ch. 11 - patawad

9 0 0
                                    

Habang nakahiga, nakatanggap ng message si Magna sa messenger at nakitang ito ay si Jerome. Hindi niya binuksan para hindi ito ma-seen, pero nabasa niya ang unang sentence na putol sa dulo.

Sorry kung ano man an...

Agad binaba ni Magna ang kanyang cellphone at umikot siya, facing the wall. Tinanong niya ang kanyang sarili kung bakit ganito na lang kasama ang loob niya kay Jerome. Hanggang sa dumating ang sunod na araw na may bagong message si Magna sa messenger, and it was Jerome again. Nag send ito ng maraming sad emojis.

Sa inis at curious ni Magna, binuksan na niya ito pero pinangako sa sarili na hindi siya mag re-reply. Pagtapos nito, nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nabasa.

Sorry kung ano man ang nasabi ko sayo na hindi mo nagustuhan. Can't stop thinking about you.

Tumingin ulit si Magna sa ilalim ng mensaheng 'to kagabi pa at napangiti sa mga emojis na sobrang dami. Pero may bigla siyang naalala, narinig niya ito sa radyo dati, na kapag ang lalaki ay nag send sa'yo ng maraming emoji, malambot daw ito at hindi tunay na lalaki. Later on, ang radio station na 'yun ay binatikos sa lahat ng social media. Humingi din sila ng pasensiya at binawa ang kanilang sinabi. At kahit ganun pa man, hindi alam ni Magna kung anong dapat niyang isipin, lalo na't napa ngiti siya sa emojis. Para sa kanya, isa lang itong friendly message, tinatawag ang kanyang atensyon. Pero ang hindi niya alam, gusto lang ipakita ni Jerome na he really can't stop thinking about her, at kahit ilang beses niya ito hindi pansinin, hindi siya titigilan ni Jerome.

Anong ibig niyang sabibin sa can't stop thinking about you? Tanong ni Magna sa sarili niya.

Kahit dalawang message lang ang sinend sa kanya ni Jerome, paulit ulit niya itong binabasa kahit ang mga emojis. Matapos niyang titigan ang mga emojis, may napuna siyang naiibang emoji sa lahat ng sad face. May nag iisang emoji na may kiss at heart. Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso at agad binato ang cellphone. Pinangako kasi niyang hindi siya magpapdala, kaya naman, ganito na lang siya katigas. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang lahat dahil ayaw na niyang umasa.

Ngayon ay Sabado, at nabalitaan niya na may confession na magaganap sa simbahan. Pwede kang mag kumpisal anytime ngayong araw at napag isipan niyang komunsulta sa pari dahil marami siyang katanungan. Pagdating niya ng simbahan, agad siyang pumasok sa kumpisalan at huminga ng malalim dahil ngayon lang niya ito gagawin.

"Father, hindi po ako nandito para mag confess. I'm confident enough naman po na ako ay naging mabuting tao. Sana po maniwala kayo sa mga sasabihin ko."

"Go ahead." Sabi ng pari sa kabila. "Anong pangalan mo, anak?"

"Magna po." Huminga siya ulit ng malalim na parang pang bente na niya. "Four months ago po, bigla akong nakakakita ng mga hindi nakikita ng iba. Sa takot ko po, hindi ako nakinig sa kanila hanggang sa napag isipan ko pong tulungan sila na makamit ang hustisya."

"You mean, you have a third eye?"

"Ganun na nga po." Hiyang sabi ni Magna kahit na hindi sila nagkikita ng pari.

"Anong natutunan mo sa pag entertain ng mga kaluluwang hindi matahimik?"

"Natutunan ko po ang maging matapang."

"Good. Pero alam mo bang you shall not entertain any spirits? Dahil mas lalo silang pupunta sa'yo?"

"Aware naman po ako kaya po tinataboy ko sila noon. Hindi rin po ako nakikinig sa kanila. Pero—kasi po... yung mga kaklase ko sa school, hindi po sila mabait sakin. Tapos—" naalala bigla ni Magna si Teresa at naluha na lang siya bigla. "May isang kaluluwa po na ang pangalan ay Teresa... siya po ang naging kaibigan ko. Tumayo po siya bilang isang ate kahit saglit lang. Naalala ko po sa kanya si... si... si ate ko na laging nagtatanggol saakin kaya po napag desisyunan kong tulungan siya."

"Nasaan na ang ate mo?"

"Patay na po siya. Leukemia po." Nagpunas ng luha si Magna habang ang puso niya ay parang ilang ulit sinasaksak ng kutsilyo.

"Si Teresa?"

"Wag po kayong matatawa sakin, pero, pagtapos ko pong sabihin ang pinapasabi niyang mensahe sa kapatid niya, bigla po siyang naglaho. I like to believe na nasa langit na po siya."

"That is not impossible."

Napa ngiti si Magna.

"May isa po akong tinutulungan ngayon, ang pangalan po niya ay Carly. Siya po ang kaklase kong nag suicide. Hindi po siya matahimik hanggang ngayon kahit po nahuli na ang may dahilan po ng desisyon niya. Sabi po niya, hindi pa daw po niya kayang patawarin si Ma—ang taong nanakit sa kanya."

"Sinisisi ba niya ang kanyang naging desisyon sa nanakit sa kanya?"

"Sa tingin ko rin po. Kaya siguro hindi po siya matahimik dahil dun. Or di po kaya, dahil nagpakamatay siya?"

"Sa tingin mo ba ay kailangan niyang patawarin ang nanakit sa kanya para manahimik na ang kanyang kaluluwa?"

"Opo."

"At sa tingin mo na hindi rin siya matatahimik dahil tinapos niya ang kanyang buhay?"

"Opo."

"Walang mali sa iyong teorya, hija. Kailangan niya munang patawarin ang mga nanakit sa kanya, at higit sa lahat, kailangan niyang humingi ng tawad sa Panginoon dahil sa kanyang ginawa."

"Paano po?"

"Do it with all her heart. Ang tanging kailangan ng kaibigan mo ay ang magpatawad ng kapwa, humingi ng tawad at... patawarin ang sarili. Hindi siya huhusgahan ng Panginoon ng ganun ganun na lang. Remember, mapagpatawad ang Diyos, at kahit ano pa man ang nagawa mong mali, as long na ikaw ay humingi ng tawad ng buong puso mo, ikaw ay magiging malaya at patatawarin."

"Ano pong dapat kong gawin?"

"Support her if it's the right thing for you to do. I'll ask for your guidance to protect you."

Pagtapos nito, nagpasalamat si Magna sa pari bago tuluyang lumabas ng confession booth. Nag sign of the cross siya bago lumabas ng simbahan. Paglabas niya, nakita niya si Carly na naghihintay sa kanya. "Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ni Magna.

"Baka malusaw ako eh." Biro ni Carly.

Ngumiti lang ng kaunti si Magna na parang, grabe naman 'to.

Pagkaalis nila, nakita ni Magna ang magpinsan na nakatingin sa cotton candy. Parang nae-engganyo sila sa paggawa nito. Lumapit si Magna at bumili ng dalawang cotton candy na ibibigay niya sa dalawang bata pag uwi.

Pagdating sa bahay, sinabi niya kay Carly ang kanyang nalaman at ang dapat niyang gawin para maging malaya at manahimik na. Ngunit, umupo lang ito sa kama at yumuko. Hindi kumibo.

Speaking of patawad, napag desisyunan ni Magna na hindi pa rin niya kayang patawarin si Jerome. Kaya ito siya ngayon, umupo sa tabi ni Carly, knowing that they both have grudges against those men who broke their heart.

Mga Kaibigan Ni MagnaWhere stories live. Discover now