KABANATA #4

903 50 0
                                    


--Eden--

"Sinungaling ka! Pakawalan mo na ako..ginawa ko na ang gusto mo, tinulungan na kita!!"

Naiiyak na sigaw ni Eden sa matandang Marcelo ang pangalan. Narinig niya tinatawag itong Señor Marcelo ng mga goons nito.

Ikinulong siya nito sa isang silid sa basement matapos niya operahan ang pamangkin kuno nito. Two weeks na siya naging bilanggo doon. Hirap na hirap na ang kalooban niya.

Araw-araw hinahatiran siya ng masasarap na pagkain. Pero madalang lang niya kainin ang lahat ng pagkaen ibigay sa kanya. Mahirap na baka may plano ito lasunin siya.

Ngiting aso ang nakita niya sa mukha ng Señor.

"Hindi ako tanga para hayaan ka pang makalabas dito, sa teritoryo ko. Nung araw na tumapak ka sa pamamahay ko..naging pag-aari na kita."

Nahindik siya sa sinabi nito.
Kitang-kita niya kung paano siya nito tignan ng may malisya. Hinaplos nito ang pisngi niya. Malakas niya tinabig ang kamay nito. Kinikilabutan siya.

"Patayin mo na lang ako!! dahil hinding hindi ako magiging pag-aari mo. Never!"

tumawa ang Señor ng nakakalokong tawa.

"Hmm--napakaganda mo.."

mahigpit nito pinisil ang magkabilang pisngi niya gamit ang isang kamay nito.
Inamoy nito ang leeg niya.

"---pagsasawaan muna kita bago kita patayin." mahinang wika nito at dinilaan ang pisngi at leeg niya.

Tumaas ang balahibo siya sa takot.

"Hayup ka!"
Nang akma niya ito sasampalin, nasuntok na kaagad siya nito sa mukha.

Natumba siya. Nalasahan niya sa bibig ang dugo niya. Dumudugo ang labi niya.

"Wala ka nang magagawa pa. Akin na ngayon"

Tumili siya, nang hinila siya nito pahiga sa single bed. Nagpupumiglas siya. Dinuruan niya ito sa mukha.

"Pota ka!" isang malakas na sampal ang ganti nito sa kanya. Sinipa siya nito sa sikmura ng maraming beses. Hanggang sa manghina siya.

Nahihirapan na siya huminga, pero panay sipa pa rin ito sa sikmura niya.

"Señor, tumawag na po si Mr. Horquez."

may nagsalita kaya huminto ito sa pagsipa sa kanya.

"Wag nyo papakainin itong babaeng na ito nang matuto. Bwiset!"

Mabilis na ito lumabas ng silid. Sumunod naman niya narinig ang paglock ng kandado.

Napapikit siya. Napahagulgol siya. Naaawa siya sa sarili niya. Mas nanaisin na lang niya mamatay kesa hayaan niya babuyin siya ng matandang hukluban na iyon.

Napahinga siya ng malalim. Napabaluktot siya. Nagdadasal na sana'y may himala at maligtas siya sa impyernong lugar na iyon.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

Naalimpungatan siya nang maramdamang may nakadagan sa ibabaw niya. Kaya ganun na lang ang gulat niya na may lalaking nakadagan sa kanya. Tinulak niya ito ng malakas at tumili.

"Ahhh!!! lumayo ka sa kin!!!"

Amoy na amoy niya ang amoy alak sa lalaki. Lasing ito.

Maya-maya pa ay may dalawa pang pumasok sa silid niya.

"Kakaalis lang ni Señor, mukhang matatagalan pa iyon makauwe. Tikman muna natin 'to. Tigang na tigang na ako.!" wika ng bagong dating na lalaki.

nanlalaki ang mata niya. No. No.!

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now