KABANATA 39

745 37 4
                                    

--Zeki--

"BULLSHIT Marshall---may sniper sa kabilang building--go get my 'babies' in my car. Whoever mess with my best friend, will surely die. today."

nanggagalaiti wika niya at inutusan si Marshall, isa sa mga Donovan's brothers.

Mabilis ang naging kilos nila ni Marshall.
"Sa fire exit ako--ikaw sa elevator"
sigaw niya nang makarating sa kabilang building.

Ngunit bago pa siya makarating sa roof top sunod-sunod na putok ang narinig niya. Shit si Marshall!
Wala na siyang sinayang na sandali tinungo niya kung nasaan si Marshall. Pag apak sa 10th floor, nakita niya si Marshall na duguan sa loob ng elevator hawak pa rin ang revolver. Fuck! may saksak ito sa binti, tagiliran at sa braso.

"Its a woman--" nanghihinang sambit nito.

A woman? Nagpasaksak ito sa isang babae lang?

Tinulungan niya si Marshall makatayo. Kailangan nila umalis bago pa magsunuran ang LA EME rito. Humahangos na sinalubong sila ni Reese.

"H-Hindi ko naabutan 'yun babae--but how did you know na babae 'yun?"
hinihingal na anas ni Reese kay Marshall.

"I accidentally grabbed her breast that's why! Fuck!--"
paasik na wika ni Marshall sabay daing dahil sa saksak sa katawan.

Ngumisi siya. "kaya ka siguro nasaksak--na distract ka sa boobs"
Sinuntok siya ni Marshall sa tiyan at inalis ang braso niyang nakaalalay dito.

"Not funny--"

Nagkibit balikat siya habang nakangisi pa rin. Si Reese na ang tumulong dito.
Nasabi na rin nito na nasa Hospital na si Noriko at kasalukuyang ginagamot.

"Sacha is also there--" saad ni Reese nang makasakay sila sa kotse at patungo na sa bahay ni Marshall. Ayaw nito magpadala sa hospital.
"---Umaayon ang lahat ng plano ni Miranda. Naka ready na rin ang private plane and--your wife is also a doctor? ngayon ko lang nalaman."

Paano nasama sa usapan ang asawa niya?

"Yes--Why? How did you know?"

Reese slightly raise his one shoulder.
"She's in the hospital too. She operated Noriko and--"

"Stop the car!--"
biglang utos niya. What the hell? Nasa Hacienda ang asawa niya kanina tapos malalaman niya nasa Hospital ito.
Tumigil naman kaagad si Reese at iginilid ang kotse. Bumaba siya.

"Go!--Pupunta ako sa hospital."
mabilis niyang turan sa kaibigan saka tinawagan si Toto. Bakit hindi ito nag inform sa kanya? Nang sumagot ang tauhan binanggit nito na dinala rin ni Eden si Zephyr.
Mas lalo siyang naguluhan, bakit dinala ni Eden si Zephyr? Nasa pangangalaga niya ang bata.

Sumakay siya ng taxi at nagtungo sa Hospital.
Nang makarating sa hospital kaagad niyang hinanap ang asawa pero nasa operating room pa raw ito.

Nakita rin niya si Twix at Sacha nilapitan niya ang mga ito.

"Hey, anong lagay ni Miranda?" tanong niya kay Twix.

"Everything falls into place--" maiksing sagot ni Twix.

Sinabe nya rito ang nangyare kay Marshall kaya nagmadali ito umalis.
Naiwan silang dalawa ni Sacha, mayamaya ay may biglang yumakap sa beywang nito. Si Zephyr.

"Tita!--Bakit po kayo andito? Sinundan mo po kami ni Mama?--" masiglang wika ni Zephyr.
Wait--Did he heard it right? Tita? Mama? Tila tinuklaw naman ng ahas si Sacha na nagpalipat-lipat ng tingin kay Zephyr at sa kanya. What the heck?

Lumingon naman sa kanya si Zephyr bumakas sa mukha nito ang kasiyahan ng makita siya.
"Papa! You're also here!--"
nagulantang siya hindi dahil pagyakap ni Zephyr sa kanya kundi sa pagtawag nito ng Papa. Papa?

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now