Living Improbability

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sige na nga," Tumayo ako at kinuha yung gamit ko para lumipat sa tabi ni Alec.

Ngiting ngiti si Alec sa paglipat ko habang ako nama'y tahimik na sinusumpa iyong mga estudyante ni Sir. Sa susunod kasi wag na sila aabsent nang alam nila kung anong ilalagay ni Sir sa exams! Nakakainis, nadamay pa tuloy ako. Pag ako kinulit ni Alec, baka ako yung walang maisagot sa exams!

"Sophie," Kalabit ni Alec sa akin.

"Ano?' Parang sumusuko na yung tono ng boses ko.

"Wow, ayaw mo talaga ako katabi no?"

"Wag mo na lang kasi ako kulitin, please?"

"Hindi naman kita kinukulit eh."

"That's for you to say, hindi ikaw yung naiistorbo."

Natahimik si Alec sa sinabi ko kaya nakinig na lang ako sa lecture namin. Nagsusulat din ako ng notes pero si Alec naglalaro na naman sa cellphone niya.

Matapos ang ilang minuto ay nanghingi ng yellow pad si Alec. Binigyan ko naman siya.

"Sophie, pahiram akong ballpen."

Napakunot ang noo ko. Ano ba naman 'tong henyong 'to. Pumapasok sa school na walang papel at ballpen!

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng notes. Nang tingnan ko si Alec ay nakita kong nagdodoodle lang siya. Napailing ako't nakinig na ulit sa lecture.

Mga ilang minuto pa ulit ang makalipas nang marinig ko si Alec. "Ang tagal naman..."

Ayan na. Nabobore na siya, maya maya guguluhin na niya ako.

"Sophie," Tawag sa akin ni Alec.

Sabi ko na nga ba eh.

"Sophie, may tanong lang ako." Tawag niya ulit sa akin. "Napansin mo ba na kanina pa may nakasabit na kulangot sa ilong ni Sir?"

Napatingin ako kay Alec at nakitang nagpipigil siya ng tawa. Tiningnan ko si Sir at nagfocus sa ilong nito. May maitim ngang something sa ilong niya pero hindi ako sure kung kulangot nga iyon o nunal lang na hindi ko pa napapansin.

"Sophie, tingnan mo si Julian Hong. May chikinini siya sa leeg oh. Just near the collar." Dagdag pa ni Alec.

Napatingin nga ako sa kaklase namin pero di ko makita yung sinasabing chikinini ni Alec, medyo mataas kasi ang collars nito.

Di ko na muna ulit pinansin si Alec at nagfocus na ako sa lecture kahit na medyo napapatingin ako sa ilong ni Sir. Nakakabadtrip naman kasi tong si Alec, kung ano anong napapansin.

"Break na ata si Caitlyn saka si Edu. Di na suot ni Caitlyn yung singsing na bigay sa kanya ng boyfriend niya..." Puna na naman ni Alec.

Napatingin ako kay Caitlyn at sinilip ko yung kamay niya. Tama si Alec, walang singsing pero pano naman niya nalaman na may singsing na suot si Caitlyn in the first place? Di ko nga siya masyadong napapansin eh.

Nakinig na lang ulit ako kay Sir, pilit na tinatanggal sa isip ang ideyang aware si Alec sa lahat ng nangyayari sa classroom. Nakakabother isipin na sinusubaybayan niya kaming mga kaklase niya.

Nagdoodle na lang ulit si Alec at narinig kong naghu-hum siya, constant din yung pangunguyakoy niya na para bang hindi na makapaghintay na matapos na ang klase.

Napaisip na naman ako kung paano ba naging henyo 'tong si Alec eh halata namang tamad na tamad siya sa klase. Kung matalino nga siya, bakit hindi niya makita ang importansya ng pakikinig sa lecture?

Baka naman mahirap talaga makuha yung atensyon niya at kapag may napaginteresan siya, di na niya yun tatantanan?

Parang ako?

Napailing ako at kinopya na lang yung sinulat ni Sir sa board. Wala siyang interes sakin. Pinagtritripan lang ako ni Alec.

Pero di ba't interes na din yun? Di nga lang maganda ang naidudulot sa akin.

"You bite the side of your right hand pag nagiisip ka, you know." Bulong ni Alec sa tabi ko. "Anong iniisip mo?"

