Kabanata #11(SPG)

1K 46 1
                                    

--Eden--

Naalimpungatan siya ng maramdaman na nanginginig sa tabi nya si Zeki. Hinawakan nya ito sa braso at sa leeg. Mainit ito. Nilalagnat ang binata. Kaya naman nang akma siya tatayo natigilan siya dahil sa mahigpit na paghawak ni Zeki sa braso nya.

"W-Where a-are you going?" namamaos na tinig ni Zeki.

Napasulyap sya sa binata na nanatiling nakapikit pa rin habang hawak ang braso nya. Napailing sya.
Para itong bata na takot na takot umalis sya. Napabuntong hininga sya.

"Hindi ako tatakas--kukuha lang ako ng gamot mo saka pupunasan na rin kita ng basang towel. Nilalagnat ka" mahinang wika nya.

Pambihira talaga, nilalagnat na nga iniisip pa rin nito na tatakas siya as if naman makakatakas sya. Kaagad naman siya binitawan ni Zeki. Mabilis siya nagtungo sa banyo para kumuha ng gamot at basang towel.

Pinainom nya ito ng paracetamol. Tahimik naman itong uminom ng gamot. Pinagmasdan nya ito.

Hindi nya mawari bakit nagawa pa nya alagaan ito, kung tutuusin pwede naman nya hayaan ito. Normal lang siguro dahil doktor sya, hindi sya ganun kasama para hayaan ito.

Napatingin sya sa hawak na basang towel. Shit! Napalunok sya napatitig uli sa katawan ng binata. Kailangan nya hubarin ang suot nito t-shirt para mapunasan ito. She sighed heavily.

Unti-unti niya tinaas ang suot na t-shirt ni Zeki, nanginginig ang kamay nya. Mariin niyang ipinikit ang mata. Hindi sa ayaw nya makita ang katawan ng binata, ayaw lang niya matukso.

She gulp as she lift the t-shirt, ng akma nya itataas ang braso nito para tuluyan maalis ang suot nito bigla ito dumilat.

Napakislot siya, marahas siya nito hawakan sa kamay. Mahigpit ang pagkahawak nito sa kamay nya. Matalim ito nakatitig sa kanya.

"W-What the heck are you trying to do, my dear wife?!"
paasik nito wika. Napangiwi siya sa sakit dahil mas lalong humigpit ang hawak ni Zeki sa kamay nya.

Lumunok siya. "P-Pupu-nasan lang kita. K-Kailangan kong alisin ang damit mo." nauutal na sagot nya.

Huminga ito ng malalim saka binitawan ang kamay nya. Ito na ang kumilos upang mahubad ang suot nito t-shirt at hinagis sa sahig.

Muli ito nahiga, nakatitig lang si Zeki sa mukha nya. Kimi siyang umiwas ng tingin. Masyadong nakakapaso ang tingin nito, isabay pa ang paglakas ng kabog g dibdib nya.

Hoo-- inhale Eden! Inhale. Exhale.

"Kala ko ba pupunasan mo'ko?" malamyos na ani ni Zeki.

Nagbago na naman ang tinig nito, kung kanina para itong mananakmal ngayon naman naging kalmado na ang boses nito. Sala sa init sala sa lamig ang ugali nito. Naguguluhan na talaga siya.

Tumango siya at inumpisahan ito punasan sa may leeg nito pababa sa balikat nito.

Libo-libong kuryente ang dulot sa kanya ng bahagyang pagdampi ng kamay niya sa balat nito.

Her hands were trembling, halos manuyo na ang lalamunan niya dahil sa panay ang lunok nya ng laway.

Bakit ba ganito ang nararamdaman nya?!

Dumako naman ang pagpunas niya sa matitipunong dibdib nito at braso. Pakiramdam niya tuloy lalagnatin na rin siya dahil nagsisimula na siya makaramdam ng init sa katawan.

God, Eden! Labanan mo'to!

Hanggang sa bumaba ang towel na hawak niya patungo sa matigas nitong abs. Holy crap! His six pack abs!

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now