ch. 14 - bagyo

7 1 0
                                    

Photo from: Unsplash - By Anandu Vinod

*****

Lahat ng tao ay naka subaybay sa balita dahil sa bagong bagyo na paparating. This time, signal number three daw at sinabi ang mga lugar na masu-suspende ang klase. Isa sa nabanggit ay ang Bacoor.

Samantala, kahit hindi sabihin sa balita na walang pasok ang buong Bacoor, si Magna ay naghahanda na para lumuwas ng Parañaque bukas.

Nag print siya ng litrato ng dalawang bata. Habang nakatitig siya sa litrato, bigla niya itong nabitawan dahil bigla siyang nakuryente. Pagkapulot niya, bigla nanaman niyang naramdaman ang sakit ng tiyan at dibdib, kasabay nito ay ng itim na usok na nanggaling sa ilalim ng kama niya. Pag angat niya ng kanyang ulo, siya ay biglang sinugod nito at natumba siya sa sahig. Nung sinubukan niyang tumayo, bigla siyang may narinig na malakas na putok ng baril, kasabay nito ay ang malakas na iyak ng isang bata. Umikot ang kanyang paningin hanggang sa siya ay tuluyan nang nawalan ng malay.

"Magna." Sabi ni Carly. "Gising, Magna!"

Hindi gumigising si Magna kahit nakailang sigaw na si Carly sa kanya. Pero, habang siya ay walang malay, ang kanyang diwa ay nasa ibang lugar.

Siya ay naglalakad patungo sa isang gubat kung saan ramdam na ramdam niya ang init. May narinig siyang kaluskos sa likod niya, mga dahon na parang tinatapakan. Paglingon niya sa likod, nakita niya ang isang itim na anino. Sinundan niya ito hanggang sa nakarating siya sa isang lungga ng mga ibon. Habang siya ay nakatingin dito, may narinig siyang putok ng baril na nagpa gising sa kanya. Si Magna ay pinagpapawisan kahit malamig ang panahon. Napa upo siya sa sahig habang hinihingal ng naka hawak sa dibdib niya. Hinaplos haplos niya ito dahil parang siya ay sinuntok at nakuryente sa puso.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Carly.

"Alam ko na—alam ko na ang daan." Sabi ni Magna na nahihirapan mag salita. Napa kapit siya sa damit niya malapit sa dibdib at yumuko. Tumulo ang kanyang luha na parang patak ng tubig sa gripo.

Umiling si Magna habang lumuluha. Huminga siya ng malalim, at ang dibdib niya ay sobrang sakit.

Humugot siya ng lakas ng loob bago tumayo. Kumuha siya ng bag at naglagay ng mga kakailanganin niya sa kanyang pagluwas ng Parañaque. Si Carly ay pinapanood lang siya sa kanyang ginagawa na parang maraming katanungan. Pagka sukbit ng backpack ni Magna, agad siyang lumabas ng kwarto niya ng hindi sinasara ang kanyang pintuan.

Paglabas ni Magna ng bahay, binuksan niya ang payong dahil umuulan nanaman.

Mabilis lang ang biyahe patungong Parañaque galing Bacoor, kaya naman, it doesn't take much effort ang pagpunta ni Magna sa kanyang paroroonan. Kating kati na siyang bigyan ng hustisya ang dalawang bata na matagal nang nahihirapan sa mundong 'to. Hinanda niya ang kanyang sarili sa kanyang malalaman. May kutob na siya, pero may mga bagay pa siyang hindi nakikita.

Pagdating niya ng Parañaque, si Magna ay tumambay muna saglit sa loob ng isang café dahil sa lakas ng ulan. Samantala, naisipan niyang ilabas ang litrato ng dalawang bata at tinanong sa isang lalaki na may makapal na balbas at morenong balat na may tattoo na krus malapit sa pulso. Pagka tingin ng lalaki sa litrato, tumingin siya kay Magna na parang, bakit mo sila hinahanap?

"Kilala niyo po ba sila?"

Tinitigan siya ng maigi nito bago sagutin ang tanong niya. Nag halukipkip ito at sinabing, "pinsan ko sila."

Parang tinamaan si Magna ng kidlat sa likod at hindi siya naka imik agad.

"Paano mo sila nakilala?"

"Mahabang kwento po—" bulong ni Magna ng bigla niyang namalayan ang kanyang sinabi, kaya binago niya ito. "Para po sa blog ko." Ito ay isang kasinungalingan, pero mas mainam na ang magsinungaling kaysa mapagkamalan nanaman siyang baliw.

"Blog? Anong gusto mong malaman tungkol sa kanila?"

