ch 2. - panaginip

22 1 0
                                    

Ang taon ay 1942, at si Teresa ay tumtakabo palayo sa mga Hapon na hinahanap siya. Siya ay napadpad sa isang bukid at hindi alam kung saan magtatago, hanggang sa nakakita siya ng dayami. Pagpasok niya dito, siya ay nakadapa at iniingatan na wag gumalaw dahil baka siya ay makita at marinig, at habang nakatago siya, naririnig niya ang mga Hapon papalapit sa tinataguan niyang dayami. Ilang saglit lang, may sumigaw na isang Hapon na tila hinahanap siya. Ilang ulit nila tinutusok ang dayami para lumabas siya sa takot. Muntikan siyang matusok ng bayoneta, malapit sa braso niya. At sa sobrang takot ni Teresa, siya ay napapikit at nagdasal hawak ang kanyang rosaryo.

"Ama namin..." Bulong niya habang hinahabol ang hininga. Nanginginig siya sa takot, at ang gusto lang niya ay ang makauwi na, at makapiling ang kanyang pamilya.

Maya maya pa, tumahimik na ang mga Hapon at tumigil na rin sila sa pagtusok ng mga dayami. Huminto rin si Teresa, nakikiramdam.

Matapos ang limang minuto, napag desisyunan ni Teresa ang lumabas na para makauwi na sa kanila. Ngunit, maling desisyon pala ang nagawa niya.

Hinablot ng mga Hapon si Teresa at tinulak siya sa damuhan, kung saan, siya ay pinagpasa-pasahan na parang manika—ginahasa muna bago patakbuhin. At sa kanyang pagtakbo, isa lang pala itong laro. Binaril din siya kaagad sa likod bago makalayo.

Nagising si Magna na puro pawis ang kanyang katawan at noo. Para siyang binangungot at ramdam niya ang sakit ng kanyang panaginip. Umubo siya ng ilang beses dahil parang may kumabog ng dibdib niya. Na-realize niya bandang huli na kailangan nga ni Teresa ang tulong niya, kaya hinanap niya ito sa kwarto at nakita si Teresa na naka upo sa isang upuan, pinanonood siya sa kanyang pagtulog.

"Sorry." Sabi ni Magna habang pinipigilan niya ang maiyak. "Sorry, hindi ka na nakauwi sa inyo."

Umiling si Teresa ng may maliit na ngiti, na parang sinasabi niya na, wala kang kasalanan. Tumayo ito at umupo sa kama ni Magna.

"Anong dapat kong gawin?" Tanong ni Magna.

"Alam kong buhay pa ang nag-iisa kong kapatid. Pakisabi sa kanya kung anong nangyari saakin. At sabihin mo rin na ako'y malaya na." Sabi ni Teresa habang lumuluha.

"Paano ko malalaman kung saan siya nakatira?"

"Sa panaginip, makikita mo ulit."

"Paano na 'yan pag nasabi ko na sa kapatid mo? Anong mangyayari sa'yo?"

"Hindi mo na 'ko makikita. Kaya, gusto kong magpasalamat ngayon pa lang. Pasensiya ka na kung—"

Umiyak na ng tuluyan si Magna at sinabing, "ayoko, ayoko mawalan ng kaibigan. Wala nang kakausap sakin pag umiiyak ako."

Umiyak pa lalo si Teresa, with sympathy and sadness.

"Patawarin mo 'ko Teresa. Sana dati pa lang nakinig na 'ko sa'yo. Naunahan kasi ako ng takot. Please, wag kang umalis." Hagulgol ni Magna.

"Kahit hindi mo na 'ko makita kahit kailan, pangako ko sa'yo na lagi kitang babantayan."

"Hinde. Ayoko. Wala akong ibang kaibigan—"

"Si Anthony at si Paulito. Kaibigan mo rin sila."

"Oo, pero—pero wala akong kausap na kasing edad ko. Wag mo 'kong iwan."

Naawa si Teresa kay Magna, pero mahaba habang panahon na rin siyang nakatira sa lupa.

"Tulungan mo 'kong umakyat ng langit, Magna. Tulungan mo rin ang pamilya ko."

Huminto sa pag-iyak si Magna at suminghot ng ilang beses. Basang basa na ng luha ang kanyang mukha, at ang magulo niyang buhok ay dumikit na dito.

"Ipangako mo na, pag wala ka na, po-protektahan mo 'ko... kahit anong mangyari."

"Pangako."

Umiyak nanaman si Magna. "Paano kita yayakapin?" Sabi niya habang pinupunasan ang luha na parang bata.

Nilapag ni Teresa ang isang kamay niya sa binti ni Magna, at naramdaman niya ito. Magaang, malamig at nakaka kilabot. Isa nga pala siyang kaluluwa, sa isip isip ni Magna.

*****

Sa labas ng bahay, si Magna ay nagpapa hangin habang pinapanood niya sina Anthony at Paulito na naghahabulan malapit sa sampayan. Sa gilid niya, biglang lumitaw si Teresa at tinanong siya tungkol sa nakita niya kay Carly kanina.

"Nakita ko si Marko. Nakita ko na umiiyak si Carly. Nakita ko rin na marami siyang pasa sa buong katawan niya." Nag isip ulit si Magna ng sasabihin niya. "Pero, bakit? Bakit nakakakita na rin ako ng mga nangyari sa ibang tao?"

"Sa tingin ko, mas kailangan mo pang masanay lalo. Dahil, hindi pa nangyayari ang nakita mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bago mawala ang ate mo... nakikita niya na kami dati pa lang. Pagtapos nito, nakakakita na siya ng mga mangyayari pa lang kaya kadalasan ay hindi siya makatulog o makakain. Sa susunod, makikita mo na rin ang mga nangyari na at mas lalo ka pang makakatulong sa mga kaluluwang hindi matahimik."

"Hindi ko maintindihan."

"Dadating din ang tamang panahon na malalaman at matututunan mo rin ang lahat, Magna. Kailangan mo lang maging matapang."

Tama si Teresa na kailangan lang maging matapang ni Magna, dahil unti unti nang lumalabas ang buong kakayahan niya.

Muli siyang tumingin kina Paulito at Anthony, iniisip na kailangan niya silang tulungan lahat para makamit ang hustisya nila. Pero, walang nakakaalam kung anong nangyari sa mag-pinsan at ang alam lang niya ay humihingi sila ng tulong sa kanya. Kaya naman, mas lalo pang lumakas ang loob niya na tuluyan na niyang gawin ang kanyang misyon.

Alam niyang, ginagawa niya ito para sa ate niya, pero, ginagawa pa niya ito dahil kailangan na nilang matahimik at muli nang maglakbay sa mapayapang lugar.

*****

Kinabukasan sa eskwelahan, paglabas ni Magna ng classroom nila, nakita niya si Marko at Carly na tila ba parang may pinag-aawayan sa isang sulok. Pa-simpleng tumingin at nakinig si Magna ng bigla niyang nakita na sinampal ni Marko si Carly. Nagulat siya at napansin ng dalawa na may nakakita nito.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Tanong ni Carly na naka hawak sa pisngi niya.

Agad umiwas ng tingin si Magna at nag dali-dali sa pag alis. 

Mga Kaibigan Ni MagnaWhere stories live. Discover now