chapter 39

11 3 0
                                    


Zephy's POV

pagkarating ng bahay, tinawagan ko si Champ sa messenger. Pakiramdam ko ng hapon na yun, handa na ko na sagutin sya. Ayoko na siyang pag antayin pa. Pero laking gulat ko ng naka deactivate ang fb account nya. Di ko alam kung anong nangyari. Isang linggo syang di makontak. Isang linggo syang di nagpakita sa school. Hanggang sa ilang araw bago matapos ang school year. Nagkasalubong kami . Nag antay ako na lalapitan nya ko , na magpapaliwanag sya kung ano ba ang nangyari sa kanya. Pero wala, nilagpasan nya lang ako at nagkunwari sya na di ako nakita. Hindi na kami ulit nakapag usap hanggang natapos ang taon na yun.

Buong summer, siya lang ang nasa isip ko. Kahit pa , ni isang chat ng pangungumusta ay wala sya para sakin. Naisip ko nalang baka napagod na sya sa kakakulit sakin. O kaya nagsawa na sa paulit ulit kong pagpaparamdam sa kanya na wala lang sya sakin. May pagsisisi sa part ko , kung bakit ba di ko sya binigyan ng pagkakataon. Bakit di ko manlang pinaramdam na mahalaga sya.

Isang beses nung summer na nagkita kami nila jade and kristel.. nabanggit nila na may gf na daw si Champ at kaya di ko makita dahil gumawa na sya ng bagong account. Na realize ko, siguro tama nga ko na napagod na sya sa kakahintay sakin. Nanghinayang sila kristel para samin. Pero ang sabi ko lang. Ok lang yun, tsaka talagang wala pa sa isip ko ang pagpasok sa isang relasyon.

Hanggang sa nagbukas na ulit ang bagong school year. Mas nag focus ako sa pagtitrain sa one voice. Habang si champ bumalik na sa paglalaro ng basketball matapos ang isang taon na pag sali sa dance troupe. Paminsan minsan ay nagkakasalubong kami pero hanggang ngitian nalang. Di nadin sya sumasama samin kahit pa magkaklase parin kami.

Jade: grabe noh? Ang laki ng pinagbago ni champ. Kung dati napaka approachable nya. Ngayon ikaw nalang mag aalangang lumapit. Alam mo yung ibang tao na sya.

Mark: siguro ganyan ang nagiging epekto ng pagkabigo sa pag ibig.

Jade: bigo? Eh diba may gf sya? Akala ko nga magiging sila netong si Zephy, tapos biglang may niligawang iba

Kristel: ano ba kasing nangyari prend?

Tanong ni kristel sakin.

-----------++++++++++++++++++++++

PRESENT DAY

Zephy: thank you sa dinner

Champ: youre welcome 🙂

Pagkatapos nilang kumain ay nagpahatid na si Zephy sa hotel kung saan siya nag sistay. Habang nasa daan sila papunta sa hotel,naka idlip si Zephy. Nagising din sya after 5 mins, pero nangkunwari syang tulog parin ng marining na kumakanta si champ sa mahinang boses

Champ: pasensya na, di ko man nasabing mahal kita. Gaano katagal ililihim, di naman ganun kadaling, aminin ang nakatagong damdamin.. hmmmm hmmmm 🎶

Zephy: bakit mo alam ang kantang yan?

Medyo nagulat si champ ng biglang nagsalita si Zephy. Napatigil sya sa pagkanta.

Zephy: saan mo narinig ang kantang yan? Walang ibang may nakarinig ng kantang yan kundi ako. Dahil ako ang sumulat nyan. At never ko yan kinanta sa iba.

Napalunok si champ

Zephy: champ? Saan mo narinig ang kantang yan? Bat mo alam ang kantang yan?

Huminga ng malalim si champ tsaka tumingin kay zephy.

hey Zephy!Where stories live. Discover now