ch. 7 - multo

12 1 0
                                    

Nagising si Magna sa iyak ng dalawang bata na umiiyak. Agad niyang binuksan ang ilaw niya at tinanong kung anong nangyayari.

"Masakit yung dibdib ko." Iyak ni Anthony.

"Ako din, masakit yung tiyan ko." Iyak naman ni Paulito.

Matapos nito, ang iyak nila ay naging ngawa na. Hindi alam ni Magna ang kanyang gagawin. Napa isip tuloy siya kung anong gamot sa batang masakit ang dibdib, pero higit sa lahat, anong gamot ang pwede sa mga kaluluwang hindi matahimik.

Bumalik siya sa kanyang kama at tinapik ito. "Pag tumabi kayo sakin mawawala yung sakit niyo."

Biglang tumahimik ang dalawa at may mumunting hikbi na lang ang maririnig galing sa kanila. Tumalon ang dalawa sa kama at nagkumot. Paghiga rin ni Magna, naisip niya na kahit minsan ay hindi niya alam ang kinamatay ng dalawa. Noong tinanong niya ang dalawa dati, hindi siya sinasagot nito at nagtitinginan sila na parang, wag kang maingay.

Kinaumagahan, napag isipan ni Magna ang mag almusal for the first time in three months. Naisipan din niyang dalhan ng pagkain ang tatlo sa kwarto niya kahit na bandang huli ay itatapon lang niya ito. Agad kumain ang dalawang bata habang si Carly ay nakatalikod, nakaharap sa pader.

"Carly, kain na." Sabi ni Magna.

Ilang araw nang walang kibo si Carly, hindi rin naman siya makausap ni Magna dahil natatakot ito na baka bigla nanaman siyang magalit.

Pagkabukas ni Magna ng Facebook, nakita niya ang kanyang post sa isa niyang account na may halos twenty thousand shares na. Kahit hindi nag-aaral sa university nila ay nababasa ito at kumalat na lang bigla ang balita na parang apoy.

Speaking of balita, nagulat siya dahil may tina-tag sa kanya ang mga tao na agad niyang sinilip. Nanlaki ang mga mata niya at napa nganga siya sa kanyang nakita.

Boyfriend of Carly Olarcon proven guilty by netizens. Sa ilalim nito, ay ang litrato ni Marko na may posas sa dalawang kamay. Ang mukha niya ay hindi mai-pinta dahil may pinaglalaban siya sa mga pumosas sa kanya. Naka paa siya sa litrato, t-shirt na pula, shorts, gulo gulo ang buhok at nakatayo siya sa sala ng bahay nila.

Ang lumalabas, si Marko ay ikukulong sa kasong abuse at rape. Nakita sa autopsy ni Carly na may pwersang naganap sa kanyang ari bago siya tumalon ng tulay at ang DNA ni Marko sa mga kuko niya. Ang mga pasa niya ay matagal nang naninirahan sa buong katawan niya, at ito ang nag silbing proweba na siya ay isang biktima. At ang kanyang solusyon ay, tapusin ang sariling buhay, ang kanyang mga hinanakit.

Nakaramdam ng saya si Magna, pero mas nangingibabaw ang kaba niya. Nginatngat niya ang kanyang mga kuko at nakita si Carly sa isang sulok ng kwarto niya. Kakausapin niya sana ito ng biglang umatras si Carly at nag blend in sa madilim na sulok ng kwarto ni Magna. Bigla siyang naglaho.

Nagbuntong hininga si Magna kaya napatayo siya para buksan ang kurtina. Masyado kasi siyang mahilig sa dilim. Pagbukas niya ng kurtina, siya ay nasilaw ng husto.

Lumingon siya ulit sa kung saan si Carly ay madalas na tumatambay, at nakitang wala na siya.

*****

Habang natutulog si Magna, narinig niya ang kahoy na sahig malapit sa kama niya. Napadilat siya kaagad at napa upo. Si Carly ay nakatayo malapit sa kanya, tila nakatitig pero hindi niya makita ang mukha nito.

Pagbukas ni Magna ng ilaw, si Carly ay nanlalaki ang mga mata, tulala naka tingin sa kanya. Tumayo ang mga balahibo ni Magna at kasabay nito ay ang malamig na temperatura.

"Carly? Anong problema?" Tanong ni Magna.

"Hindi ko maintindihan..." Sabi ni Carly na parang nahihirapan mag salita. "Bakit hindi ko kaya ang maging malaya." Hindi kumukurap si Carly, at bigla na lang tumulo ang kanyang luha. "Walang hustisya para sakin."

Mga Kaibigan Ni MagnaWhere stories live. Discover now