Kabanata #14

822 40 2
                                    

--Eden--

Nakahinga siya ng maluwag ng lumabas si Zeki. God Eden! Muntikan mo na isuko ang 'Bataan'.

Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang kontrolin ang sarili pag kasama si Zeki. Mali ito.
Hindi dapat ganito ang nararamdaman niya.

Masamang tao ito.

Napabuntong hininga siya at sumilip sa balcony ng kwarto. Tanaw niya si Zeki kasama ng ibang goons na nakatayo sa gate, kausap ang isang lalaki na may kasamang mga kalalakihan. Kutob niyang may kinalaman ito sa vault na kinuha ng asawa niya.

Asawa? Talaga ba Eden? So, payag ka na asawa mo siya?

Ipinilig niya ang ulo at muling nahiga. Walang saysay kung makipaglaban pa siya, kailangan niya makuha ang loob ng asawa. Nang sa gayon, mas mamapadali ang mga plano niya.

Nasa malalim siya pag-iisip ng plano ng bumukas ang kwarto. Isang may edad na maid ang pumasok, dala ang isang tray ng pagkaen.

"Kumaen na po kayo Miss White,"
usal ng matandang maid saka lumabas ng kwarto.

Miss White?? Pagak siyang natawa. Hindi niya mawari kung bakit iba sa pandinig niya ang sinabe nito. Sounds so powerful, pero powerless naman siya. Nakakapanghina.

Nakaramdam na siya ng gutom kaya kumaen na sya. Inip na inip na siya. Kailangan magkaroon siya ng opportunity na makalabas ng Hacienda upang magawa niya ang naiisip na planong pagtakas.

Bumukas muli ang kwarto at pumasok si Zeki. Dumiretso kaagad ito sa walk in closet, kumuha ng bag, kitang kita niya ang paglagay nito ng mga baril sa bag at isang pirasong tshirt. Nagtaka siya. Aalis na naman ba ito?

Napilitan siya magtanong. Sumagot naman ito.

"Sama ako--" mabilis niya saad. Tama! Sasama siya kay Zeki.

"Gusto kong sumama sayo. Tutal ayaw mo naman ako pakawalan..so, sasama na lang ako sayo."

Ilan segundo muna ito tumitig sa kanya. Nagmakaawa pa siya. Sinadya pa niya lambingan ang boses niya.
Kaya naman laking tuwa niya ng pumayag ito. Yes! Eto na ang opportunity!

Nagtanong siya kung saan sila pupunta. Medyo nabigla siya ng sa Davao ang tungo nila. Subalit mas maigi na rin yun, hindi pa siya nakakarating ng Davao. Mas malaki ang chance niya makatakas, makakahinge siya ng tulong doon. Tama. Ganon nga.

Naligo agad siya at nagbihis upang sumama kay Zeki. Wala pang isang oras lumarga na sila.

Nasa loob sila ng van. Si Toto ang driver, katabi nito sa passenger seat ang isa pang goons.

Nakaupo sila ni Zeki sa gitna bahagi ng van habang may tatlong goons pa na nakaupo sa likuran ng van. Naiilang siya at the same time kabado siya. Napahikab siya.

Napakislot siya, nang akbayan siya ni Zeki at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. Hindi na siya kumontra pa..lalo nang idantay ni Zeki ang isang kamay nito sa hita niya.

"You can rest first," malumanay na anas nito sa itaas ng ulo niya.

Napapikit siya, may hatid na kiliti sa buong sistema niya ang baritoneng boses nito. Tumango lamang siya.

Makalipas ang ilan oras na byahe nakarating na sila sa isang bayan sa Tarlac. Namangha siya ng pumasok ang van sa isang malawak na lupain. May nakasulat na sign 'Private property'. Napansin niya rin ang isang helicopter sa gitna. Wow!

Dagli siya napalingon kay Zeki.
"Don't tell me sasakay tayo diyan?"

Zeki just nod and shrug at her. Nakagat niya ang labi.

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now