ch. 9 - kaibigan

8 1 0
                                    

"Mas natatakot ako pag sa tuwing nagpapagalaw ka ng gamit." Sabi ni Magna habang nakahiga sa kama niya na katabi si Carly.

"Iba pala yung feeling ng isa kang kaluluwa tapos nananakot ka."

Tumawa ng kaunti si Magna. "Yun nga lang isa kang kaluluwa ay nakakatakot na. Yung magpatay bukas ka pa kaya ng ilaw."

"Sa harap ng buong klase."

Sabay silang tumawa in chorus.

"Sa tingin mo, anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Magna.

"Diyos na ang bahala sa kanya."

"Tama ka. Pero, you think na tama lang ba yung nangyari?"

"Ano ka ba? Diba nga, leksyon?"

"I mean, yung way ng—"

"Sabi mo yung matatakot siya. Ngayong natakot na siya, parang nagsisisi ka pa. Live a little you know?"

Nag agree na lang si Magna ng biglang umikot si Carly para tignan siya. "Ang isipin mo ngayon ay yung lalaki sa klase natin na panay ang tingin sa'yo."

"Sus, tumingin lang siya sakin." Deny ni Magna.

"Tumingin siya sa'yo kasi meron siyang gusto sa'yo. Kulang na lang ay maglaway siya."

Tumawa si Magna. "Imposible 'yun. Alam mo ba? Walang nagkaka crush sakin. Ang mga humahabol lang sakin ay lamok."

"Magna, napaka clueless mo naman. Hindi mo ba naiintindihan ang mga kilos niya pag nakikita ka niya?"

Humaba ang nguso ni Magna habang kinakalikot ang dulo ng buhok niya. "Hinde."

"Hay..." Buntong hininga ni Carly. "Nagka boyfriend ka na ba?"

Umiling si Magna na parang bata.

"Ay diyos miyo, pagkakataon mo na."

Namula ang pisngi ni Magna at bigla siyang nagtakip ng unan sa mukha.

"Ang gwapo niya, mabait, matangkad, mabango..."

Agad inalis ni Magna ang unan sa mukha ng naka kunot ang noo. "Mabango? Pano mo siya naamoy?"

"Nagseselos ka?"

Agad napa upo si Magna. "Hindi kaya."

"Halata sa'yo. Pag kasama mo kasi siya, try mo rin amuyin."

"Naamoy ko na siya."

"Amoy?"

"Mabango."

"Kaya nga, anong klaseng amoy?"

"Amoy pabango ng lalaki." Pagtapos niya itong sabihin, agad siyang binato ni Carly ng unan sa mukha. Lalong nagulo ang bangs niya.

"Sinungaling!"

"Totoo kaya!"

Pinagtawanan ni Carly si Magna habang nakaturo sa kanya. "In love siya amputek!" Tawa ni Carly.

"Hindi ako in love." Tumalikod si Magna kay Carly at sinabing, "ayoko na nga."

"Para kang bata, alam mo 'yun?"

"Tama na."

"So, inamoy mo nga siya?" Tumawa ulit si Carly ng malakas.

Walang nagawa si Magna kundi ang mag pasensiya na lang habang namumula ang dalawang pisngi niya na kulay kamatis.

*****

Sa kusina, si Magna ay nagluluto ng sopas, saktong sakto sa panahon, umuulan at malamig. Sa mesa naman, may tatlong nag aabang ng niluluto ni Magna.

Mga Kaibigan Ni MagnaWhere stories live. Discover now