ch. 15 - misteryo

7 1 0
                                    

Naglalaro ng taguan ang magpipinsan malapit sa isang katayan na suki ang buong baryo dahil sa mura ng mga baboy nila. Isang pamilya ang may ari nito at malapit sa kanila ang mga tao.

Habang nagtatago si Paulito at Anthony, ilang beses nilang sinabihan ang isa't isa na wag mag ingay dahil baka mahanap sila ng taya. Sila ay nasa loob ng kulungan ng manok, na di rin nagtagal, ay nahanap sila ng isang tauhan ng katayan at sinabihan sila na wag magtago sa manukan. Paglabas ng dalawang bata, sinabihan sila ng lalaki na sundan siya para makapagtago sila sa lugar na hindi sila mahahanap.

Sila ay nakarating sa isang liblib na lugar kung saan walang outsider ang nakakapunta dito dahil isa itong private property. Sinabi ni Anthony na kailangan na nilang bumalik, pero sinabihan sila ng lalaki na sasagutin niya ang lechon pag nag birthday sila. At siyempre, bilang mga bata na sabik sa pagkain, sumama sila sa lalaki hanggang sa sila ay nagtiwala dito.

Matangkad ang lalaki, maskulado, moreno at amoy baboy siya dahil sa kanyang trabaho sa katayan. Isa siyang mangangatay kaya madalas ay may suot siyang apron. Pinaupo niya ang dalawang bata malapit sa puno at nilabas ang isang makapal na tali.

Dito, tinali niya ang dalawang bata bago niya paghahampasin ng kahoy. Sumigaw sila sa sakit habang ilang ulit niyang sinasabi ang salitang, kayo ang bayad sa utang ng mga ama niyo.

Hindi mawari ng dalawang bata kung bakit sila sinasaktan at ang ibig sabihin ng sinabi ng nananakit sa kanila. Kaya naman, wala silang nagawa kundi ang ngumawa sa sakit.

Pagtapos silang saktan, kumuha ng pagkain ang lalaki at kumain sa harapan nila habang may mga pasa sila sa mukha at katawan. Parang tinatakam niya ang mga bata dahil dito, lalo na't pareho silang mahilig kumain.

"Pag kayo nag salita, puputulin ko dila niyo."

Naka tikom ang bibig ng dalawa dahil sa takot.

"Naiintindihan niyo? Pag sinabi niyo kung anong nangyari sa inyo, puputulin ko dila niyo gamit ang itak ko." Tumayo ang lalaki at may pinakita sa mga bata na naka ipit sa pantalon niya. Isang baril. "Nakikita niyo 'to? Itak o baril? Mamili kayo."

Hindi sumasagot ang mga bata at biglang natawa ang lalaki dahil sa itsura nila.

Pagtapos nito, umalis saglit ang lalaki at bumalik na may dalang dalawang payong para magsisilbing bubong at maliit na bahay nila. Mukhang may balak siyang patirahin ang mga bata ng ilang araw dito.

Pagsapit ng gabi, binusalan niya ang bibig nila bago umalis ng hindi nag-iiwan ng pagkain o kahit tubig man lang.

Lumipas ang tatlong araw, kahit nasa ilalim ng payong ang dalawang bata habang nakatali, para silang sinusunog ng buhay. Samantala, sinubukan ni Anthony ang makawala, pero biglang dumating ang lalaki na may apron. And this time, may dala na siyang tinapay.

Umupo siya sa harapan ng dalawang bata at inalis ang busal nila sa bibig. Kumurot siya ng tinapay at hinagis ito sa sahig na para silang mga manok na pinapakain. At ilang saglit lang, si Paulito ay yumuko para kunin ang maliliit na piraso ng tinapay.

"Gusto ko kay mama." Iyak ni Anthony. Nagulat ang lalaki sa sinabi niya, at inambahan siya nito na parang sasampalin siya. At nang dahil dito, binalik niya ang mga busal nila sa bibig bago umalis.

Hindi bumalik ang lalaki ng ilang araw, kaya naman sa kanyang pagbalik, nakita niya ang dalawang bata na nakahiga sa mainit at makating lupa, na nanghihina na sa gutom at uhaw.

Dinilat ni Anthony ang mga mata niya at nakita ang lalaki na naka pamewang habang nakatingin sa kanya. Inangat siya nito, pinilit na makatayo, pero hindi na talaga kaya ng katawan ni Anthony, kaya ilang beses siyang bumabagsak sa lupa. Sa inis ng lalaki, sinampal niya si Anthony at binantaan na pag hindi siya gumising, babarilin siya nito.

Kitang kita kay Anthony na pinipilit pa niyang lumaban at gawin ang inuutos sa kanya. Pero nung siya ay naka upo, naglabas ng baril ang lalaki na agad tinutok sa kanya at sinabing, "kahit kailan, hinding hindi na kayo makakauwi sa inyo." Pagtapos nito, tinutok niya ang baril sa dibdib ni Anthony, at nagpaputok ng isang beses.

Sa liit ng katawan niya, kahit naka upo, si Anthony ay medyo tumalsik bago tuluyang humiga sa lupa—ang huling lugar na nagmistulang higaan niya for two weeks.

Sa kabilang banda naman, si Paulito ay mukhang hindi na gumagalaw, kaya inalog siya ng lalaki ng ilang beses. Ngunit, tinapat niya ang kanyang daliri sa ilong ni Paulito, at dito niya nalaman na wala na itong buhay.

Inalis ng lalaki ang mga tali ng bata bago tumayo para magsindi ng sigarilyo. Pagkabuga ng usok, naka tingin lang siya sa dalawang bata na wala ng buhay, iniisip niya sa kanyang sarili na siya ay nanalo. Ng dahil sa utang na hindi nabayaran ng kanilang ama, ito ang naging kabayaran.

Pagtapos niyang manigarilyo, sinabit niya ang tali sa puno at nilabas ang asul na tolda na nilatag niya sa lupa. Dito niya nilagay at binalot ang katawan ng mga bata bago niya ilibing sa lupa. 

Mga Kaibigan Ni MagnaWhere stories live. Discover now