Kabanata #19

782 36 0
                                    

--Eden--

Napangiti siya habang nakatayo sa malalaking bato sa gilid ng dalampasigan. Napakatagal na nung huli siya nakapunta sa dagat.

"Careful, wifey..." mahinang ani ni Zeki.

Nang makabalik sila ng Maynila, tinupad nito ang balak na pamamasyal. Hindi niya akalain may private resort pala malapit sa Hacienda. Napakaganda at tahimik. Sobrang gaan sa pakiramdam pagmasdan ang asul na dagat.

Sumulyap siya kay Zeki, nakatunghay ito sa kanya.
"Ang ganda rito--" sambit niya.

"Gusto mo maligo?" kapagkuwa'y tanong nito.

"Wala ako pamalit na damit," ngumuso siya.

"Take your shirt off--and your short. Ako lang naman ang titingin." nakangising sabi nito.
Namula ang mga pisngi niya.

"A-Ayoko nga."

Nahihiya siya maligo ng naka- underwear at bra sa harap nito. Ang awkward pa kasi. Huminga siya ng malalim.

"W-Why not? May pamilihan tayong nadaanan kanina, gusto mo mamili? tapos balik tayo rito. Pwede tayo mag overnight dito--I can cook dinner." confident na sabi nito.
Maingat siyang bumaba mula sa malaking bato, inalalayan naman siya ng binata.

"Sounds like a plan--" hindi niya maiwasan mapangiti.

He shrugged and winked at her. "Let's go--anu ba mga favorite food mo? may allergies ka ba? Dislikes? Favorite color? You like music? Any talent that I should know? What do you prefer for a man--nice and sweet guy or bad and naughty guy? you know--I can be sweet but never being nice."
sunod-sunod na lintanya ni Zeki habang naglalakad sila patungo sa nakaparadang kotse nito.

Literal na getting to know each other talaga.

Hindi na niya natiis, natawa siya ng malakas. Habang ito tila na a-amaze na nakatingin sa kanya.

"W-Whoa! Isa-isa lang pwede?" wika niya sabay lulan sa loob ng kotse. Tumikhim siya bago muli nagsalita. "hmmm..I like japanese food. Wala akong allergy. Dislikes?--well, hindi ako masyado mahilig sa gulay."
Nagmamaneho na si Zeki at nakikinig sa sinasabe niya. "--I like color white. And, yes I do like music. Country songs. Unfortunately, wala ako special talent. All the things that I know, I learned it from my hardship. And for your last question--I prefer nice and sweet guy,"

bumakas ang disappointment sa mga mata ni Zeki ng bahagya sumulyap sa kanya ng marinig ang huling sinabe nya...pero hindi pa sya tapos magsalita..

"---in the morning and a bad slash naughty guy in the evening." she's smirking while looking at Zeki. Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito.

"I can do that--nice and sweet sa umaga. Bad and naughty sa gabi--do you mean something, wifey? just tell me--para makapag ready ako mamaya," pilyong sabi nito sabay pisil sa ilong niya ng marahan.

Napatirik siya ng mata at inismiran ito.
"Green minded mo!"

Pagak na natawa si Zeki.
"W-What? Me? Green minded? No, wifey..its natural of me, so get use to it."

Naningkit ang mata niya tumingin dito. "Basta wala akong ibig sabihin sa sinabe ko..wag mong bigyan ng kulay yun."

Ayaw niya lang na mag isip ito ng iba. Nakaramdam tuloy siya ng hiya. Baka kasi isipin nito nagbibigay siya ng motibo. Gusto lang niya mawala ang disappointment sa mukha nito at syempre gusto niya makita ang reaksyon nito.

Malakas na natawa ito. "If you say so."

Nakarating na sila sa pamilihang bayan. Parang mini divisoria iyon. Nakakatuwa. Kaagad siya pumasok sa isang stall ng mga damit. Kumuha siya ng ilang short at tshirt..ang cute ng mga shorts, meron din mga pajama na terno na iba't ibang kulay. Namili din siya ng mga bohemian dress.

BLACK & WHITE  [COMPLETED]Where stories live. Discover now