Isinuot ko ang seat belt at mas pinili na lang tumingin sa labas ng bintana.

Tahimik lang din naman niyang pinaandar ang kotse niya paalis sa lugar namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero bahala na.

Ang mahalaga lang naman ay makita ko kung anong pinagkakaabalahan ng kapatid ko para mapanatag ang loob ko.

Lumagpas ang halos kalahating minuto nang huminto kami sa isang mamahaling shop.

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nakatitig lang din siya sa akin. Ayan na naman ang pamilyar na pagkabog ng dibdib ko kapag natititigan ko ang mga mata niya.

"Come on. We have to get ready for the party." sabi lang nito bago bumaba sa kotse.

Hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako ng pinto kaya mabilis din akong bumaba. Nakita ko pa itong napapailing bago ako nilapitan.

Nang makapasok kami sa loob ay binati kami ng lahat at kita ko pa ang pagsisiskuhan ng mga babaeng empleyado habang nakatingin kay Zel.

"Zechariah! Depungal ka talaga!"

Nanlaki ang mga mata ko nang may lumapit na isang magandang babae sa gawi namin at binatukan si Zel ng malakas.

"What the fuck?! What's wrong with you, woman?!" nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa babae.

"Aba't! Isusumbong talaga kita sa Kuya mo! Sabihin ko minumura mo ako!" sigaw nito kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ikaw pa ang galit eh ikaw na nga ang nananakit basta basta diyan. Are you insane?!"

"Gago! Akala mo hindi ko alam? May inorder kang damit dito sa shop ko pero hindi mo naman binayaran! Hindi porket kapatid ka ng gwapo kong asawa, libre na ang lahat! Aba mahiya ka naman! Ang yaman yaman mo, kuripot ka naman!"

Napalingon ang babae sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako sa titig niya.

"Bakit may kasama kang menor de edad? Pedophile ka ba ha?! Naku? Isusumbong talaga kita sa Kuya mo!" sigaw nitong muli.

"A-ah hindi na po ako menor de edad. 24 years old na po ako." sabat ko kaya napatingin ito sa akin muli.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at kumapit sa braso ko. Hindi ko naman maiwasang mailang dahil bukod sa matangkad ito ay sobra pa nitong ganda.

Kapag pinagtabi kami, para lang akong katulong niya.

"What's your name, pretty girl? Naku! Huwag ka masyadong sumasama sa lalaking ito. Hudas iyan katulad ng kuya niya."

"Bella, can you please stop it? Tigilan mo si Eos at ibigay mo na sa akin ang inorder kong damit."

"Hoy! Bayaran mo muna iyong damit na inorder mo last week! Ang kapal ng mukha mo ha!"

Para na naman naging tigre ang katabi ko habang dinuduro si Zel na mukhang napipikon na.

"I'll pay it! Naging busy lang ako kaya hindi ko nabayaran agad, okay? Kaya pwede ba tigilan mo na ang kakasigaw dahil naiirita na ako."

Para silang aso't pusa kaya pumagitna na ako.

"Ano, Sir Zel. Bakit ba tayo nandito?"

Napasulyap naman siya sa akin at bigla na lang akong hinapit papunta sa kanya.

Namula na naman ang magkabilang pisngi ko at napatingin kay Ms. Bella.

Nanlalaki ang mga mata nito at tinuro-turo pa kaming dalawa.

"Can you just give her the dress that I order instead of screaming and talking nonsense?"

"Bastos ka talaga! Tara na, Eos. Kung nililigawan ka man ng hudas na iyan, bastedin mo na. Kung jowa mo na hiwalayan mo na. Masama ang ugali ng isang iyan."

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now