CHAPTER 18

68K 2.2K 2.1K
                                    

Sue



"Nay, huwag po kayong mag-alala sakin. Maayos ho ang lagay ko dito." masuyong saad ko kay nanay sa kabilang linya nang tumawag ito para kumustahin ako.

"Okay sige, basta lagi kang mag-ingat dyan ha? Huwag kang pasaway, Sue. Kumain ka rin sa tamang oras."

"Opo, Nay." nakangiting sagot ko.

"Sige na ibaba ko na ang tawag. Ay oo nga pala, nandito kahapon ang Ate Theia mo." habol na sabi nito.

"Po?" bahagya akong napakunot-nuo. "Ano pong ginagawa niya dyan?"

"Hay naku alam mo naman ang Ate mong 'yon, makulit rin. Dalawang oras bumiyahe para lang ihatid 'tong mga grocery items na pinamili niya para sakin."

Hindi na ako nagulat pa. Si Theia talaga. Napakamot na lang ako sa batok ko saka napa-iling. "Nadyan pa ba siya?"

"Umuwi rin yun agad kahapon. Nag-alala nga ako 'don e kasi malakas yung ulan pag-alis niya, baka nag-ka sakit na. Bisitahin mo kaya, Sue?" 

"Tatawagan ko po siya mamaya." sabi ko.

"Mas mabuti kung bisitahin mo para matignan mo rin ang lagay niya." close kasi sila ni Theia sa isa't-isa.

"Subukan ko po mamaya."

"Okay sige. Alagaan mo ate mo." bilin pa nito bago tuluyang nag-paalam.

Agad kong dinayal ang number ni Theia para alalim ang kalagayan niya, ngunit nakailang rings nako ay hindi niya yun sinagot. Nagpasya akong puntahan siya sa bahay nila sa Forbes Park dahil sabado naman ngayon at walang pasok sa La Greta.

Pagdating ko sa mansyon nila, deretso akong umakyat sa hagdan hanggang sa marating ko ang kwarto niya.

"Theia?" tawag ko habang kinakatok ang pinto.

"Come in." sagot niya mula sa loob.

Pinihit ko ang sendura ng pinto at pumasok. Nakita ko siyang padapang nakahiga sa malaking kama. Napansin ko ang ilang gamot na naka-patong sa ibabaw ng nightstand kaya nag-alala ako.

"Ayos ka lang ba?" concern kong tanong sabay lapat sa palad ko sa noo niya para alamin ang kanyang temperatura, medyo mainit siya. "Uminom ka na ba ng gamot?"

"Yes but i'm fine now, baby. You don't have to worry about me." umusog siya ng konti para yayain akong humiga pero nanatili lang akong nakaupo.

"Tumawag sakin si nanay kanina para kamustahin ako. Tas nabanggit niya na pumunta ka raw kahapon sa bahay para maghatid ng groceries."

Theia smiled at me and nodded as a response.

"Theia, hindi mo naman kailangan gawin yun e. Tignan mo tuloy, nagkasakit ka pa."

"Sue, i'm alright and just let me do it okay? Alam mong malapit ang loob ko kay nanay sol. At isa pa, lagi ko naman ginagawa yun e."

Huminga ako ng malalim. "Nakakahiya na kasi. Kung tutuosin kaya ko naman--"

"Shhh." putol niya sa ibang sasabihin ko. "Sue, you're still a student. And what did i told you before? Save your earned money for your studies, at ako na ang bahala kay Nanay."

"Pero kasi--"

"Stop it. I don't want to hear any complains."

Hindi na'ko nag-komento pa. Naging yaya kasi ni Theia si nanay noong bata pa lamang siya. Itinuturing niyang pangalawang ina si nanay kaya naman hindi nakakapag-taka kung hanggang ngayon ay malapit parin ang loob nila sa isa't-isa

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن