chapter 42

13 2 1
                                    

PRESENT DAY:

Mula sa pagkakayakap ni Champ kay Zephy, bigla syang tinulak neto at pinahid ang mukha nya.

Zephy: anong ginagawa mo?

Champ: wala..

Zephy: ginugulo mo na naman ang isip ko ...

Champ: zeph

Zephy: akala mo talaga, ganun lang kadali ang lahat? Na kapag nagpaliwanag kana.. ok na, mababalik mo na ang dati! Well sinasabi ko ngayon sayo arvelle, hinding hindi na mangyayari yun.

Champ: sorry, im so sorry.. sorry

Zephy: kung may choice lang ako, ayoko nang maging interpreter ng kanta mo . Dahil alam ko, alam ko na mangyayari to.

Hindi ako nakapagsalita

Zephy: You know how i value everything, specially my career. Thats why im being professional here . Pero sana ikaw din. Ang tanging dahilan kung bakit nagkita tayo ay dahil ikaw ang composer ng kakantahin ko.. hanggang dun nalang yun . So please stop including your personal matters sa trabaho. Kasi ginugulo mo lang ang lahat

May tumigil na kotse sa harapan nila at sumakay si Zephy . Naiwan si Champ na mag isa na nakatayo habang pinagmamasdan ang sasakyan na papalayo.

CHAMP's POV

Nakaupo ako sa gilid ng pool habang ang mga paa ko ay nakalublob sa tubig. Hawak ang baso na may alak. Inisiip ko parin ang sinabi ni Zephy.
Nakaramdam na ko ng sakit ng ulo ng may tumapik sa balikat ko .Si miguel. Halos apat na taon din kaming di nagkita, since nagpunta ang pamilya nila sa america..doon nadin sya nag aral ng architecture.

Migz: pamilyar to sakin ah. Parang nangyari na to before. Yung nag inuman tayo dahil sa heartbreak? Hehe

Inabot ko sa kanya ang isang baso,nilagyan nya ito ng laman at uminom.

Migz: kumusta si zephy? I mean kumusta ang pagkikita nyo ulit?

Champ: awkward, pero nakaka excite sa twing nakakaharap ko sya. Parang naramdaman ko ulit ung ganun, after how many years. Grabe diba? Hehe

Migz: grabe talaga, grabe ang tama mo sa kanya. Akalain mo at hanggang ngayon , siya padin ang gusto mo.

Champ: oo nga eh, nakakatawa

Migz: pero kuya, alam mo naman siguro na di na kayo pwede.

Champ: oo naman, malinaw sakin yun.
Kaya nga nakokonsensya ako, kung bakit kinailangan ko pang magulo ulit ang buhay nya

Migz: magulo? Bakit? Sinabi nya ba yan sayo?

Tumango ako

Migz: bat mo naman magugulo kung tapos na at wala ka nalang sa kanya ? Unless..

Champ: oh .wag na .wag mo na ituloy, alam ko na yan..at baka umasa din ako. 7 taon na yun migz .wala na yun

Migz: wala na ngaba?

Napailing ako habang natatawa

Champ: maiba tayo, kumusta ang paghahanap mo kay kristel?

Migz: nahanap ko na sya kuya, and guess what? Napagkasunduan namin na magkita. Negosyante na sya ngayon.hehe

Champ: no doubt, dati pa naman magaling na sa marketing yang si kristel..sana maging maayos ang pagkikita nyo

Migz: sana nga, and kapag pwede pa, liligawan ko sya ulit.

Champ; akala ko ba ako lang ang malakas ang tama ..ikaw din pala

Sabay kaming natawa.

hey Zephy!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang