Ano ba itong lugar na 'to? Nagsusumigaw ng karangyaan at alam kong hindi ako nababagay sa ganitong lugar.

Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa atensyong nakukuha namin o mas mabuting sabihin na atensyon na nakukuha nitong katabi ko.

"Don't mind everyone. Huwag kang lalayo sa akin. Kapag sinabi kong sa tabi lang kita, sa tabi lang kita." bulong nito kaya wala akong nagawa kundi napatango.

Para namang gugustuhin kong lumayo sa kanya eh wala naman akong kilala sa lugar na ito. Atsaka nandito ba ang kapatid ko?

"Akala ko ba dadalhin mo ako sa kapatid ko para malaman ko kung ano ba talaga ang pinapagawa mo sa kanya?" ganting bulong ko sa kanya.

"Just wait and see." simpleng sagot nito bago kami napahinto sa isang malaking mesa.

IHindi ko maiwasang mamangha dahil napapalibutan ako ng maraming m magaganda at gwapong nilalang.

"Pare! Finally, nagpakita ka din! Akala ko nasa hukay ka na eh!" bati ng isang lalaki na mayroong asul na mga mata.

"The fucker is here!" sigaw naman ng isang lalaki sa kaliwa na mayroong brown na buhok.

Nagsitawanan silang lahat at rinig ko naman ang pagmumura ni Zel.

"So, who's this pretty lady beside you? Mukhang menor de edad ha? Pedophile ka ba?" sabi ng isang lalaki na hindi ko maiwasang mamangha sa kagwapuhan niya. Tao pa ba sila?

"Fuck you, Lex!" sigaw ng katabi ko kaya kinalabit ko siya ng pasimple.

"Pwede bang hinaan mo ng kaunti yung sigaw mo kasi nakakahiya sa mga tao oh, pinagtitinginan tayo lalo." bulong ko sa kanya kasi hindi talaga ko sanay sa atensyon sa paligid.

Napalingon ako sa gilid ko nang biglang tumayo iyong isang babae na parang isang manika sa liit ng mukha. Napakaganda nito at mas lalo pang bumagay sa kanya ang suot niyang itim na gown. Bagay pa rito lalo ang maikling itim niyang buhok.

"You know what, girl. If I were you, huwag na huwag kang magpapauto sa isang kolokoy na Zechariah. Babaero 'yan. By the way, I'm Pia." ngumiti ito sa akin kaya hindi ko maiwasang matulala at mapalabi.

"Hello, ako po si Eos. Nice meeting you po." nahihiya kong sagot sa kanya at hindi maiwasang pamulahan ng mukha.

Ang ganda kasi niya talaga. Lalo itong ngumiti ng malapad bago ako hinatak palapit sa kanya kaya napalayo ako kay Zel.

"Ikaw ha, namumula ang mukha mo. Type mo ako? Makikipaghiwalay ako sa asawa ko kung type mo ako. Ang ganda mo pa naman. Bagay tayo." nakangisi ito sa akin.

Narinig ko ang tawanan sa paligid at pagtikhim ni Zel pati na ng isang lalaki na tumayo na din para hapitin sa beywang ang babaeng nasa harap ko. Napalayo tuloy sa akin ang babae sa ginawa niya.

"What did you say, my dearest wife? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo mamaya buong magdamag kung kanino ka lang dapat?"

Kulang na lang ay lumubog ako sa kinatatayuan ko. Ganito ba talaga sila ka-vocal? Parang ako ang nahihiya.

Pinulupot ni Pia ang mga braso niya sa beywang ng lalaki at tiningala ito.

"Sorry to burst your bubbles, my baby Wage pero mainit ang ulo ko sa'yo ngayon kaya sa guest room ka matutulog. Hudas ka talaga." nakangiti ito ng matamis sa lalaki habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Yown! Under nga naman ang Lolo Wage mo!" pang-aasar ng isa pang gwapong lalaki at sinabayan pa ito ng tawa.

"Shut up, Tyler! Palibhasa ayaw ka ng balikan ng ex mo kaya tigang ka pa din hanggang ngayon!" balik na sagot noong nag-ngangalang Wage.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now