chapter eight

27 3 0
                                    

ZEPHY POV

hindi ko kasalanan!hindi ko kasalanan!
Paulit-ulit kong sinasabi habang tinitignan si champ na matamlay..

Parang parehas lang sila ni jade,ang tamlay din ng isang prendy ko..

Kristel: hayyy,bat parang ang lungkot naman ng vibe ngayong araw?Sana makita ko manlang si migzz..

Zephy: nakita ko sya kanina kasama si tony

Kristel: tony? Ung 2nd year ?

Zephy: yes...

Kristel: balita ko crush nya un eh...

Zephy: talaga?

Kristel: oo..eh tisay lang naman yun,nd naman maganda un...🙄

Zephy: maganda naman ah.bat kasi hindi ka nalang kay emcee?haha

Kristel: duhhh!kay jade yan noh

Nagulat kami nung biglang tumayo si jade tapos binagsak ung notebook nya sa desk sabay tingin kay kristel ng masama....

Kristel: anung problema nun?

Emcee: hi kristel

Kristel: oh anu?

Emcee: tanong ko lang sana kung may meeting kayong nasa science club mamaya?

Kristel: at bakit?

Emcee: balak ko kasi sumali sa club nyo

Kristel: at bakit?

Emcee: kasi andun ka...😏

Kristel: bwesit ka! tigilan mo ko..

Emcee:😂 ito naman.bwesit agad?

Kristel: pwede ba emcee wala ako sa mood ngayon.Kung ayaw mo madislocate yang panga mo. Bumalik kna sa upuan mo...

Napakamot ng ulo si emcee ..

Kristel: puntahan natin si jade .

Hinanap namin sa buong building si jade.Nakita namin sya sa canteen na nag iisa.Nakasubsub sa lamesa

Zephy: prendy..

Inangat nya ang tingin nya

Jade: bat andito kayo?

Kristel: nainis kaba kanina? Sorry na..biro lang naman kasi yun

Jade: di naman magandang biro un eh tsaka baka may makarinig sabihin may something kami ni emcee.Masira pa reputasyon nya..

Zephy: wag na mapikon..di na uulitin ni kristel.peace na kayo

Bigla nalang may nag abot ng tubig kay jade.Lahat kami napalingon kay mark

Mark: uminom ka..

Jade: no thanks

Mark: sige na..

Jade: bakit ba? Wala kana naman magawa sa buhay mo noh? Please mark ha..wag ngayon...

Mark: nakikipagbati na nga..kung ayaw mo .edi wag!

Sabay alis ni mark

Zephy: uyyy prendy.Masyado ka naman yatang naging rude kay mark

Jade: hayaan mo sya.Bat hindi kaya kay emcee sya magpapansin..total,halata naman na bet na bet nya un..

Kristel: bakla ba tlaga si mark? Parang hindi naman

Jade: bakla un noh at alam kong gusto nya si emcee

Nabaling ang attention ko sa labas ng canteen.Nakita ko si champ na nakatayo at may inaantay..
And then may lumapit na babae..
Si lyka ,inabutan nya si champ ng food..
Tinanggap naman niya

Kristel: hay naku. Napaka desperada ni lyka.Di nya ba talaga alam na ikaw ang gusto ni champ?
Eh bat kasi ayaw mo bigyan ng chance itong si Champ...

Zephy: naku ..hayaan mo na sila...

Kristel: talaga lang ha? Tingnan mo naman..makahampas sa braso ni champ akala mo close sila ..sarap batukan

Zephy: alam mo?ikaw yata may gusto kay champ..makareact ka jan

Kristel: eh bat kasi hindi nalang maging kayo?

Zephy: eh bat kasi kailangan ko pa ulit ulitin sayo na wala pa ko plano mag boyfriend..aral muna..

Sana nga yun ang nararamdaman ko...
Narinig yata kami ni champ. Napatingin sya sa lamesa kung saan kami nakaupo..

hey Zephy!Where stories live. Discover now