chapter 43

20 3 1
                                    

PRESENT DAY:

Zephy's POV :

Recording day.. Maaga ako nakarating sa studio.Hindi ako nahatid ni Lance dahil may meeting din sya. Akala ko ako ang nauna, pero mas maaga pa pala dumating si Champ. Medyo nanibago ako dahil wala na yung balbas nya na kahapon lang ay pinansin ko.

Zephy: good morning

Champ: good morning

Bati nya rin sakin.

Umupo ako sa tabi nya at ilang minuto kaming tahimik bago sya nagsalita

Champ: thank you pala for interpreting my song ha

Zephy: super ganda ng kanta na to,kaya thankful din ako na ako ang napili mo.

Champ: para sakin wala ng boses ang babagay sa kantang to kundi boses mo lang

Zephy: talaga?

Champ: oo naman, tsaka sinabi ko na sayo dati diba, kung magsusulat man ako ng kanta, gusto ko para sayo

Dahil sa sinabi nya, may naalala ako.

-----------------------------++++++++++++++

Kakaumpisa lang ng pasukan nun, senior year na namin. After ng unang subject, naiihi ako kaya nagpunta ako ng banyo.,medyo luma ba ang building namin kaya naman luma nadin pati mga pinto ng kada room.kasama na ang Cr..ng palabas na ko, di ko na mabuksan ang door knob. Almost 30 minutes na ko sa loob , humihingi ako ng tulong sa mga dumadaan pero walang nakakarinig sakin hanggang sa napagod na ko at napaupo sa sahig. Naiyak nadin ako sa takot. Paano kung walang magbukas ng pinto. Paano na ko? Hanggang sa may biglang nag bukas ng pinto. Nabuhayan ako, pero nagulat ng makita na si Champ ang nag bukas

Champ: ok kalang ba?

Tanong nya agad sakin

Sa saya ko napayakap ako sa kanya

Sabay kami lumabas ng cr, di ko nga alam kung amoy banyo na ko sa tagal ko na stuck sa loob.

Tahimik lang si champ habang naglalakad kami kaya di ko nadin binalak na magsalita pa.

Lumipas pa ang ilang araw. Nagkakasalubong kami pero hanggang titigan lang kami. Walang pag uusap na nagaganap .
Hanggang sa nagkaroon ng program sa school .Lahat ng estudyante ay nasa labas nang room nila.except kay Champ na nakikinig lang ng music sa upuan nya. Gusto ko syang lapitan, pero nahihiya ako at baka di nya din ako pansinin.

Jade: anong tinitingnan mo?

Zephy: wala

Jade: hmmm, namimiss mo yung pangungulit nya noh?

Zephy: medyo, ngayon kasi tahimik na sya

Jade; hindi kaya may nangyari sa kanya during vacation? Or sa family nya kaya ganyan na sya ngayon?

Zephy: baka nga may problema

Jade: lapitan ko ba? Tapos tanungin?

Zephy: sira! Wag.. hayaan mo ung tao..gusto nya mapag isa.

Jade: so hanggang pasulyap sulyap nalang kayo? Alam nyo..matatapos nalang ang highschool, wala padin ganap sa inyong dalawa.sana talaga di nyo pang hinayangan ung mga oras na to kapag ka matatanda na kayo..andami nyo sinasayang na panahon.

Zephy: kung ang tinutukoy mo ay maging kami. Hindi mangyayari yun dahil friends lang talaga turingan namin.o baka nga hindi na.

Jade: ewan ko sa inyo..e obvious naman na type nyo ang isat isa, pakipot lang kayo parehas..kung nandito pa si kristel for sure same din ang magiging reaction nya . Nakakamis na ang bruhang yun

Zephy: oo nga eh, pero kapag nagkakachat kami. Lagi nya binibida ang bagong school nya. And yung mga poging ka schoolmate nya

Jade; hindi na talaga nag bago ano

Nagtransfer na si kristel ng school. Dahil din sa nangyaring eskandalo at para makaiwas nadin kay migz.

hey Zephy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon