"Good morning, too, Micheal..." she whispered huskily. A smile broke on her face as she faced him.

Ah... what a breath-taking way to wake her up. Tuluyan nang naglaho ang kanyang antok. Effective, eh?

Sa nakalipas na mga araw ay naging abala silang dalawa ni Micheal sa pag-alaga kay Jasmin. Ang routine nila sa umaga ay ipasyal ang ina upang maarawan at makalanghap nang sariwang hangin. Pagkatapos ay mamasahein niya ang mga paat at kamay ng ina. Micheal would watch her massage her mother. Natutuwa ito kapag nakikita siyang minamasahe ang ina. Nagpaturo ito sa kanya minsan at tinuruan naman niya. Pagkatapos noon ay salitan na sila sa pagmamasahe ni Micheal sa ina. She would massage Jasmin's legs. At si Micheal naman ang magmamasahe sa mga kamay ng babae.

Ginamit nilang bonding moment ang pag-aalaga kay Jasmin. At sa loob nang ilang mga araw ay hindi lamang yumabong ang damdamin niya para sa ina kundi tuluyan na ring nahulog ang loob niya sa asawa. Micheal turned out to be a great partner. Hindi pala ito mahirap pakisamahan gaya nang unang impression niya rito. He was arrogant at first, but not after she got to know him better. He was actually a level-headed man at napaka-family oriented. He would always consider her, would often ask her what she wanted, would always consult her in a lot of things especially when it concerns about them as a couple, lalong-lalo na pagdating sa kapakanan ng kanyang ina. She didn't feel left out, or intentionally brushed off, especially when it comes to important family affairs. At sa nakalipas na mga araw ay napuno nang kasiyahan ang kanyang damdamin. She was contented at how things were working out for the best. She felt contented and complete. Her life had a new meaning, a new direction, and a new purpose. Naroon ang kanyang tunay na ina na matagal na niyang inaasam na makapiling, at masaya siya sa piling ng lalaking bagamat napilitan lamang siyang pakasalan noong una ay taglay ang mga katangian ng lalaking gugustuhin niyang mapangasawa. And for the first time in her life, she felt lucky. Malas pa naman ang turing niya sa sarili noon. Pero nagbago na ang pananaw niyang iyon sa ngayon. Hindi naman pala siya ipinanganak na kakambal ang malas. Bumawi yata si Lord sa kanya ngayon. And she was grateful.

Nang dumalaw para sa linggong iyon si Dr. Denzil Arevalo, ang family doctor ng pamilya Travilla, napansin nito ang pagbabago sa kalusugan ng pasyente. Particular na ang maayos na pagdaloy ng dugo sa mga kaugatan ni Jasmin. Naging stable na rin ang BP ng ina. Natuwa siya sa narinig at nagbubunga na ang pag-aalaga nilang mag-asawa sa ina. Kahit sinabi ng doctor na malala na ang kalagayan ni Jasmin ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na gagaling pa ang kanyang ina.

"Ano kaya kung dalhin namin sa Amerika si Mama upang ipagamot, dok?" tanong niya sa bata pang doctor na napag-alaman niyang kaibigan at kinakapatid ni Micheal. Matanda lamang ito ng tatlong taon sa asawa niya at binata pa. At napansin niyang katulad ni Micheal ay guwapo rin ito. Kabaligtaran ng asawa, maputi ito at mamula-mula ang balat. Halatang may lahing puti. Well, she found out that Denzil was half Nordic half Filipino. And that was evident on his physical attributes. Hindi niya ito nakita noong ikasal sila ni Micheal. Napag-alaman niyang hindi ito nakarating sa araw ng kasal nila dahil may may inoperahan itong pasyente. Ganoon nga talaga ang buhay ng isang doktor - always in demand and on the go.

"Malaki ang maitutulong ng mga makabagong gamot at teknolohiya sa US upang malunasan ang sakit ng Mama," pagpapatuloy niya. "We have new developments in the field of medicine right now that could help restore Mama's motor skills."

"Naisip na iyan ni Micheal, Mia. At nanggaling na sa Amerika si Tita Jasmin. Hindi man siya lubusang nagamot ngunit naagapan naman ang mga komplikasyong maaring idulot nang tinamong matinding atake sa puso. But she was diagnosed with a serious form of Alzheimer's disease a few years ago. At sa loob lamang ng dalawang taon ay mabilis na napinsala ang memorya niya. Maliban pa doon ay ginawa nitong komplikado ang sakit ni Tita. You can save her health from failing, but not her loss of memory. Wala pang gamot sa Alzheimer's disease magpahanggang sa ngayon. This debilitating illness is the major challenge in curing Tita's condition. And there's the emotional trauma. Habang tumatagal, Mia, ay hindi na nagiging physical ang sakit ni Tita Jasmin. It's already an emotional and mental disease. At napakahirap niyong gamutin."

Nanlumo siya sa narinig. She didn't want to lose hope. Mas gusto niyang isiping gagaling pa ang kanyang ina. Pero nakakapanlumo talaga ang sinabi ng doktor.

Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ni Micheal at ang marahang pagpisil nito sa kanyang balikat. "It's alright, hon. Makakaya natin ito. Mama will get better soon. I have faith in you," he whispered softly in her ear.

Sapat na ang sinabi ni Micheal upang mabuhayan siya ng pag-asa. Sa loob nang nagdaang mga araw ay kaagapay niya si Micheal sa pag-aalaga sa ina. At ito mismo ang saksi sa magandang pagbabagong nagaganap sa kalusugan ni Jasmin.

"But what you can do right now is to increase the quality of life for Tita Jasmin," wika ni Denzil. "I see major improvements since you came, Mia." He looked at her. "Tita seemed responding in you. I encourage you to continue with what you're doing."

"I will, doc," siguradong sagot niya. "Maaasahan ninyo iyan. I will gladly take good care of my mother. Micheal is here to help me, too. We'll make sure that Mama will be properly taken care of."

Hinapit siya ni Micheal na tila siya binibigyan ng lakas at suporta. "Thank you," muling bulong nito sa kanya.

"That's nice to hear, Mia," natutuwang wika ni Denzil. "I know that Tita Jasmin is in good hands. O siya, aalis na muna ako," pagpapaalam nito.

"Thank you, doc," pagpapasalamat niya. Inihatid nila ni Micheal si Denzil sa driveway kung saan naka-park ang sasakyan nito. The doctor left, but she had a renewed hope in her heart for the betterment of her mother's condition.

Until Forever (Published!)Where stories live. Discover now