"Kahit ano pong pwede niyong maibigay sakin."

"Si Anthony ay pitong taon, si Paulito ay lima. Ay nako, bigla na lang sila naglaho."

"Kasama niyo po ba silang naglalaro noon bago sila mawala?"

"Hinde, nasa Cagayan ako nung araw na 'yun. Nagbabakasyon sa lola ko. Summer kasi 'yan nangyari. Nagkagulo mga kamag anak namin dito dahil diyan." Tumawa ng kaunti ang lalaki. "Makulit 'yang dalawang 'yan. Mahilig sila sa pagkain, lalo na si Paulito."

Alam na ni Magna ito, pero hindi niyo alam kung bakit napa ngiti pa rin siya. Tinurin na kasi niyang mga nakababatang kapatid ang dalawa.

"Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanila. Hindi rin namin alam kung bahay pa ba sila o wala na."

"Gaano po kayo ka-close sa kanila?"

"Hindi naman ganun ka-close, pero magkakasundo kami. Naglalaro kami ng teks tsaka jolen noon. Yun ang tanda ko bago 'ko umuwi ng Cagayan. Sampung taon ako nun, at yun na pala ang huling pagkikita namin."

Nakaramdam ng lungkot si Magna, na parang unti unting sumasara ang kurtina sa harapan niya dahil tapos na ang palabas. Pero, alam niyang nagsisimula pa lang siya. Kumbaga, nasa tip of the iceberg pa lang ang mga nakakalap niyang impormasyon.

"Maraming salamat po. Babalik po ako kapag may nakuha pa po akong sagot." Hindi na binigyan ni Magna ng pagkakataon ang lalaki na tanungin siya sa kanyang sinabi dahil bigla na siyang umalis. Iniwan niya ng maraming katanungan ang lalaki sa linyang pag nakakuha siya ng sagot.

Ang ulan ay tila galit na galit, pero kahit ganun pa man, hindi huminto si Magna sa paghahanap ng kasagutan.

Makalipas ang isang oras na paglalakad, napag isipan ni Magna ang mag tricycle patungo sa isang liblib na lugar kung saan walang masyadong nakatira. Humingi siya ng gabay at binuhos niya lahat ang kanyang tiwala. Pagbaba ni Magna ng tricycle, agad niyang inabot ang bayad at tinanong siya ng driver kung sino ang pupuntahan niya dito. Ang sabi lang ni Magna ay may research lang siyang gagawin para school niya. Pagkaalis ng tricycle, may napansin si Magna sa kanan niya, may narinig siyang bulong at nakita ang isang itim na anino. Sinundan niya ito kahit maputik ang daan at nag dahan-dahan siya sa paglakad dahil medyo madulas ang basang lupa.

Ang anino ay dinala siya sa isang puno na may makapal na tali ang naka sabit sa sanga nito. Lumingon siya sa paligid niya para makita kung may nakakakita ba sa kanya, at higit sa lahat, ayaw niya ng gulo sa aninong madalas na nagpapakita sa kanya. Pero kahit ganun pa man, naniniwala si Magna na isa itong senyales para makita ang kasagutan at daan sa kanyang hinahanap.

Tumingkayad siya para kunin ang tali, pero paghawak niya nito, agad siyang natumba. Meron siyang enerhiya na nasagap at hindi maganda ito. Napa kapit siya sa kanyang ulo at sabay narinig ang isang matinis na ugong sa tenga niya. May nakita siyang lalaki na hindi pa niya nakikita. Hawak nito ang makapal na tali habang may sigarilyo sa bibig, at nakasuot ito ng itim na bota at puting apron na may bahid ng dugo. Kasabay nito ay ang sigaw ng bata. Napatayo si Magna at gusto na niyang umiyak, dahil for the first time, nakilala niya ang sigaw na 'to. Paglingon niyo sa kanyang likod, may nakita siyang asul na tolda na naka baon sa ilalim ng lupa.

Ayan nanaman ang ulan, basang basa na si Magna, pero hindi siya titigil sa paghahanap ng sagot para sa hustisya ng dalawang bata.

Lumuhod siya at hinawakan ang asul na tolda, at matapos nito, napapikit siya habang ang ulan ay rumaragasa sa buong mukha at katawan niya. Umiyak siya dahil sa kanyang nakita habang may sakit siyang nararamdaman sa buong katawan. Hindi niya maidilat ang kanyang mga mata dahil sa pinapakita sa kanya, at parang isang bagyo ito na sunod sunod lumalabas ng hindi mo inaasahan.

Mga Kaibigan Ni MagnaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora