chapter 45

12 2 1
                                    


Pagkadilat ng mata ko, nakasandal na ko kay Champ, at sya din sakin. Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at kinuha ko ang phone ko at nagpicture. Nagulat ako ng inalis nya bigla ang ulo nya at umupo nga maayos. Akala ko nahuli na ko.

Zephy: woaah.. kamuntik na ( sa isip ko)

Pagbaba namin sa 2nd stop ng tour. Iniinda ko na talaga yung paa ko kaya madalas tumitigil ako at hinahayaan ung iba na mag ikot. Umupo ako sa tabi ng maliit na store na nasa loob lang din ng place. Inayos ko ang band aid na nilagay ni champ sa paa ko , nang may umupo sa tabi ko. Pag tingin ko ay si champ iyon.

Hindi ko sya pinansin kunwari pero inabutan nya ko ng tubig at checheria.
Tinanggap ko dahil sa totoo lang gutom nadin ako

Champ: nag eenjoy kaba sa tour ?

Zephy: to he honest? Hindi.. eh ikaw?

Champ: oo naman

Zephy; nag eenjoy ka? Eh di ka namab nag iikot e

Champ: di ko naman sinabi na sa tour ako nag eenjoy, kundi sa kasama ko.

Di ko alam kung tama ba ko sa pag intindi sa sinabi nya.. pero kinilig ako . Slight...

On the way na kami sa next location ng tour. Ng biglang umulan ng malakas. Aircon ang bus kaya sobrang lamig sa loob. Wala pa naman akong dalang jacket.

Sinubukan kong patayin ung fan sa tapat ng upuan namin.. pero di ko alam panu.

Champ: ako na..

Matangkad sya kaya di na nya kinailangan pang tumayo. Kaso mukhang nahirapan sya dahil parang sira ata

Limang minuto pa. Nanginginig na ko. Gulat ako sa next move nya. Tinanggal nya ang suot nyang jacket at inalok sakin. Umiling ako. Pero pinatong nya sakin ang jacket at ginawang kumot.

At bumalik sa pagkakasandal sa upuan nya. Sa totoo lang, di ko na kaya ang lamig kaya bahala na..sinuot ko ang iacket niya. Ang bango infairness.. Si champ kasi ung tipo na kahit makita mo syang pawis na pawis pero mukha padin syang mabango. Siguru dahil maputi sya talaga at malinis tingnan.

Champ; di ka sanay sa malamig no

Zephy; huh? Hindi eh

Champ: pag naging performer kana. Lahat nang lugar na kakantahan mo malamig

Zephy: performer talaga?

Champ: pustahan tayo, sisikat ka

Zephy: pano kung hindi?

Champ; edi mali ako

Zephy; baliw ka

Medyo natutuwa ako na sa wakas nag uusap nadin kami.. 5 oras pa kami magkakasama . Wala din kami choice talaga kundi mag usap

Champ; pero kapag tama ako. Kailangan hanapin mo ko and magpasalamat ka sakin.

Zephy; bat naman ako magpapasalamat?

Champ; kasi nagkatotoo ang sinabi ko

Zephy: weird huh?

Its almost 6 pm ng makarating kami sa last stop namin ng tour. Mula sa kinatatayuan namin. Kita ang mount TAAL. Ang ganda.

Champ: first time ko dito. Isa to sa reason bat ayaw ko sumama sana sa tour na to

Zephy: huh?Bakit naman ? For me ito nga pinaka gusto ko

Champ: sabi ko kasi sa sarili ko, di ako pupunta dito unless kasama ko ang gf ko or magiging asawa

Natawa ako sa sinabi nya

Champ: bakit ka natawa?

Zephy: wala lang , so pano kung di ka makapag asawa ? So di ka talaga pupunta dito?

Umiling sya

Zephy: aww. Kaso di nangyari ung gusto mo.

Champ: oo nga.. ok lang, atleast kasama ko ang taong gusto ko.

Tapos nagkatinginan kami. At sabay na tumawa. Diba mga baliw ?

hey Zephy!Where stories live. Discover now