ch. 6 - nakaraan

9 2 0
                                    

Ilang beses sinaktan ni Marko si Carly, at ito ang dahilan ng mga pasa niya sa katawan. Minsan, papasok si Carly na may pasa sa mukha. Hindi ito halata dahil natatakpan niya ng makeup. Alam niya sa kanyang sarili na minahal niya si Marko, pero habang tumatagal, hindi na niya kinaya ang pananakit nito sa kanya kaya napagdesisyunan niyang makipag hiwalay kay Marko. Kung hindi ito papayag, magsusumbong daw siya. Then, sinampal siya ni Marko sa school na nakita ni Magna.

Malaki ang problema ni Carly sa bahay. Ang ama niya ay walang pakielam sa kanya, ang nanay niya ay may kabit at wala siyang kapatid kundi siya lang. At higit sa lahat, si Carly ay biktima ng rape. She was a victim of Marko. Inuumpog siya, sinasampal at sinasabunutan habang pinipilit ang sarili sa kanya. Kahit lumalaban si Carly, hindi niya maiwasan ang umiyak. Sumisigaw din siya habang siya ang sinasaktan, pero walang nakakarinig sa kanya.

Ang huling sinabi niya bago siya mamatay ay, Marko, wag! Pero hindi siya pinakinggan. Matapos ng pangyayaring 'yon, umuwi si Carly ng tulala at nadaanan ang isang tulay malapit sa ilog. Para siyang tinatawag nito. Agad siyang lumapit at tumungtong sa mataas na bahagi ng tulay at tsaka tumalon.

Isang biktima si Carly ng mapait na pamumuhay. Marami siyang kaibigan, pero mas marami siyang galit sa mundo. Hindi siya marunong magpatawad at puro paghihiganti ang nasa puso't isipan niya ngayon. Kaya niyang magpagalaw ng gamit, at isa lang ang ibig sabihin nito... masamang kaluluwa si Carly.

Ito ay ikinatakot ni Magna, pero mas natatakot siya na baka hindi makamit ni Carly ang hustisyang para sa kanya. Para kay Magna, kahit na naging salbahe sa kanya si Carly, never niyang pinagdasal o hiniling na may masamang mangyari sa kanya.

*****

Paggising ni Magna, agad siyang nag type sa laptop niya at mukhang nag aalangan siyang i-post ito sa social media. Gumamit siya ng bagong account at sinubukang i-share sa mga taong kilala niya.

Carly was beaten, harrassed, humiliated and raped. Now that she's gone, what gives us the right to judge her? The decision she made. She was a victim and yet there's no justice. Let's sign a petition to stand up for Carly. Sa ilalim nito, litrato ng biktima.

Pagka post ni Magna nito, napakagat siya sa kanyang mga kuko sa kaba kahit na siya ay isang anonymous concerned netizen na gumawa ng bagong account for this.

Ilang saglit lang, may mga nag comment na sa kanyang post. Nagulat siya na maganda ang feedback nito. Napangiti siya ng kaunti.

You will pay for this, Marko. Sa isip isip ni Magna.

Justice for Carly! Post ng isang netizen.

Matapos nito, ni-refresh ni Magna ang page at nakita na may twenty-five shares na ito. Sa sumunod na araw, nakita ni Magna na may two thousand shares na ito agad. Natuwa siya dahil meron siyang nagawa for Carly.

Ng biglang...

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Carly.

Tinuro ni Magna ang kanyang ginagawa at nakita ito ni Carly. Hindi siya nakapag salita, wala rin reaksyon ang kanyang mukha. Tumingin siya kay Magna na walang sinasabi habang si Magna ay nakatitig sa screen ng laptop.

Hindi niya alam ang dapat niyang maramdaman. She feels empty. At kahit ganun pa man, biglang nangibabaw ang lungkot.

*****

Pagpasok ni Magna sa school, may mga naka paskil na, Justice for Carly kahit saan ka lumingon. Sa kaliwa niya, nakita niya na may pila para mag sign ng petisyon. Pumila siya para suportahan ito. Naglabas siya ng ballpen, pero bago pa siya makapag sign, bigla siyang tinawanan ng mga nasa booth.

Mga Kaibigan Ni MagnaWhere stories live. Discover now