"Wala." Bulong ko pabalik sa kanya at napatingin sa kamay ko. Tama siya, kinakagat ko nga yung kamay ko pag napapaisip ako sa isang bagay. Namumula na iyon sa pangangagat ko.

"Kinakagat mo ba yan para paalalahanin ka sa sakit ng realidad?" Tanong pa ni Alec.

Hindi ko siya pinansin at hinimas ko na lang yung kamay ko habang nagsusulat.

"O baka naman kinakagat mo para masaktan ka at maalala mong, 'uy di pala to panaginip!'" Dagdag pa niya.

Napakunot ang noo ko. Matagal ko nang ginagawa yung pangangagat sa kamay ko pero ni minsan hindi ko inisip kung bakit ko nga ba ginagawa yun.

"Okay, that's all. Time na kasi kaya itutuloy ko ang lecture sa susunod na meeting. Yung naki-sit in wag na kayo aabsent sa susunod kasi hindi ko na kayo papayagan ulit ng ganito." Anunsyo ni Sir.

Nagsitayuan na ang mga kaklase namin at ako nama'y nagayos na lang ng gamit. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko na naintindihan yung dulong part ng lecture dahil sa panggugulo ni Alec.

"Sophie," Tawag ni Alec sa akin.

"Please lang, Alec. Wag mo na ako guluhin."

"Hindi naman kita ginugulo ah?"

"Anong hindi? Hindi ko kaya naintindihan yung last part ng lecture kasi kung ano anong binubulong mo sakin!"

"Kasalanan mo yun at nakikinig ka sakin."

"May kasalanan ka din kasi di naman kita mapapansin kung hindi ka nagpapapansin!"

Tumayo na ako at naglakad papalabas ng room pero sumigaw si Alec sa likuran ko. "Hindi ako nagpapapansin!"

"Eh bakit kanina mo pa ako kinukulit? Hindi mo ba magets na ayaw kitang katabi kanina, na ayaw kitang kausapin?" Sagot ko sa kanya. Yung ilang kaklase namin ay napatigil at pinanuod kami samantalang yung iba'y kumaripas na ng takbo, takot na madamay pa sa paparating na galit ni Alec.

"Buti nga kinakausap kita eh! Hindi mo ba alam na ang daming nagkakandarapa sa atensyon ko?!" Pagmamayabang niya.

"Alam ko, pero wag mo akong isali sa mga iyon. Di ko kailangan ng atensyon mo!"

Nagulat siya sa sinabi ko at umiwas na lang ako ng tingin. Matapos niya akong samahan sa birthday ko, ito ang igaganti ko sa kanya?

"Sino ka ba sa tingin mo ha?!" Parang di na alam ni Alec kung anong sasabihin sa akin.

"Bakit, ikaw. Sino ka ba sa tingin mo ha?" Balik ko sa kanya. "Alec, kung ikaw kaya mong makapasa with high grades sa isang class kahit di ka nakikinig, wag mo akong idamay kasi pinaghihirapan ko yung grades ko. Hindi lahat kasing swerte mo!"

"SWERTE?!" Galit na sigaw niya. "Nasaan ang swerte sa akin, Sophie?!"

Hindi ako makasagot kasi alam naman niya kung anong tinutukoy ko.

"Tong utak ko? Sa tingin mo ba swerte akong naaalala ko lahat?" Pagpapatuloy ni Alec. "Hindi mo alam kung anong parusa na maalala ko in clear detail lahat ng nakikita at naririnig ko, Sophie! Okay lang yun sa magagandang memories! Pero yung masasama? Sa tingin mo ba hindi ko nakakalimutan yun?"

Naguilty ako sa sinabi ko. Hirap na hirap pala talaga si Alec sa buhay niya and to think na wala siyang kasamang kaibigan o kapamilya sa pagharap sa araw araw niya.

"Don't you ever think na maswerte ako, Sophie. Kasi kung anong tingin niyo sa swerte ko, parusa yun para sakin."

Nauna na siyang maglakad pa palabas ng classroom at wala na akong ibang magawa kundi ang pagsisihan ang mga sinabi ko. Sana pala pinakinggan ko siya, sana nagkaintindihan kami.

----------------

A/N:

Hala, sige. Mag-away pa kayo! Magsasawa din kayo jan! And when that time comes, nakoooooo, ewan ko na lang sa inyo! hahahaha

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon