"Ang tahimik mo eh."

"Matagal na akong tahimik."

"Ang sungit mo ngayon, alam mo yun?" Puna niya.

"Bad mood lang ako ngayon kaya please, wag mo na akong badtripin pa." Sagot ko sa kanya.

"Di naman kita babadtripin."

"Eh di wag mo akong pagtripan ngayon. Maghanap ka ng ibang kausap." Pumasok na ako ng classroom namin at agad na tinungo ang upuan ko.

"Eh pano kung ikaw gusto kong kausap?"

"Bakit ba trip na trip mo ako ha?" Halos pasigaw na ang boses ko. "Utang na loob, Alec. Panalo ka na eh. Ano pa bang gusto mong patunayan?"

"Panalo? Anong panalo? Naglalaro ba tayo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag kang pilosopo."

Magkatabi kami ng upuan pero tinalikuran ko siya. Naiirita ako sa maganda niyang mukha ngayon.

"Sophie," Tawag niya ulit pero hindi ko na siya pinansin. Gusto ko lang ng katahimikan ngayong araw. Kahit ngayon lang, please.

"Sophie, three questions and then tatantanan na kita." Sabi ni Alec sa likuran ko. "Promise, di na kita kukulitin."

Naluluha na ako kasi gusto ko na matapos 'tong araw na 'to pero sige, para sa ikatatahimik ko, hinarap ko si Alec. "Ano ba yun?"

"Anong favorite color mo?" Poker face na tanong ni Alec.

Natigilan ako sa randomness ng question niya.

"Violet ba?" Turo niya sa bracelet ko.

Napatingin ako sa suot kong bracelet. Isa ito sa mga huling regalo sa akin ni Mama at simula noong pumanaw siya ay hindi na ako lumalabas ng bahay na hindi ko ito suot.

Tiningnan ko si Alec at marahang tumango. Hindi ko na lang pinansin na violet din ang mga mata niya.

"Vanilla or chocolate?" Karagdagang tanong niya.

"Alec, para saan ba yang tanong mo?"

"Pangalawang tanong ko na 'to. Sagutin mo na lang." Pautos niyang sabi.

Napabuntong hininga ulit ako. Sakyan ko na lang muna ang trip niya, titigil din 'to. "Chocolate."

"Lastly, give me a number." Tanong niya. "First number that comes to mind?"

"Twenty."

Ngumiti si Alec, yung ngiting nagpapalabas sa mga pangil niya at tumayo. Tinapik niya ako sa ulo at saka umalis.

"Hoy, san ka pupunta?" Tanong ko kasi parating na din ang professor namin.

"Aalis. Diba gusto mo ng katahimikan?"

Pinanuod ko lang siyang lumabas ng classroom. Anong trip niya? Wala naman akong sinabing umalis siya.

Dumating na nga ang professor namin at wala na akong nagawa kundi kalimutan ang biglaang pag-alis ni Alec.

Pagdating ng lunch break ay sa labas kami kumain nila Louisse. Gusto kasi mag-pizza ni Leone ngayon. Gusto ko sanang umayaw kasi hindi ko naman afford ang pizza pero sabi ni Leone sagot na daw niya yung lunch ngayon kasi siya naman ang nag-aya.

"Oy, Sophie, kanina ka pa walang imik jan." Puna ni Ron sa'kin.

"Ang tahimik mo," Dagdag ni Ed.

"Wala naman kasi akong sasabihin, ba't ako magsasalita?" Sagot ko sa kanila.

"Hayaan niyo muna, Ed." Singit ni Leone. "Badmood si Sophie ngayon."

Nginitian ko na lang si Leone.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now