chapter 11

29 1 0
                                    

CHAMP POV

Hindi ko alam ang sunod na nangyari basta nagulat nalang ako nakahandusay na si emcee sa ground,himas himas ang panga nya..
Sobrang nanginginig ang mga kamao ko at ang bilis ng kabog ng dibdib ko
Hinahabol ko ang paghinga ko at isang suntok ang pinakawalan ni emcee papunta sakin .Hindi ako nakaiwas pero nakahawak ako sa kanya..kaya parehas kami natumba ,nagpagulong gulong kami hanggang sa may mga umawat na..

Migzz: tama na kuya..tama na...!!

Emcee: gago ka! Anu kasalanan ko sayo??!!!!

Hindi ako makapagsalita basta bigla nalang ako nagalit sa kanya pagkarinig ko sa ginawa nya kay jade ..nadala ako ng emosyon ko at sa lahat ng ayaw ko ang nanloloko ng babae.Gaya ng ginawa ng tatay ko sa nanay ko...

Emcee: huy!! Gago! Di pa ko tapos sayo!

Naglakad ako palayo sa nag uumpukan mga tao at habang humahakbang palayo..tumutulo ang luha ko...
Nagbalik ang mga masasamang alaala sakin...
Nagbalik ang kawalang hiyaan ng tatay ko sa utak ko..
Para lang mailabas ang galit ko..tumakbo ako ng sobrang bilis  habang sumisigaw at nilalabas ang galit ko..

ZEPHY POV

Humahangos si emcee pabalik ng room habang putok ang kabilang labi...may konting dugo pa sa mata nya..

Zephy: anung nangyari sayo?

Hindi sya sumagot.Dirediretso sya sa upuan nya at kinuha ang bag nya at umalis  kahit hindi pa tapos ang klase namin..
Nabalitaan ko nalang ang nangyari kay mark nagsuntukan sila.Bigla nalang daw sinugod ni champ si emcee..
Naisip ko..may connection kaya to sa narinig nya samin ni jade...
Hindi pumasok si champ nung kinahapunan pati si emcee..
Iniisip ko padin ang nangyari habang naglalakad pauwi,napatigil lang ako nung nakita ko si champ na nakaupo sa labas ng gate namin nakayuko sya,suot padin ang uniform nya...

Zephy: champ?

Nung narinig nya ang pagtawag ko sa kanya tumayo sya at lumapit sakin habang bitbit ang bag nya sa kabilang kamay nya

Champ: sama ka sakin

Zephy: huh? Katapos mo suntukin si emcee?gusto mo sumama ako sayo?

Champ: kaya nga need mo sumama para masabi ko sayo bakit ko ginawa yun..

Umupo kami sa labas ng simbahan..napansin ko ung sugat sa kabilang mata nya...

Zephy; napanu yan?

Champ: ganti ni emcee

Zephy: so nakaganti pala sya ..
Kaso mas malala ang nangyari sa kanya eh,alam mo ba yun?

Champ: alam ko.ako may gawa diba?

Zephy: so bakit nga champ?

Champ: kasi galit ako sa mga manloloko..

Zephy: narinig mo pala usapan namin

Champ: wala syang kwenta,dapat lang sa kanya yun

Zephy; dapat hindi kana nakialam .Si jade naman ang sinaktan nya,dapat si jade ang gagawa nun sa kanya,pinalala mo lang ang sitwasyon

Champ: bakit? Kaya ba sya saktan ni jade? Kita mo naman kung gaanu nya iniyakan ang gagong yun..

Zephy: huy..yung words mo..

Champ: sorry..

Zephy: kasi naman eh..bat kasi hindi mo nalang sya kinausap? Bat kailangan magsuntukan pa kayo?

Champ: hihingi ba sya ng tawad kung kakausapin ko sya? Makokonsensya ba sya kung kakausapin ko lang? Hindi diba? Dapat sa kanya..binabasag ang pagmumukha..

Zephy: so hindi ka nagsisisi? Na ginawa mo yun sa kaibigan mo? Champ...hindi lahat nadadala sa pagsisigasigaan...matuto kadin magpigil ng galit mo..
Uuwi na ko...

Champ: sorry ...

Zephy: wag ka sakin magsorry...kay emcee

Sinuot ko ang bag ko tsaka iniwanan sya .

hey Zephy!Where stories live. Discover now