ch. 17 - sikreto

7 0 0
                                    

Iniisip ni Magna kung ano na ang itsura ng dalawang bata sa edad nila dapat ngayon kung nabubuhay pa sila. Alam niyang gwapo sila at malamang marami na silang experience sa buhay na hindi pa niya nae-experience. Kung sa tutuosin, mas matanda na sila dapat sa kanya, at mahirap man tanggapin na hindi na nila naabutan ang mabuhay sa panahon ngayon, kailangan harapin ni Magna ang katotohanan at ituloy ang pagtulong sa pagkamit ng hustisya.

Matapos ng sunod sunod na bagyo, muling lumabas ang araw kahit medyo may ambon pa. Ito ang unang araw ng pasukan ulit kung saan ito ang dahilan ng kaba ni Magna dahil makikita nanaman niya ang kanyang mga kaklase.

Pagdating niya ng school, just like the usual, agad siyang sinalubong ng mga tao na pinagtitinginan siya at nakayukong pumasok habang naririnig nanaman niya ang mga bulungan nila. Since wala nang bago, hindi na lang niya pinansin ang mga ito.

"Magna."

Paglingon niya sa tumawag sa kanya, ito ay si Jerome na bagong dating na may ngiti sa mukha. Tinabihan siya nito kahit na sa iba talaga siya nakaupo.

"May gusto kang bang... sabihin?"

"Wala."

"Sus! Nag so-solve ka ng case ng mag isa? Detective ka pala."

"Hindi ah, nagktaon lang 'yun."

"Alam mo? Grabe ka."

Nagulat si Magna at napa tingin siya ng diretso kay Jerome. "Bakit naman?"

"Hindi ka man lang nagsasabi ng mga pinagkaka abalahan mo."

"Eh kasi... mahabang story."

Umayos ng upo si Jerome at nilapit ang upuan kay Magna. "I'm listening."

Napa ngiti si Magna ng patago. "Manghuhula ako." Bulong ni Magna ng pabiro.

"Maghuhula? Ikaw?"

"Oo. Hindi ka naniniwala? Sige, huhulaan ko ang magiging future mo."

Tumango si Jerome, naghihintay ng sasabihin ni Magna.

Nung araw na may nakita si Magna sa mga mata ni Jerome, ito pa rin ang nakikita niya hanggang ngayon. Walang pagbabago. Gusto man niyang sabihin ang lahat ng nakita niya, nag aalangan naman siya kung totoo ito o hindi. Kaya naman, namili na lang siya ng sasabihin niya para hindi mag isip ng kung anu ano si Jerome.

"Bibigyan ka ng kotse." Sabi ni Magna.

Hindi nakagalaw si Jerome agad dahil may na-realize siya bigla. Matagal na kasi siyang humihiling ng kotse sa tatay niya, at hindi niya matanto kung nasabi ba niya ito kay Magna o hindi.

"Pano mo nalaman 'yan?"

"Sabi ko sa'yo, manghuhula ako."

"Stalker ka yata eh."

"Hindi ah... o sige, isa pa—"

"Magkaka girlfriend ba 'ko ngayong taon?" Biglang singit ni Jerome.

Napalunok si Magna habang naka tingin sa mga mata ni Jerome. "H-hindi ko alam."

Nagbuntong hininga si Jerome at umusog palayo kay Magna na parang nabigo siya. Hindi na lang kumibo si Magna dahil bigla siyang nakaramdam ng akwardness sa gitna nila.

*****

Lunch break, kumakain mag isa si Magna sa cafeteria habang katabi si Carly at pasimple niya itong kinakausap.

"Ayan na siya." Sabi ni Carly habang nakatingin kay Jerome na papalapit kay Magna.

Pag upo ni Jerome sa harap nila, bigla niyang tinawag si Magna at hinawakan siya sa isang braso. Magaan lang naman ang kamay ni Jerome, pero hindi akalain ni Magna na magugulat siya.

Mga Kaibigan Ni MagnaWhere stories live. Discover now