chapter 40

13 2 1
                                    


Present day:

Champ's POV

Sa itsura ni Zephy, alam ko kailangan ko ipaliwanag sa kanya kung panu ko nalaman ang kantang yun.

Zephy: arvelle?

Tinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, para mas maipalawanag sa kanya ng maayos ang lahat

Champ: narinig kita na kinakanta yan sa music library nung hapon na napadaan ako doon. Di ko naman sinasadya na marinig.. pasensya na talaga

Zephy: pero anong ginagawa mo sa Mbuilding ? Hindi ka na part ng dance troupe nun diba?

Tumango ako at di makatingin sa kanya, batid ko ang kaba sa dibdib ko.

Zephy: sandali...Nung araw ding yun, may naglock kay justin sa CR.. kaya sya nadisgasya dahil pinilit nya makalabas sa bintana. Alam mo ba ang tungkol dun?

Champ: hindi

Zephy: tumingin ka nga sakin, alam kong galit ka sa kanya. May kinalaman kaba sa nangyari huh?

Di ako nakasagot

Zephy: my god. Ikaw yun.. ikaw yun diba? Bakit mo ginawa yun huh? Alam mo bang kamuntik na sya mamatay dahil sa pagkakalaglag nya ? Tapos hindi ka manlang umamin. Paano mo nagawang itago ang nagawa mo huh? Di kaba naawa sa tao?

Champ: di ko yun sinasadya

Zephy: kung talagang hindi, dapat sinabi mo na ikaw ang gumawa nun. Pero nagkunwari ka na walang alam?

Champ: past na yun zephy

Zephy: isa yun sa pinaka di ko makakalimutan na nangyari sa buhay ko . And all this time,wala akong kaalam alam na ikaw pala ang may gawa non? Never ko naisip na kaya mo gawin yun champ..

Binuksan nya ang pinto ng kotse at lalabas na pero pinigil ko sya at hinawakan ang kamay nya

Zephy: bitawan mo ko

Champ: can you please let me explain?

Zephy: explain? Napakarami mong pagkakataon para mag explain noon champ , pero di mo ginawa. Kahit nga yung biglaang pag iwas mo noon, ni wala manlang akong natanggap na isang salita mula sayo . Kaya galit na galit ako sayo! Hanggang ngayon!

Nabuksan nya ang pinto at lumabas ng kotse. Sabay binagsak ang pinto. Lumabas dn ako at hinabol sya

Champ: oo kasalanan ko! Alam ko! Pero sana pakinggan mo ko!

Wala kaming pake kung may mga nakatingin samin, hinabol ko sya hanggang sa naabutan ko. Humarang ako sa harap nya and nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nya.

Zephy: umalis ka diyan.

Champ: im sorry, im sorry zephy

Zephy: bat kapa bumalik huh? Ok na ko.. ok na

Champ: sorry 🥺🥺🥺

Tumitig sya sakin at may tumulong luha sa mga mata nya.

Zephy: bat ba ko umiiyak? Alam mo ba kung bakit? Sabihin mo nga kung bakit ako umiiyak. Kasi ako di ko alam. Di ko alam ano ba nararamdaman ko. Nalilito ako. Sino kaba sa buhay ko at nakakaramdam ako ng ganito huh? Sino kaba?

Lumakad ako palapit sa kanya, at niyakap sya.

Champ: im so sorry 🥺

hey Zephy!Where stories live. Discover now