KABANATA 37

729 33 2
                                    

--Zeki--

KINAUMAGAHAN balak niyang lumuwas upang sunduin si Eden sa Hospital. Pero natigilan siya ng makita sa kusina si Zephyr, tahimik na kumakaen ng almusal.

Inaasikaso naman ito ng maid na si Aling Susan. Lahat ng tauhan at maids ng Uncle niya ay wala na. Mga bago ang maids sa Hacienda.

"Magandang umaga Sir Zeki--pinakaen ko na po si Zephyr. Mag kape po ba kayo?"

Tumango siya saka umupo sa katabing stool ni Zephyr. Kakaiba talaga ang batang ito, may ibang bata kasi na maingay at iyakin sa umaga. Ngunit, kabaligtaran si Zephyr.

"May gusto ka pa ba kainin?--"
tanong niya. Inilapag naman ni Aling Susan ang black coffee habang si Zephyr kumakaen ng egg sandwich at cereal.

Nilingon siya nito at tumango.
"Gusto ko po ng ice cream at donuts--"

He smiled. Typical kid. Ice cream and donuts.
"S-Sure. Gusto mo lumabas? Bibili tayo ng ice cream and donuts" pang aaya niya sa bata.
Kita naman sa kislap ng mata nito ang kasiyahan.

"Y-Yes. Gusto ko po!"
masiglang wika nito.

Natawa siya ng marahan. Why I feel overjoyed when I saw him happy?
Nailing na lamang siya.

Mayamaya pa ay nag utos siya kay Toto na sunduin sa Maynila ang asawa. Nag utos din siya kay Pedro na lalabas sila ni Zephyr, sa grocery store ang punta nila.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila ni Zephyr sa supermarket.
Nagturo pa ito na sumakay sa isang car trolley. Natawa siya. Hindi niya sukat akalain na magagawa nyang magtulak ng trolley car. Tuwang-tuwa si Zephyr habang mabilis niyang tinutulak ang trolley. Panay ang tawa nito na ikinatawa rin niya. Oh my--this kid is something.

"Ang cute nyo naman mag-ama"

Natigilan siya ng may magsalita. Isang may edad na babae. Kumaway pa ito kay Zephyr at ngumiti.
Mag-ama? Yeah, para nga silang mag-ama kung titignan. He actually like it. He don't know why but those words makes his heart flit.

Nasa counter na sila ni Zephyr upang bayaran lahat ng pinamili nila. Buhat-buhat na niya ito dahil bigla ito inantok. Inabot na kasi sila ng tanghali. Habang inaantay na madala ang lahat ng pinamili sa kotse. Nabigla siya ng biglang pumalahaw ng iyka si Zephyr.

Kinabahan siya. He don't know what to do. Umiiyak pa rin ito habang buhat niya. Anong gagawin niya?
Tumingin siya sa tauhan na si Pedro.

"Tumawag ka ng doctor at papuntahin mo agad sa Ha--"
naputol ang iba pa niyang sinasabe ng may magsalita. Customer din na nakatayo di kalayuan sa kanila.

"I-hele mo 'yang anak mo--"

What in the world is that? Hele?

"B-Boss--isayaw sayaw mo ng dahan-dahan tapos kantahan mo"
wika ni Pedro na parang nag aalinlangan magsabi.

Naningkit ang mga mata niya.
Isayaw? Kantahan?

Napapiksi siya ng lalo lumakas ang iyak ni Zephyr. Napikit pa rin ito habang umiiyak.
Naglakad na siya patungo sa sasakyan.
Dadalhin na lang niya siguro ito sa Hospital baka dun alam nila kung paano mapapatahan ang bata.

Natigilan siya ng akmang ihihiga ito sa backseat mas lalo ito umiyak at ayaw bumitaw sa kanya. Oh jesus!

Huminga siya ng malalim.
Okay fine. Inayos niyang muli ang pagbuhat kay Zephyr at walang pakundangan sinayaw-sayaw niya ito ng marahan habang tinatapik ng magaan ang likod nito.

Wala na siyang pakialam kung nakatingin sa kanya ang ibang tao na nasa parking lot at ang driver niya na parang gulat na gulat na sumasayaw siya. Gusto niyang matawa sa sarili. Abnormal na ba siya? Dahil nagugustuhan din niya ang ginagawa.

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu