Kabanata #18

767 38 5
                                    

--Eden--

Hindi niya akalain hahaba ang tulog niya. It feels weird, sobrang himbing ng tulog niya. No bad dreams at all. Nang akma tatayo, natilihan siya ng may mabigat na bagay na nakadagan sa hita niya.

Natuptop niya ang bibig ng ma-realized niyang nakayapos sa kanya si Zeki habang nakadantay ang isang binti nito sa kanya.

Isang malalim na paghinga ang ginawa niya habang dahan-dahan inaalis ang binti nito. Dinig pa niya ang mahinang paghilik nito, tanda na mahimbing ito natutulog.

Marahan din niya inalis ang braso nito nakayakap sa beywang niya. Ayaw niyang magising ito.

Maingat na pumaling siya ng higa paharap kay Zeki.

Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito.

Masuyong hinawi niya ang ilan hibla ng buhok na nakatabing sa noo ni Zeki. Inalis niya ang tali ng buhok nito. Gumalaw ito at muli siyang niyapos palapit.

Nanigas siya. Literal na tumigil ang paghinga niya. Nanatiling mahimbing pa rin ang tulog nito.

Napalunok siya, halos magdikit na ang mukha nila. Natutuliro ang isip niya dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib niya. She feels her chest will explode anytime. What's wrong with me?

"You're confusing me-- Zekiel White Devin. Ano bang plano mo talaga sa akin?" pabulong na sambit niya habang nakatitig sa asawa.

Nang makatayo at buksan ang pinto ng Cabin. Dama niya agad ang malamig na simoy ng hangin.

Madaling araw pa lang pala. Nagtungo siya sa pantry.

Bumili siya ng kape. Napag-alaman din niya dalawang araw lang pala ang byahe ng barko patungo maynila ibig sabihin bukas ng umaga nasa maynila na sila.

Ilan minuto lumipas ay bumalik na uli siya sa Cabin room.

Nang makapasok labis ang pagtataka niya dahil wala na sa kama si Zeki.

Pero mabilis nawala ang pagtataka niya ng bigla ito sumulpot sa likuran niya, nagtaas baba ang dibdib ni Zeki. Nakalugay ang hanggang balikat na buhok nito.

"W-Where the hell did you go?" hinihingal na tanong ni Zeki at madilim ang anyo nito.

"Nag--kape?" kimi niyang tugon.

"Shit! Can you please stop doing this?!!"
singhal nito sa kanya. Kumunot ang noo niya. Di niya ma-gets.

"S-Stop what? Masama bang magkape?"
ayaw niyang mainis pero malapit na talaga siyang mainis.

Napasabunot ito sa buhok at malakas na sinara ang pinto.

"I thought--Oh jeez! Magsabi ka naman, hindi yun bigla ka na lang nawawala." tulirong wika ni Zeki.

Ah nakuha na niya. So, inisip pala nito tumakas siya uli.

"Natutulog ka kanina. What do you expect me to do?Gisingin ka bago ako magkape?Kailangan ba, bawat kilos ko alam mo?--" bahagya na tumaas ang boses niya.

"Oo!! Dapat alam ko!" singhal nito.

Tumaas ang kilay niya. Hindi talaga niya matantiya ang ugali nito.

"That's too much! Ni--hindi ko nga alam kung ano i-aakto ko o anung sasabihin ko sayo. Kinasal nga tayo pero pangalan lang ang alam ko sayo! you're so unfair! pumayag ako sa gusto mo, sana bigyan mo rin ako ng laya gawin yun mga bagay na gusto ko! Nakakasakal ka. Nakakatakot ka."
nagsimula na naman mamasa ang mga mata niya.

"Damn it!" mahinang mura ni Zeki.

Mabilis na lumapit ito sa kanya at walang babalang kinabig siya nito at siniil ng halik. Zeki pinned her against the door.

Zeki kiss her with frustration, anger and something else she couldn't name.

Unti-unting nadadarang siya sa ginagawa nito..binuka niya ang bibig upang bigyan ng laya ang dila nito.

Napaungol siya dahil nag-iba ang galaw ng labi ni Zeki, his lips were tender, gentle yet demanding.

She groaned. Tuluyan na siyang nagpatangay sa agos.

Tila walang katapusan ang halik na iyon. Ramdam niya ang paghapit ni Zeki sa beywang niya upang lalong magdikit ang katawan nila.

Oh god! Nagsisimula nang mag init ang buong katawan niya. Kinapit na niya ang mga braso sa batok nito.

Lulong na lulong na siya sa kakaibang init na hatid ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan siya nito pakawalan.

"Now--tell me. Are you still scared?" he said it softly.
Parehas sila habol ang paghinga.

Hindi siya makahuma. Wala siyang masabi. Nag init ang mga pisngi niya at kiming yumuko.

"Akala mo ba ikaw lang ang takot? I'm also scared of you,"

naningkit ang mata niya. Sa akin? Huh?

"--natatakot akong mahulog sa'yo," anas ni Zeki habang hinahaplos ang buhok niya.

Daig pa niya na engkanto dahil sa narinig.

Tumigil ata sa pag circulate ang mga ugat niya kaya parang tumigil sa pagtibok ang puso niya. Her world stopped for a second. She couldn't believe it.

Narinig niya ang buntong hininga nito saka lumayo at bumalik sa kama.

"Pagbalik natin ng Manila, ilalabas kita..gusto mo ba mamasyal?" tipid na ngumiti ito at prenteng nahiga uli ginawa nitong unan ang isang braso.

Tumikhim siya bago nagsalita.
"Date ba ang tawag sa ganun?" painosenteng tanong niya. Bahagya siya lumapit sa may kama.

"I don't know--nagrereklamo kang di mo pa ako kilala. So, let's start with getting to know each other right? Who knows--baka ikaw pa mag suggest na i-extend ang 100 days," nakangising sabi nito sabay kindat sa kanya.

Umiling siya. "Not gonna happen--"

He just shrugged. "We'll see about that."

Naupo siya isang upuan habang nakatingin kay Zeki na nakapikit na uli.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. Ngayon medyo nauunawaan niya. Ayaw man niyang aminin tila may banayad na hatid yun sa damdamin niya. Ang isipin na may nararamdaman para sa kanya ang binata.

Eh ikaw Eden? Anung status niya sa puso mo?

Pinilig niya ang ulo. Malabo. Hindi niya hahayaan makapasok ito sa puso niya. Oo, attracted siya rito pero yun lang 'yun wala ng mas malalim pa dun.

Kailangan niya bumalik sa nakasanayan niyang buhay. Magulo ang mundo ginagalawan ni Zeki, alam niya iyon. Hindi siya bobo para di malaman kung ano klaseng kalakaran ang ginagawa nito.

Mas okay na siya sa tahimik niyang buhay. Sana lang talaga tumupad sa usapan si Zeki, tutal ito naman ang nagsabi.

100 days...countdown start now....

◥◣‸◢◤

Eden & Zeki ♡♡♡

Eden & Zeki ♡♡♡

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now