Kabanata #13

885 44 1
                                    

--Zeki--

"So, totoo nga. Ikaw buhay pa, Mr.White," 
wika ng matandang intsik na nakatayo sa labas ng gate ng hacienda.

Pansin niya nagulat ito ng makita siya, pero nagawa pa rin nitong ngumiti kahit mukhang naaasiwa.

Sumulyap siya sa mga tauhan nito na nasa likuran lang.

"You shot one of my men, wala bang doorbell sainyo?"
paismid na sabi niya.

Hindi siya nakadama ng kahit anong takot sa presensiya nito bagsuk parang ito pa ang natakot ng makita siya.

Pagak ito natawa at marahan lumapit sa kanya.

"I think--you stole something for me. Tsk--you know, Mr. White. Malaki ang nalugi ko sa huling transaction natin."
pabulong na saad ni Mr. Wang.

Napakunot-noo siya dahil sa sinabe nito.

"The last time I checked--you sabotage me, you took all of my guns and my fucking gold bars. Are you shitting me, Mr. Wang?"
matalim niya anas ng inilapit niya ang mukha sa kausap.

Tila namutla ito sa sinabe niya.
"W-What are you talking about? Wala akong nakuhang mga baril saiyo! Kaya binawe ko lang ang pinambayad ko saiyo. Kulang pa nga ang gold bars."

"That's bullshit!!" bulyaw niya.

Maagap naman ang mga tauhan ni Mr. Wang, kaagad nagtaas ang mga ito ng baril. Ganun din ang mga tauhan niya sa paligid ng gate.

Ang sabi ni Uncle Marcelo, sinabotahe siya ni Mr. Wang at ng mataas na opisyal ng bansa. Ngunit, iba ang sinasabe ng kaharap niya.

Kung ito nga ang sumabotahe sa kanya, hindi ito maglalakas loob magpakita sa kanya at kausapin siya.

Nawalan lang siya ng memorya pero hindi pa siya bobo para hindi maisip na may mali.

"I told you, its true. Mr. Sanjeras and I, lost almost half a billion because of our failed transaction. Wala kami kuha baril. Nagkulang pa gold bars. And, we all thought that you are dead already."

lintanya ng matandang intsik na ito.

Huminga siya ng malalim.

Mukhang naging palaisipan sa kanya kung sino nga ba ang sumabotahe sa kanya.

"If that so, then let's make a deal--ibibigay ko ang mga baril gaya ng napag-usapan at ibabalik nyo sa akin ang iba pang gold bars,"
ani niya rito.

Nag-isip muna ito ng ilan segundo bago tumugon.

"No problem. But--you also promise to us, that you'll help Mr. Sanjeras to be the President of this country. Malaking pera ang nakataya rito, Mr. White"

"What promise?" balik tanong niya.

"You will kill the President."
malamig na sagot ni Mr. Wang sa kanya.

Blanko ang mukha niya. Patayin ang President ng bansa?

Nang sa gayon si Vice president Mr. Sanjeras ang papalit sa pwesto. Magiging maluwang ang paglabas pasok ng illegal business bansa kung ito ang magiging president.

Kung tutuusin wala naman siya pakialam. Ang mahalaga sa kanya. Malaman kung sino ang totoong kalaban niya. Tumango siya.

"Assassination of the President of the Philippines is never been so hard. Gimme time. Just send the remaining gold bars that Mr. Sanjeras have--and I'll make sure, he'll get what he want,"
seryosong saad niya.

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now