ch. 13 - payong

12 0 0
                                    

Photo from: Unsplash - By Joy Stamp


Sunod na klase, mag isang pumasok si Magna ng nakayuko dahil sa dami na ng tao. Kahit hindi niya itaas ang ulo niya, alam niyang sila ay naka tingin sa kanya.

Habang siya ay naglalakad patungo sa kanyang upuan, bigla may nanumpit sa kanya ng papel gamit ang isang straw, kasabay nito ay ang biglang pagtawa ng mga kaklase niya.

"Magna baliw!" Sigaw ng nanumpit sa kanya.

"Magna bakulaw!" Sabi pa ng isa habang tumatawa.

Pag upo ni Magna, agad lang siya naglabas ng notebook at hindi pinansin ang mga bully niya. Pagbuklat niya ng kanyang kwaderno, agad itong nawala sa mesa niya dahil may umagaw nito.

Agad napatayo si Magna. "Ibalik mo 'yan!" Sabi niya habang inaabot ang notebook niya.

Tinataas taas ito ng isa sa mga bully niyang si Remi na sinamantala ang pagiging matangkad sa buong klase. Natutuwa pa siyang nahihirapan si Magna abutin ang notebook niya.

Hinagis ni Remi ang notebook sa katabi niya at pinasa ulit sa isa pa, hanggang sa umikot na ito sa buong klase. Kasabay ng pag ikot ng kanyang notebook, umiikot rin siya sa gitna ng buong klase habang hinahanap ang notebook niya. Nagtatawanan at nagsisigawan ang mga kaklase niya sa saya, habang siya ay pinaglalaruan. Buong klase laban sa isa is a coward thing to do. Gusto nang umiyak ni Magna, pero kailangan niyang mabawi ang kanyang notebook agad agad, kung hindi, may mababasa sila na ikamamatay niya.

Ng biglang...

"Nagkagulo ang buong klase namin kanina dahil nakita nila ang switch ng ilaw na gumagalaw. Hindi ako natakot dahil alam ko kung sino ang gumagawa nito. Sanay na 'ko, lalo na't pag—" napahinto ang nagbabasa at binasa ito sa sarili niya ng naka kunot ang noo. Bigla siyang hindi makapaniwala sa kanyang nabasa at napagtanto na isang baliw lang talaga si Magna. Binalewala niya ito at pinasa agad sa malayo. Humarap si Magna sa kung saan ito binato. Ang nakasalo? Si Jerome na bagong dating.

Tumingin si Magna sa mga mata niya na parang nagmamakaawa na ibalik ito sa kanya. Samantala, si Jerome ay walang emosyon, at imbes na ibalik ito kay Magna, binuklat pa niya ang notebook hanggang sa nakarating siya sa isang pahina na may drawing. Tinitigan lang ito ni Jerome at agad itong tiniklop. Naglakad siya patungo kay Magna at binalik ang notebook sa kanya.

Pagtapos nito, agad tumalikod si Jerome at sinabi sa buong klase na, "tapos na ang palabas." Saktong sakto, pagkasabi ni Jerome nito, bigla nang pumasok ang professor nila.

*****

Pagtapos ng klase, si Magna ay nagmadali sa pagliligpit ng gamit niya habang nakatitig ang mga kaklase niyang pinagbubulungan siya. Sa kanyang pagtayo, inabot ni Jerome ang kamay niya kay Magna at sinabing, "sabay na tayo umuwi."

Paglabas ng school, tahimik lang silang dalawa, walang kibo habang naglalakad side by side. Pareho silang nakaramdam ng awkwardness between them, kaya naman kung saan saan kunwari tumitingin si Jerome, hinahanap ang tamang salita. Si Magna naman ay nakayuko lang, still thinking about what happened earlier.

"Naghahanap lang ako ng kasagutan." Biglang sabi ni Jerome. "Kaya tumingin ako sa notebook mo." Dahilan niya. "Di ka kasi nag re-reply sakin." Huminga ng malalim si Jerome na tila ba siya ay may sasabihin kay Magna na matagal na niyang gustong sabihin. Tumakbo siya sa harapan ni Magna at napahinto ito agad. Muli silang nagka tinginan.

"Sabihin mo sakin kung anong nangyayari." Sabi ni Jerome.

Umiwas ng tingin si Magna. "None of your business."

"Paano 'ko makakatulong kung hindi mo sasabihin?"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Lumapit si Jerome kay Magna at tinitigan siya ng maigi. "Dahil ba sa sinabi ko na... kaibigan kita?"

Hindi naka kibo si Magna na parang kahoy na tinayo sa lupa.

"Yun ba ang dahilan? Nakita ko ang drawing mo. Alam kong ako yung naka drawing sa notebook." Habang sinasabi niya ito kay Magna, may mga gestures pa siya. "Nakita ko na may talk balloon, ang sabi, 'kaibigan lang kita'. Tapos ikaw yung naka talikod na kausap ko."

Umiwas ulit ng tingin si Magna.

"Hindi naman ganun ang pagkakasabi ko."

"Anong difference?" Nahalata ni Magna sa sarili niya na meron na siyang apog mag salita ng nararamdaman niya. "Parang ganun na rin yun."

Nagbuntong hininga si Jerome na parang humugot siya ng lakas ng loob at sinabing, "ayaw ko lang naman na mabigla ka. Hindi mo ba nahahalata sa mga pinapakita ko sa'yo?"

Parang alam na ni Magna ang ibig sabihin nito. At kahit ganun pa man, si Magna ay hindi umasa.

Si Jerome ay diretsong tao, ayaw niya ng paligoy ligoy—pag may gusto siyang sabihin, ay talagang sasabihin niya na ito. Yun nga lang, matagal tagal bago siya naka tiyempo ng maayos dahil bigla siyang hindi pinansin ni Magna. Para silang mga bata, and it's the best feeling nung bata ka, yung akala mong in love ka, pero infatuation lang pala. Pero ngayon, sila ay young adults na, at si Jerome ay hindi na makapaghintay makuha ang kanyang gusto dati pa.

"Matagal na 'kong may gusto sa'yo, Magna."

Biglang tumingin si Magna kay Jerome na parang, anong sinabi mo?

"Siyempre, bago 'ko aakyat ng ligaw, kailangan muna kitang kaibiganin. Nagsisimula ang lahat sa pagkakaibigan."

Alam mo ba yung feeling ng, buong buhay mo ay parang puro kamalasan na lang ang dumadating sa'yo at bigla ka na lang nagalit sa mundo ng walang dahilan? Galit ka sa tao at galit ka rin sa sarili mo. Pero, may isang tao ang nagbago ng iyong pananaw sa buhay at higit sa lahat, parang lahat ng problema, galit at kalungkutan mo ay biglang nawala. Naglaho na lang ito bigla at para kang high sa droga. Ang mga paa mo ay parang lumulutang at naramdaman mo ang bawat sandali ng hininga mo sa iyong baga. Nakahinga ka ng maluwag, at gumaang ang iyong pakiramdam. Kulang na lang ay humiga ka sa ulap katabi ang rainbow at mga bulaklak.

Ganito ang nararamdaman ni Magna ngayon. Para siyang iiyak sa saya, pero hindi ito halata sa kanya. Just like the usual.

Lumapit si Jerome sa kanya at inalis ang buhok malapit sa pisngi niya at inipit ito sa likod ng tenga niya. Hindi siya makagalaw at pinigil niya ang kanyang hininga dahil ayaw niyang palampasin ang bawat sandali. May gusto rin siyang sabihin kay Jerome, kaso hindi niya mahanap ang mga salita sa kanyang bibig.

Nung binuka niya ang kanyang bibig, biglang kumulog ng malakas at tila mukhang uulan nanaman. Sa sobrang stuck ni Magna sa kinatatayuan niya, agad naglabas ng payong si Jerome at sabay inakbayan siya para muli na silang maglakad pauwi.

Habang nasa ilalim sila ng iisang payong, biglang lumakas ang ulan at inakbayan pa siya nito lalo, malapit sa kanyang katawan na nagsisilbing fireplace para kay Magna. It's warm and she feels safe under his protection.

Pagdating nila sa bahay ni Magna, bigla na lang siyang napahinto dahil bigla niyang namalayan ang kamay ni Jerome sa kanyang kamay. Maski si Jerome, hindi niya namalayan na, magkahawak na pala sila ng kamay all this time. Nagkatitigan sila ng matagal, may gustong sabihin ang isa't isa, pero mas sinigurado muna ni Jerome na, makapasok na agad ng bahay si Magna dahil sa lakas ng ulan. 

Mga Kaibigan Ni MagnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon