ch. 4 - tsokolate

13 1 0
                                    

Gif by: https://animefoodissugoi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gif by: https://animefoodissugoi.tumblr.com/

*****

Ilang araw nang hindi lumalabas ang araw at parati na lang mukhang uulan. Ang simoy ng hangin ay malamig at ang kalangitan ay malungkot—ganun din ang buong eswelahan.

Pagpasok ni Magna, nakita niya ang isang tolda na naka sabit sa entrance ng school. May litrato ni Carly at may naka sulat na, Justice for Carly Mae A. Olarcon!

Huminto siya sa gitna nito para tignan ang tolda, habang ang isang strap ng backpack ay naka sukbit sa balikat niya. Hindi niya namalayan si Carly sa gilid niya na nakatingin din sa sarili niyang tolda.

"It's nice to be dead." Biglang sabi ni Carly.

Lumingon si Magna sa paligid niya at pa-simpleng nagsalita. "Anong ibig mong sabihin?"

"May nagbigay din ng atensyon sakin."

Sa sinabi ni Carly, parang tumirik ang mga mata ni Magna na parang, na sa'yo naman lahat ng atensyon dati pa.

Pagpasok ni Magna sa classroom, napansin niya na walang tao, at siya ay biglang nakaramdam ng lamig sa paligid niya. Kahit may jacket siyang suot, niyakap pa rin niya ang sarili. Kasama nito, tumayo ang mga balahibo niya at hindi niya alam kung bakit.

Maya maya pa, narinig na niya ang mga taong papalapit sa classroom at nagtakip na lang ng mukha gamit ang buhok niyang naka lugay. Nag drawing na lang siya sa likod ng notebook... Ng biglang...

"Chocolate."

May naglapag ng chocolate sa harapan ni Magna na kanyang ikinagulat. At pag angat niya ng ulo, nakita niya si Jerome na namimigay ng chocolate sa mga kaklase. Pagtingin ni Magna sa chocolate, may nakasulat dito.

Magna, I like your drawing. Keep it up!

Sa likod niya, si Carly ay nakikibasa. Tumawa ito ng kaunti at sinabing, "wag kang umasa, dahil hindi lang ikaw ang binibigyan niya." Pagkasabi nito ni Carly, agad tinago ni Magna ang chocolate sa bulsa ng jacket niya at naisipang gantihan si Carly ng pa-simple. Kaya, umubo siya kunyari na may kasamang, "bitch."

Tumahimik ang mga kaklase ni Magna at lahat sila ay napalingon sa kanya. Nakita niya ang naging reaksyon nila sa ginawa niya at biglang uminit ang dalawang pisngi niya sa hiya. Wala siyang nagawa at yumuko na lang at nagpatuloy sa pagdrawing.

Pagtapos ng unang klase, agad niligpit ni Magna ang mga gamit niya ng biglang lumapit sa kanya ang pinaka friendly sa klase na si Jerome. Nagulat siya dahil bigla nanamang naglapag ng tsokolate ito sa mesa niya.

"May natira pang isa. Kay Carly sana 'yan. Pero sa'yo na lang." Sabi ni Jerome.

Ngumiti ng kaunti si Magna. "Thank you." Pagtapos niyang sabihin ito, si Jerome ay mukhang may sasabihin pa at nakutuban ito ni Magna. Umupo si Jerome malapit sa kanya para sabihin na naghahanap siya ng collaboration sa pagda-drawing. Hindi alam ni Magna ang kanyang sasabihin dahil kahit kailan ay walang kumausap sa kanya ng mahinahon na kagaya ni Jerome.

"Kung gusto mo lang." Dagdag ni Jerome.

"Ah... sure."

Parang biglang kuminang ang mga mata ni Jerome dahil sa tuwa. "Promise?"

Ngumiti si Magna. "Promise."

Ngumiti din si Jerome bago tumayo. Pero bago pa siya tuluyang umalis, tumingin siya ulit kay Magna at sinabing, "I think... mas maganda kung palaging nakatali ang buhok mo. Para... you know... mas makita namin yung mukha mo."

Parang nanigas si Magna sa kinauupuan niya. Alam din niyang namumula na ang pisngi niya, at kahit itago niya ito, huli na ang lahat.

Tinuro ni Jerome ang dalawang pisngi niya. "You're blushing. It's good." After this, ngumiti siya kay Magna one last time bago tuluyang umalis.

Pag uwi ni Magna, humilata siya sa kama ng may ngiti sa mukha niya. Biglang umaraw ang kwarto niya at nakaramdam siya bigla ng init. At ang init na nararamdaman niya ay masarap sa pakiramdam. As if ito lang ang araw na may magandang nangyari sa kanya.

Hinubad niya ang kanyang jacket at nalaglag ang dalawang tsokolate sa bulsa nito. Pagkapulot niya, binasa niya ang nakasulat na dapat ay para kay Carly.

For the most quiet girl in our class.

Nanlaki ang mga mata ni Magna at parang hindi siya makahinga dahil there's no way na si Carly ang tinutukoy ni Jerome. Nagtakip siya ng unan sa mukha at sumigaw sa kilig habang ilang beses niya pinapadyak ang kanyang mga paa.

"Ate, ang ingay mo." Sabi ni Anthony.

Biglang umupo si Magna sa kama niya ng may malaking ngiti sa mukha niya, at kulang na lang ay mapunit na ito.

She never felt this good in her life. Para siyang lumulutang sa ere at may mga paro paro na lumilipad sa tiyan niya. Ilang beses siyang umikot sa kama na namumula ang mga pisngi, wishing na sana walang katapusan ang ganitong feeling.  

Mga Kaibigan Ni MagnaWhere stories live. Discover now