KABANATA 31

655 35 1
                                    

--Zeki--

NAPABALIKWAS siya ng bangon dahil sa matinding pagkirot ng ulo niya.
Fuck!

Nang magmulat siya ng mata nasa isang pribadong silid na siya sa hospital. May pumasok na nurse at lumapit sa gawi niya.

"Mr. White-- antibiotics at pain reliever po." ani ng nurse saka itinusok ang gamot sa suwero niya."--wait lang po, tawagin ko lang po si Doc Eden, para malaman niya po gising na kayo."

Out of words, tumango na lang siya. Sinariwa niya ang mga nangyare. Naalala niya ang pagsabotahe sa kanila ng LA EME. Nabaril ang Hencher niya habang ang kambal niya na si Sacha ay nakatakas. Oh shit, Sacha!

Siguro naman ayos lang ang babaeng iyon.
Nang akmang tatayo sa kama, bigla naman pumasok ang isang babae na naka laboratory white coat. Hmmm, beautiful doctor.

"Z-Zeki--you okay? God! Akala ko hindi kana gigising."
sambit ng babaeng doctor saka yumakap sa kanya.

Nanigas siya sa gulat. Whoa! What is happening?

Nilayo naman kaagad ng babae ang katawan nito sa kanya. Hooo thank goodness!

"--you were unconscious for almost three months! wala naman naging problema sa ulo mo pero magra-random test pa rin tayo, just to be sure and I have to tell you something important, we have--"

tinaas niya ang kamay upang patigilin ito sa pagsasalita. Nakuha naman ng babae ang senyas niya kaya huminto ito. Nagtatakang nakatingin sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim.

"stop right there--are you really a doctor?"

tumango ito. Bakas pa rin sa mata nito ang pagtataka.

"So, is it normal for a doctor to suddenly hug and grab her patient? I don't think so. Who are you anyway?"
nakataas ang kilay niya nakatunghay sa magandang doctor. Nag aantay siya sa sagot nito.
Well, wala naman masama kung magyakap sila. Pinasadahan niya ng tingin ang babae. Maganda ito. Bagay dito ang maiksing buhok nito, she look seductress. Her lips, very captivating.
Her eyes, bewitching brown eyes. Dumako rin ang tingin niya sa katawan nito. Damn, so shapely and desirable.

Tumikhim ito.

Pilyo siyang ngumiti.
"Well?, Can you please introduce yourself to me? I might change my mind. I will let you hug me--"
He coquettish grin and wink to her.

"Y-Your memory is back. Ahm--I'm sorry for what I did. I'll be right back."

Mabilis na lumabas ng silid ang magandang doctor. Nahihiwagaan siya sa inakto nito pero nagkibit balikat na lang siya.

Sanay na siya sa mga babaeng gustong makuha ang atensyon niya.
Humiga na lang uli siya.

Yeah. I have to contact Hendrix first. Kailangan niya alamin kung buhay pa ito. May pumasok uli sa silid niya, this time nakilala niya agad.

"Taka? Hey--right timing. Please contact Hendrix for me and send a code message to Eagle. Tell him, I'm alive."

lintanya niya sa Japanese friend niya.
Si Fuji Taka. Isa sa mga Hencher ni Sacha.

"Hendrix is coming. I already told to Eagle what happened to you. And I will also tell to Sacha--"

"Nope. Don't tell her yet. Lemme handle Sacha. She will be furious for sure because I was missing in action for fucking three months and--"

"Six years and three months." sabad nito.

Lumalim ang gitla sa noo niya dahil sa sinabe ni Fuji.

"Pardon?"

"You went missing in action for FUCKING SIX YEARS AND THREE MONTHS to be exact."
madiin na wika ni Fuji. Seryoso ang mukha nito.

Kilala niya ito. Never ito nag joke..at never siya nito bibiruin.

Six years???

"I'm in comatose for that long?"

Umiling iling ito lumapit sa may paanan ng kama niya. Pinag krus ang mga braso sa dibdib nito.

"Six years ago--you lost your memory. I think its called retrograde amnesia. They shot you at the head though its minimal. You survived. For six years, you've been hiding with the help of King Yhsan and now--your untrustworthy Uncle of yours betrayed you. He is dead now. You--were unconscious for three months. Now, your memories back and fucking survived again."

paliwanag ni Fuji sa kanya.
Hindi siya makapaniwala.

"I'm speechless..What can I say? Bad people hard to die. Now, I'm back-- I will returning the favor. Payback time!"

determinadong saad niya.

Wala siyang ideya sa mga nangyare sa kanya sa loob ng ilan taong nawala ang memorya niya.

Nasisiguro niya lang na iiyak ng dugo si Judas Horquez oras na magkita sila.

Marami pa silang pinag usapan ni Fuji Taka. Hanggang sa magpaalam ito na may susunduin sa school.

Medyo nagtataka siya sa kaibigan. Subalit hindi niya na lang pinansin. Well, maraming nagbago at nangyare sa loob ng six years. Maaaring may pamilya na ang kaibigan. Hindi na lang siya nag usisa dahil pribadong tao si Fuji pagdating sa personal na buhay nito. Ang mahalaga lang ay nagagampanan nito ang tungkulin nito sa Pamilya nila.

At least nakahinga siya ng maluwag ng malaman niyang nasa White Fence si Sacha kasama si Noriko at ang Donovan brothers. As long as, her twin sister is not doing stupid things there is nothing to be worried about.

Muli siyang nagpahinga. Hinilot niya ang sintindo. Napalingon siya ng may pumasok na nurse uli.

"Nurse--Can I ask you? The doctor earlier, what's her name?"

Punong-puno ng curiosity siya sa babaeng doctor. Actually, she look somewhat familiar. Hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita.

"Si Doc Eden po ba?"

tumango siya habang nagtuturok ito ng gamot sa suwero niya at inayos ang dextrose.

"Ahm--Eden Faye Castrence po ata complete name ni Doc."

"Where is she now?"

may kung anong bahagi ng isip niya na nais niyang makita ang magandang doctor.

"Nakauwe na po Sir. Nakita ko sinundo siya, asawa niya po yata iyon"

Doon siya natigalgal.
She's married? What the?
Ang lakas ng loob yumakap sa kanya 'yun naman pala, kasal na ito.

Pagak siyang natawa. Damn!

Hindi niya akalain magkakaroon siya ng interest sa babaeng kasal na.

Sa lahat ng babaeng dumaan sa kanya, di niya lubos maisip na magkakainteres siya sa isang babaeng nakatali na sa iba. Fuck! Why did she hug me in the first place? Why she looked so worried about me? Did she know me?Argh!

Wait...her name.

I'm Eden Faye Castrence.. boses ng dalagang nakakuha ng atensyon niya sa unang pagkakataon.

For the first time, dama niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Habang nakatitig sa mga mata nito. I will cherish that name from now on...

⚈͒◡⚈͒ TBC.....

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon