din niya." si Maggie ang sumagot.


"Omg I feel so loved. Is that true, Suey?"


"Hindi." binawi ko ang braso ko at inis itong hinarap. "Ano na naman ba kailangan mo sakin?"


Pearl flirty smiled at me. "Tulad pa rin ng dati. May pa party ulit ako mamaya sa bahay namin, gusto mo bang sumama?" sinubukan nitong hawakan ang kamay ko pero agad ko yung iniwas.


"Pearl, ilang beses ko ng sinabi sayo na wala kang mapapala sakin. Hindi ka pa ba nagsasawa ha?"


Sumimangot ito. "You always say that to me, ang rude mo. Hmp." padabog itong umalis at lumabas ng library. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Sakit talaga sa ulo ang isang 'yon kahit kailan. She was tolerable at first, but as the time passed by nagiging annoying at irritating na, to the point na lagi ko itong iniiwasan sa tuwing nagkikita ang landas namin sa campus. Himala nga at hindi ito ganon ka kulit ngayon, hindi tulad 'nong mga nakaraang linggo na halos ayaw nakong tantanan.


"Awts, ang hirap talaga maging maganda Sue noh?" rinig kong komento ni Maggie, nakaupo na siya ngayon sa harapan ng mesa. 


"Che, isa ka pa." umupo rin ako sa tabi niya.


"Diba gusto mo dati ang atensyon na binigay sayo ng mga babaeng estudyante dito? Ba't bigla nag-iba ang ihip ng hangin ngayon?"


"May magagalit kasi."


"Si Theia?"


Umiling ako. "Basta."


"Eh sino ba, wala ka namang girlfriend ngayon ah."


"Hindi pa kami, pero nasa mutual understanding stage na kami."


"Nawa'y lahat Sue."


Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now