KABANATA # 3

943 47 0
                                    

--ZEKI--

Napabalikwas siya nang bangon. Nagtaas baba ang paghinga niya. Sa tanan ng buhay niya, ngayon lang siya nanaginip ng masama. Napailing siya.
Siya mananaginip ng masama? Fuck!

Napadaing siya nang biglang kumirot ang ulo niya. Parang binibiyak sa sakit.

Inilibot niya ang paningin sa buong sulok ng silid. Nasaan nga ba siya??

Masakit ang katawan niya ngunit pinilit pa rin niya bumangon at nang pilitin niya tumayo...nakaramdam siya nang matinding pagkahilo. Puta !

Napahawak siya sa ulo niya. May sugat siya? Hindi niya alam kung ano ba ang nangyayare sa kanya.

Nasa malalim siya pag-iisip nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang lalaki.

tumaas ang kilay niya. Sino to?

kahit di niya kilala ang taong nasa harapan niya, wala siya nadama takot man lang.

"Mabuti naman at nagising ka na."

Umingos siya. "Sino ka ba? Nasaan ako?"

Halata sa itsura nito nabigla ito sa tanong niya. Pinakatitigan siya nito. Naningkit ang mga mata niya. Bingi ba to? Malabo ba ang tanong niya?

"Marcelo Mercedes Devin. Your uncle. Daplis lang naman ang sugat mo sa ulo, siguro sanhin yan ng pagkabagok ng ulo mo ng malakas... Kilala mo ba kung sino ka?"

hindi niya gusto ang tabas ng dila ng matandang 'to. Masyadong maangas.

"I'm --I'm....."

nasa dulo na ng dila niya ang sagot...shit! ano nga uli ang pangalan niya? shit !

huminga siya ng malalim at kinalma ang isip. Lumipas ang ilan segundo wala siya makuhang sagot sa utak niya!!! Hindi niya alam ang pangalan niya!! Bobo!

"You are Zeki. Zeki White Devin. My nephew. "

binalingan niya uli ang matanda.

Pamilyar sa kanya ang Zeki. Baka nga iyon ang totoong pangalan niya.

"Naaksidente ba ako? Paano at pwede paki-explain ng buo. Ayoko ng putol-putol nakakabagot pag utay-utay ang pag kwento."

masungit niya wika.

Medyo nagtataka rin siya sa inaasal niya at sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Halatang iyon ang normal na pagsasalita niya.

"Mga kalaban sa negosyo. Sinubukan ka nila patayin habang nasa isang transaksyon ka. Mabuti na lang at kaagad ka natulungan ng mga tauhan ko at naidala ka rito. Sa madaling salita, niligtas kita at may utang na loob ka sakin."

Parang may kakaiba sa sinabe nito. Hindi pa niya mawari kung anong mali.

Napabuntong hininga siya.

Nagkibit balikat at nahiga uli siya.

"As you can see--I'm weak and useless. Saka kana maningil. Wala akong pera."

pinikit niya uli ang mata.

May utang siyang babayaran kaya itutulog na lang niya muna. Magpapalakas siya muna.

Naramdaman na lang niya lumabas na ng kwarto ang matanda.

Good, wala ako sa mood makipag-usap sa ngayon. Gulong-gulo ang isip niya.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

Nang magising siya madilim na ang paligid. Sinubukan niya uli tumayo. Marahan ang bawat galaw niya.
Nang tuluyan siya makarating sa pinto, kaagad siya lumabas ng silid.

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now