Kabanata #10

824 47 3
                                    

--Eden--

Nagising siyang wala na sa tabi niya si Zeki. Himala, mahimbing ang naging tulog niya. Napailing siya. Kadalasan kasi dinadalaw siya ng masamang panaginip. Paulit-ulit na lang pumapasok sa panaginip niya ang mga magulang. Sanay na siya, kaya naman himalang wala siyang naging panaginip. Mahimbing ang tulog niya.

Napabuntong hininga siya.

Tumayo siya upang lumabas ng kwarto ngunit naka-lock 'yun. What?! Kinalampag niya ang pinto.

"H-Hey!! Buksan nyo ang pinto!!"
sigaw niya.

Napatigil siya sa pagsigaw ng may magsalita mula sa labas ng pinto. "Pasensya na po maam. Utos po kasi ni Boss na wag kayo palabasin. Nagugutom na po ba kayo?"

Nakilala niya ang boses ni Embong.
Napabuga siya ng malalim na pagpahinga.

Yeah, right! Kinasal lang pala siya pero bilanggo pa rin siya. Muli siya napaluha. God! I really hate him! Bakit ba kinukulong ako ng ganito?!!

Napaupo siya sa kama at patuloy sa pag-iyak.
Bumukas ang pinto. Pumasok ang maid na si Jona, may dala itong tray food.

"Pagkain mo" ani ni Jona at mataray na tumingin sa kanya. "---pagsasawaan ka rin ni Sir Zeki. Pag nagsawa na siya sayo saka ka lang niya papatayin. Asa ka naman papalayain kang buhay."
inismiran pa siya bago tuluyan sinarado ang pinto.

Hindi niya talaga mawari bat ang init ng dugo sa kanya ng maid na 'yun.
Nakaramdam na siya ng gutom kaya kinaen na rin niya agad ang dalang pagkaen.

Nang matapos kumaen, nahiga uli siya. Walang cellphone, walang TV kahit libro wala. Wala siya magawa. Hihintayin na lang ba niya ang kamatayan niya rito? Totoo bang papatayin din siya ni Zeki pag nagsawa ito sa kanya?

Kung ganoon, bakit hindi siya ginalaw ng binata? Marami itong pagkakataon para gawan siya ng masama, para angkinin siya ngunit wala itong ginawa. Natulog lang sila magkayakap.

Dahil sa wala siya magawa. Naisip niya matulog na lang. Bahala na. Nakakapagod na rin manlaban, siguro hayaan na lang kung anong mangyayare sa kanya. Tatanggapin na lang niya ang masaklap na kapalaran nya.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

Hapon na ng muli sya magising. Maliligo na lang sya para may magawa. Habang naliligo, biglang sumagi sa isipan niya ang nakakaakit na katawan ni Zeki. Ang itsura nito na nakatapis lang ng puting tuwalya.

Pinilig niya ang ulo at tinapat ang mukha sa ilalim ng shower. No! Nahihibang kana Eden! Wag kang magpapaakit sa demonyo! No!

Nagdasal siya..pero... shit! hindi pa rin mabura ang katawan ng binata sa isip nya. Bakit ba ganito?!

Nasa malalim siya pag-iisip nang bigla siya natigalgal ng bumukas ang pinto ng banyo. Tumili siya. Si Zeki!

Napaupo siya at niyakap ang tuhod nya upang matakpan ang hubad niya katawan. Kita niya tumayo ito sa harap ng bathroom sink at naghimalos. Hingal na hingal ito. Kita sa mukha nito ang pagod.

Hindi siya umimik. Nakatunghay lang siya kay Zeki. Nakikiramdam.

Ilan sandali pa ay napaupo ito sa tiles sapo ang ulo.
Sumasakit ba ang ulo nito? Nang akma siya tatayo, nagulat sya ng bigla na lamang ito humiyaw ng malakas. Tila dumadaing sa sakit ng ulo.

Hindi na sya nag-atubiling kunin ang pain reliever sa likod ng salamin. Nung isang araw niya nakita na meron medicine kit doon at may mga gamot din.

Nilapitan nya si Zeki.

"Here--inumin mo 'to gamot. Pain reliever."
malumanay niya sabi. Umangat ang tingin nito sa mukha niya....hanggang sa bumaba ang tingin nito sa buong katawan nya.

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now