Kabanata #17

750 47 6
                                    

--Eden--

Mabilis na tumakbo siya. Naghanap siya ng pwede niyang pagtaguan. Oh God! Hanggang sa makarating siya sa upper deck ng barko.

Lahat ng cabin ay nakasara hanggang sa isang cabin room ang nakabukas at wala pang tao sa loob. Pumasok siya at nagtago. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Buong akala niya makakatakas na siya kay Zeki.

Bakit ba ayaw umayon sa kanya ang tadhana?! Bakit ba lagi siya nakakaranas ng hirap?! Naiiyak na siya. Suko na talaga siya.

Huminga siya ng malalim hanggang sa napatili siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto dahil sa malakas na pwersang para bang sinipa pabukas ang pinto.

Nasa likuran siya ng pinto kaya labis talaga ang pagkabigla niya. Pero mas kinagulat niya na si Zeki ang taong pumasok sa loob. Oh No! No!

Yumuko siya. Nanginig siya sa takot. Madilim ang anyo ng mukha nito. Alam niyang galit ito.

"Ginalingan mo talaga ang pagtatago--akalain mo dito ka pa nagtago? I'm going to kill you, Eden!! I swear!" matalim na bulyaw ni Zeki sa kanya.

Mas lalo siya nanginig sa takot. Marahas na hinawakan siya nito sa magkabilang braso. Napaigik siya sa sakit. Malakas na tinulak siya nito sa kama saka kinubabawan siya.

Lalo siya naiyak. Walang humpay ang paghikbi niya. Sobrang lapit ng mukha ni Zeki sa mukha niya. Amoy na amoy niya ang hininga nito na amoy alak.

"Shit, Eden!" narinig niya mahinang mura nito, pero patuloy pa rin ang pagluha niya. Iniwas niya ang mukha palihis, nang marahan nito pinunasan ang pisngi niya na basang-basa na ng luha.

Hinawakan ni Zeki ang baba niya upang magpantay sa mukha nito. Masuyong idinikit nito ang noo sa noo niya.

"I just--can't let you go. I--actually don't know what to do, akala ko hindi na kita makikita." bulong ni Zeki.

Medyo nabigla siya sa sinabe nito. Hindi niya matantiya ang ugali nito, kung kanina galit na galit ang anyo at boses nito. Ngayon naman sobrang malamyos ang boses nito.

Seryoso ang mukha nito nakatitig sa kanya. Ewan ba niya pero nahinto siya sa pag-iyak. Bakit ba parang lalo gumagwapo si Zeki sa paningin niya? Oh shoot Eden! Talagang iyan ang naiiisip mo ngayon?

Nanlaki ang mata niya ng bigla na lang sinakop ng labi ni Zeki ang labi niya. Nanigas siya dahil sa malakas na kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya. Oh no! Eden pumalag ka wag kang ano!

Hindi siya makahuma. Lumayo ang mukha ni Zeki ng kaunti ang tumitig uli sa kanya.

"You really hate me that much?"
bakas sa mata nito ang lungkot ng magtanong. Napalunok siya.

"You're a beast--sa tingin mo ba madali sa akin tanggapin lahat ng nangyayare?! you think I'll accept you being my husband with open arms?huh? Pag nagsawa ka na alam kong papatayin mo rin ako! I don't know you..gusto ko ng umuwe! may sarili akong buhay, may trabaho ako. Hindi ako ibon na lagi na lang nakakulong! I hate you! I hate you!"
lintanya niya kay Zeki sabay hampas sa dibdib nito.

Binuhos niya lahat ng nararamdaman sa paghampas at suntok sa dibdib nito.

Walang katinag-tinag si Zeki na nasa ibabaw pa rin niya. Hanggang sa umalis ito sa kama. Tumayo ito at nakatunghay sa kanya.

"100 days..." blankong nakatitig ito sa kanya.

Ano raw? 100 days?

"stay with me for 100 days...after that you're free to go. I'll also file an annulment after 100 days--just 100 days. Can you do that?"
sinuklay ni Zeki ang mga daliri sa buhok nito.

"Hindi mo ko papatayin?" mahinang bigkas niya at umayos sa pagkakaupo sa kama.

"I should've kill you--but I can't. Sana naisip mo, kung papatayin kita--bakit pinakasalan pa kita?" naiiritang sambit nito.

Eto na naman, nag iiba si Zeki. Galit turns to Malambing to No reaction to Masungit. Napabuntong hininga sya.
Naisip na rin naman niya iyon, na brain wash lang siguro siya ng malditang maid nito.

Inisang hakbang ni Zeki ang pagitan nila. Niyakap siya nito. Magaan ang pagkakayakap ni Zeki.

"can you stay with me for 100days?hmm? promise--hahayaan na kita. hinding-hindi mo na ako makikita pa after that. Pwede bang akin ka lang sa loob ng 100 days?" lumambot ang boses nito.

Nakasubsob ang mukha ni Zeki sa leeg niya.

Wala sa sariling napatango siya.
Are you crazy, Eden?!

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Hinaplos nito ang pisngi niya.

"Wag ka ng tatakas okay? kung gusto mo lumabas--papayagan kita pero may kasama kang lalabas pag wala ako. Oras na tumakas ka."

"Hindi na ako tatakas basta ba tutupad ka sa pangako mo, na hahayaan mo ko matapos ang 100 days."

mabilis niya putol sa sinasabe ni Zeki. Totoong hindi na siya tatakas, mabilis lang ang 100 days basta ba may isang salita ito.

"I maybe a beast but I'm a man of my words."

Marahan siya tumango. Kung ganoon, maniniwala siya rito.

Nabasag ang katahimikan sa loob ng cabin ng tumunog ang cellphone ni Zeki. Sumulyap muna ito sa kanya bago lumabas.

"Stay here."

Nang makalabas ito. Tumihaya siya ng higa sa kama. Tama ba ang naging desisyon niya? Gulong-gulo na talaga ang isip niya dahil kay Zeki. Pero isang bagay lang ang na realized niya, hindi siya kayang saktan ni Zeki.

Nakaramdam siya ng antok at pagod. Sino bang hindi mapapagod dahil sa ginawa niyang pagtakas?
Napahikab siya. Binalot niya ang sarili ng makapal na comforter. Pinikit niya ang mata at tuluyan ng dalawin ng antok.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

--Zeki--

"That's piece of cake to me. No problem."

wika niya sa kausap sa cellphone. Si Vice president Sanjeras.

Isasagawa niya ang plano assassination sa Presidente matapos ang 100 days. Susulitin na muna niya ang kahibangan niya para sa asawa.

Sapat na siguro ang isang daang araw para matapos ang kabaliwan niya rito. Huminga siya ng malalim ng natapos na ang tawag.

Nang makita niya si Eden na umiiyak kanina parang yelong natunaw lahat ng galit niya. Gumaan ang pakiramdam niya ng mayakap ito.

Nakaramdam talaga siya ng pangamba ng bigla ito tumakas. Napailing siya. This is not healthy Zeki.

Pumasok siya sa inookupahan na Cabin room. Naabutan niya mahimbing na natutulog si Eden.

Masaya siya na pumayag ito sa kondisyon niya. Marahan niya hinaplos ang pisngi nito.

Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing tinititigan ito? Feeling niya matagal na niya ito kilala...he sighed.

Aaminin niya na apektuhan siya sa mga sinabe ni Eden.

He's a beast. A bad man. A killer. A certified son of evil.
Eden hate me.

Kung iba lang ang nagsabi noon, wala siya paki baka matawa lang siya pero masakit dahil si Eden mismo nagsabe kinamumuhian siya nito. Fuck! What happened to you Zeki?! Don't tell me you starting to fall for her? This is bullshit!

Maingat siya nahiga sa tabi ni Eden. Nakabaluktot ito ng higa paharap sa pader.

Niyakap niya ito mula sa likuran, subsob ang mukha sa mahabang buhok nito ang isang braso niya nakayapos sa beywang nito, dinantay rin niya ang isang hita rito.

He really like to cuddle her. Masarap sa pakiramdam pagyakap-yakap niya si Eden.

You're in deepshit Zeki. I'm dead. I think I'm falling---to her.

◥◣‸◢◤

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now