Level One - Final

Magsimula sa umpisa
                                    

Nandoon pa rin siya.. Nakikipag-usap kay.. Hayyyy.

Hindi na ba talaga? Kailangan ko na siguro talagang kalimutan.

30..

20..

10..

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3..

2..

"Putsnokol ka, Presincula!" sigaw ko kay Althea, sabay tanggal ng maliit niyang kamay sa mata ko.

Tinignan ko kung nasaan siya kanina..

Wala na siya..

Ang ganda ng timing. Napakaganda..

"Ano ba yan, makapagbuntong hininga naman akala mo may nasira akong moment."

"Sana nga wala eh."

 

"Huh?"

"Wala, sabi ko, tara na."

Nagsabay kaming maglakad sa Hallway, kaso noong bandang gate, sabi ko mauna na siya dahil may nakalimutan pa akong isauli na libro sa library.

Hindi naman talaga ako pupuntang library.

Pagsilip ko sa room, wala pa siya doon. Siguro nag-CR.

Nilagay ko agad sa desk niya, at umalis na.

Last na rin yon..

- -

8pm na, pero nakatunganga lang ako sa harap ng laptop.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon