CHAPTER 19

71.8K 2.3K 2.7K
                                    


"Mamimiss ka namin ng sobra, Sue." madramang hayag ni Aira habang naglalakad kami sa lobby ng La Greta.

"Sira, para namang hindi na tayo magkikita pa."

"Hmp, wala na akong kasabay tuwing uwian. Wala na rin akong kasabay kumain sa cafeteria."

Huling linggo ko na kasi dito sa La Greta at labis silang nalungkot matapos kong sabihin sa kanila yun kaninang umaga.

"Huwag kang mag-alala, chat-chat lang tayo sa Messenger. Malay mo, after kong grumaduate dito pala ako mag-apply."

"Di ka ba pwedeng mag-extend?" tanong nito pagdating namin sa elevator papuntang conference room.

"Two months lang yung internship ko diba?"

"Huhuhu." drama ulit nito na sinabayan pa nang iyak na wala namang luha. "Nasanay na kami sa pagmumukha mo sa opisina e."

I laughed, amusingly. Ang saya sa feeling knowing that mamimiss nila ako. I feel the same way too dahil kahit papaano ay naging malapit ko silang kaibigan. I learned a lot from them. Ang swerte ko dahil magaan yung working environment ng La Greta at hindi toxic tulad ng ibang kompanya.

Pagdating namin sa conference room ay nauna nang pumasok si Aira habang ako naman ay nagpaiwan saglit para pakalmahin muna ang sarili. Nasa loob kasi si Helaena kasama ang mga board of directors para sa isang importanteng meeting.

Ilang beses akong huminga ng malalim bilang paghahanda at pagkatapos pinahid ang konting pawis sa noo ko.

As I calmly began to walked inside the conference room, I saw Helaena standing beside the glass panels. Nakatanaw ang mata niya sa labas ng bintana habang naka-cross arms. Tila ako napako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya. I'm visually drank on her physical perfection. Sino bang hindi? She's Helaena Wiles. A goddess personified, a bachelorette, a president and a heiress to a vast fortune. My stunning and absolutely gorgeous boss na legendary ang pagka-mataray. Hot mammeh ugh.

Kung may natutunan man ako bukod sa trabaho ko dito sa La Greta, yun ay ang pagnasaan si Helaena. Purrrr...

Natigilan ako nang bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko.

"Oh hello there." naglakad siya palapit sa akin. Inatake ng matinding kaba ang puso ko pero pilit ko yung nilalabanan sa pamamagitan ng pormal na ngiti.

"Nandito na po yung mga papeles na pinaayos nyo sakin, ma'am." sabi ko sabay bigay sakanya sa folder na hawak ko.

"Thank you." she sweetly answered.

"Nandiyan na din po yung kontratang kailangan permahan ng endorser, naka-ipit po siya sa pinaka-huling page. Paki check na lang."

Helaena looked at me in admiration. "You're so efficient, Sue. One of the things I like about you."

I gulped a bit. I like you more, ma'am. "Thank you po."

Helaena pointed the couch on the side. "Sit there while I'm on my meeting."

"Po? Pero tatapusin ko pa yung file na ipagagawa nyo sakin."

"Ignore that. I want you near me."

"Pero—"

"That's an order."

I gulped again, hard.   

"Y-yes, ma'am." agad akong pumuwesto sa couch na tinuro niya saka umupo doon.

Di nagtagal ay nagumpisa na yung meeting nila Helaena. She sat at the head of the table, clearly showing that she is the boss. There were probably around 20 other people seated at the meeting table and everyone was looking serious and a bit nervous at her presence. The vibe was nerve-wreaking and my palms started to sweat a bit as I felt out of place. Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Napaka-commanding ng dating ng boses niya habang nakikipag-tagisan sa mga board of directors. She spoke in her mind, matapang at intelihente.

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now