KABANATA #15

771 45 4
                                    

--Eden--

Nakatulogan na niya ang pagpapahinga, nang maalimpungatan siya ay madaling araw na. Sumulyap siya sa maliit na alarm clock sa gilid ng kama. Alas-tres na ng umaga. Mag-isa lang siya sa silid kung saan siya dinala ng assumerang babae. Asan kaya si Zeki? God, Eden! Bat hinahanap mo? Feeling asawa na ba? umiling-iling siya. Eto na ang oras na para gumawa ng paraan makatakas.

Marahan siya lumabas ng silid. Sinasadya niya maglakad ng walang ingay. Luminga-linga siya. Tahimik at walang katao-tao. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng hagdan.

Nang makababa may naulingan siya ingay mula sa labas. Tunog ng sasakyan. Bigla niya nahigit ang paghinga. Kailangan niya mag-ingat.

Napansin niya may isang pinto na nakaawang na madadaanan niya. Dala na rin ng curiosity niya, sumilip siya. Ganun na lang ang gulat niya ng makitang nakadapa si Zeki sa isang kama, hubad ang pang-itaas nito pero nakasuot pa rin ito ng pantalon at sapatos. Subalit mas kinagulat niya na hindi ito nag-iisa sa kama, may kasama itong babae. Ang assumerang babae. Wala ito kahit isang saplot sa katawan habang nakayapos kay Zeki na natutulog ng nakadapa.

Hindi niya alam kung bakit parang nanikip bigla ang dibdib niya. Tila nauubosan siya ng oxygen sa baga. Kung normal lang na mag-asawa sila, sinakmal na niya ang babae...pero hindi, hindi sila normal. Walang kahit katiting na pagmamahal sa pagitan nila. Walang saysay ang kasal nila para sa kanya.

Sasamantalahin niya ang pagkakataon na ito para makatakas. Nang tuluyan makalabas ng warehouse kaagad niya nakita ang nakaparada na maliit na truck. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, mabilis siyang sumampa sa likod ng truck. Mabuti na lamang at wala pa ang driver ng truck. Yumuko siya upang hindi siya makita. Maraming kargang basket ng prutas ang likuran ng truck. Wala siya ideya kung saan ang tungo ng truck pero bahala na, ang mahalaga makalayo siya kay Zeki. Makatakas siya.

Lumipas ang ilan minuto, naramdaman niya ang pagsakay ng driver at pinaandar na ang sasakyan. Sa di malaman kadahilanan nakaramdam siya ng kaba. Nagdasal siya na sana makatakas siya.

Nakahinga siya ng maluwag dahil tuluyan ng nakalayo ang truck sa warehouse.
Bumaybay nang halos isang oras mahigit ang sasakyan hanggang sa huminto ito.
Sumilip siya. Nanlaki ang mga mata niya dahil nasa palengke na siya. Maraming mga tao. Oh god! I made it!

Mabilis siya tumalon mula sa likuran at tumakbo ng mabilis. Basta tumakbo siya hanggang sa di na niya matanaw ang truck. Hingal na hingal siya.

Lumapit siya sa isang karinderya. Isang matabang babae ang kaharap niya.

"Pwede ko po ba malaman san po ang sasakyan pag mag barko po pabalik ng manila?"

May dala siyang pera na nakaipit sa bulsa ng short niya. Bago pa lang sila umalis ni Zeki sa Hacienda, kumipit siya ng pera sa wallet nito habang nasa banyo ito.

Kumuha siya ng limang libo. Hindi niya mabilang kung ilan libo ang nasa wallet ni Zeki..hindi naman nito napansin.

Mas maigi ng may dala siyang pera. Sasakay na lang siya ng barko kesa sa airport mas madali siyang masusundan ni Zeki dun.

Tinignan muna siya ng babae bago may kinausap na lalaki. Nagsalita ang mga ito ng bisaya. Hindi niya maintindihan ang usapan ng mga ito saka sumulyap uli sa kanya.

"Eto pamangkin ko sa pier nagta-trabaho, kung gusto mo sumabay ka sa kanya? San ka ba galing ineng?"

ani ng babae sabay tukoy nito sa lalaking kausap.

Nagliwanag ang langit para sa kanya dahil sa narinig.

"Taga-maynila po ako." maiksing sagot niya.

Pinapasok naman siya ng babae sa loob ng karinderya.

"Ganun ba. Sige mabuti pa'y sumabay ka na lang sa pamangkin ko. Kaso matagal ang byahe sa barko, tatlong araw. Eroplano ayaw mo? Dalawang oras lang nasa maynila kana.---Kaen ka muna"

lintanya ng babae sabay alok sa kanya ng makakaen.

Hindi siya tumanggi dahil gutom na rin siya. Mayamaya nagsalita ang pamangkin nito.

"Alas siete ng umaga ang unang byahe. Isasabay na kita dahil diretso pasok na rin ako. Naka-motor ako kaya mabilis tayo makakarating sa pier."

wika ng lalaki.

Mukha naman mabait ito kaya tumango na lang siya at pinagpatuloy ang pagkaen.

Nang matapos kumaen. Sumabay na siya sa lalaki. Nagpasalamat pa siya sa babaeng napagtanungan. Mabuti na lang talaga at may saktong maghahatid sa kanya sa pier. This is it Eden! You're free. Once na makauwe siya ng manila, magtatago siya. Tama. Kailangan niya magtago ng husto.

Thirty minutes ang tinagal ng byahe nila. Naka-angkas siya sa lalaki. Jason pala ang pangalan. Nasa pier na sila. Maaga pa pero marami ng tao sa waiting area.

"Doon ka bumili ng ticket mo. May bilihan naman ng pagkaen sa barko. Three days ang byahe mo diyan."
usal ni Jason.

"Maraming salamat." marahan siya ngumiti dito at nagtungo na sa bilihan ng ticket. Nagpaalam na rin si Jason sa kanya.

Tahimik lang siya nakaupo sa waiting area. Palinga-linga. Alas siete pa ang byahe. Pinagdadasal niya na sana hindi pa malaman ni Zeki na tumakas siya. Kung sakali man malaman nito, nakasakay na siya ng barko. Malayo na siya.

Nagtawag na ng mga pasahero upang umakyat na sa barko. First time niya rin ito sasakay ng barko. Jusko! Lord, ikaw na po bahala sa akin. Dasal niya sa isip niya.

Nakasakay na siya sa loob. Huminga siya ng malalim. Pinili niya ang tourist class ticket. May mga double deck na kama ang nadoon.

Maayos at malinis ang mga kama, may kurtina din bawat kama. Sa itaas at ibaba ng double deck. Pinili niya ang sa ibabang part ng kama.

Humiga siya at hinawi ang kurtina dahil nagsisimula ng dumami ang tao. At tuluyan nang naglayag ang sinasakyang Ferry.

Nagsimulang pumatak ang luha niya. Sa lumipas na isang buwan. Sa wakas. Malaya na siya.

Mariin siya pumikit sabay punas ng luha. Mas mabuti pa siguro mag ikot-ikot siya at bumili ng makakaen.

Meron pantry doon. May mga lutong ulam. Biscuits, crackers at iba pa. Habang namimili siya nanlaki ang mata niya ng makilala ang isang lalaki palinga-linga sa paligid.

Nakita pa niya nagtungo ang ito sa Mega Value Class na mga deck tila may hinahanap. Si Zeki! Oh god! Bakit siya nandito?! Pano nangyare yun! No!

Hindi na niya natuloy ang pagbili ng pagkaen. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya nasa suspense movie siya na kailangan niya tumakbo at magtago.

No! this can't be!

◥◣‸◢◤

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora